Chapter 2-First Day High

5 1 0
                                    

Nasinagan nang araw ang buong kwarto ko kaya naman bumaliktad ako ng pwesto talikod sa bintana para hindi masilawan ang mga mata ko at sinubukan kong ituloy ang pagtulog ko pero biglang may nagbukas ng pinto.

"Becca, wake up, li'l sis, you're gonna be late for school" sabi ni kuya. Andito na pala siya, hindi ko na naabutan ang pag-uwi niya kagabi.

Nginitian ko si kuya at umalis naman na siya. Sinimulan ko na ang pagkilos para sa first day. Natatakot ako na natutuwa, hindi ko kasi alam ang pwedeng mangyari saakin e. Pagkatapos maligo at magbihis, inayos ko muna ang mga gamit ko at saka bumaba para kumain ng breakfast.

"Good morning mom, kuya" at hinalikan ko silang dalawa. Sayang wala nanaman si dad, busy nanaman sa business natatakot nga ako na baka si kuya na ang susunod e lalo na't tinuturuan na din siya ni daddy. Buti nalang at si mommy ay hindi kasing busy ni dad kasi kumbaga auditor lang si mommy.

Pagkatapos kumain ay isinabay na ako ni Kuya sa pagpasok, gusto niya daw masilayan ang pagpasok ko dahil proud daw siya saakin, kahit kailan talaga ang sweet ni kuya. Nung nasa sasakyan naman kami biglang nagtext si Cheska, "Bestie, nasan ka na? I'm at school na, I'll wait for u see u bestie." Nireplyan ko naman kaagad para mahintay niya ako at alam ko kung saan ko siya makikita.

"O Becca, be careful okay? If someone will bully you tell me kaagad ha? Wag kang basta bastang pumapatol sa di natin ka level na mga tao, okay?" Paalala naman agad ni kuya.

"Yes kuya, I know what to do already."

"I'm just reminding you. Look at you, I remember you back then when you first went to school, you were so little, so brave, unlike others, they were crying, but you, you always had an interest for school. I'm proud of you li'l sis." Pagdradrama naman ni Kuya.

"Kuya, you sound like mom and dad, stop it." Pangaasar ko naman.

"Pagbigyan mo na ako, nagiging sweet lang naman ako." Aniya.

"Aren't you always? Hahaha" Asar ko naman at sabay kaming tumawa. Sakto naman ay nasa labas na kami ng school. Binaba na ako ni kuya dahil mamaya pa ang class niya at may dadaanan pa siya. Tinext ko naman kaagad si Cheska para sabihing nasa gate na ako at maya maya lang, sinundo niya na ako.

Habang naglalakad kami sa campus, inikot niya na ako at nagsilbi siyang tour guide dahil sa kanila ang University na pinasukan namin pareho, alam niya ang bawat sulok ng lugar na ito. Habang naglalakad kami ni Cheska sa may field, may nakita akong lalaki sa bench, familiar ang mukha niya kaya pinagmasdan ko siya. Pero bigla naman akong tinawag ni Cheska kaya hindi ko maalala yung lalaking yun. Pinagpatuloy namin ni Cheska ang tour sa campus at maya maya lang ay nagring na ang bell, dali dali naman kaming pumasok sa classroom namin, mabuti na lang at wala pa ang adviser namin at classmates kami.

"Phew! Buti nalang wala pa yung teacher natin, sana mabait siya" bulong ni Cheska.

"Oo nga e, saka ayos lang naman siguro malate diba? Lalo na't kayo ang may ari nito" Ika ko naman at tumawa naman kami. Pumwesto kami sa likod dahil late kami. Maya maya lang ay dumating na ang teacher namin, bumati naman kami at masasabi kong gusto ko siya dahil ang bait niya at yung ngiti niya ay halatang mapapakisamahan siya.

Syempre, nagsimula nanaman kami sa "Introduce yourself" part, as usual hehe. Habang pinauna yung mga nasa harap umikot ang mata ko sa classroom at nakita ko nanaman yung lalaking pamilyar ang mukha...

Maya maya lang, "Good morning ma'am, good morning classmates, I am Ethan Arzadon. 12 years old and I hope we can all be friends" sabay ngiti, ang gwapooo nakakamatay char.

Habang tinititigan ko siya, naalala ko kung saan ko siya nakita. Siya pala yung nakabangga sakin kahapon sa mall. Sakto naman kami na ni Cheska yung susunod at ako ang panghuli.

"Good morning everyone, I'm Cheska Ladera, daughter of this University's President and I hope to know you all and be friends" ngumiti naman silang lahat at bumati kay Cheska. Bongga parang nagspeech si bestie :D

"Good morning everyone, I am Rebecca Norman, 12 years old, and I hope to be friends with all of you too" lahat naman sila bumati din at bumalik na ako sa upuan ko.

Ngayong araw din naman binigay ng adviser namin ang arrangement namin kaya napadali ang pakikisalamuha namin sa isa't isa. Si Cheska ay nasa gitna at ako naman ay nasa likod at kung sweswertehin ka nga naman, katabi ko pa yung pogi'ng nakabangga ko kahapon sa mall. (^~^)

"Excuse me, mind if I sit beside you?" Ika niya. Alangan naman tatanggi ako e yun nga yung binigay ni Miss na arrangement e.

"Uhm, sure, no problem" sabi ko naman. Habang nagbibigay ng rules si ma'am, napansin kong may nakatingin saakin kaya bigla akong lumingon at laking gulat ko nang malaman na si Ethan pala.

"Uhm, excuse me, why are you staring at me? Naiilang kasi ako" I said.

"I'm sorry kasi you look familiar, uhm,ha-have we met?" confused na tanong ni Ethan at natawa naman ako sa tanong niya.

"Uhm, actually, hindi tayo formally nagmeet kasi nagkabanggaan lang naman tayo sa mall kahapon" I said, smiling.

"Oh yeah, kaya pala familiar ang mukha mo, about yesterday, I'm really sorry, I was in a hurry, I was looking for my mom." he said, giggling. Ugh, he's cute <3 omg Becca, what? Hahaha.

"That's okay, I understand." I said.

"You have a very kind heart, miss?" he asked.

"Rebecca, Becca nalang." then I smiled at him...

Ang cute naman ni Ethan, ahehe. And ang gaan niya sa loob kausap. I really hope we can be friends. Bigla namang nagring yung bell, lunch na pala. As usual, sabay kami ni Cheska kumain. We decided na sa labas nalang kami kakain, we agreed to eat at McDo namiss niya daw kasi. Habang kumakain, may lalaking nagapproach saamin, tinaas ko ang ulo ko at nagulat ako si Ethan pala.

"Hey, uhm, can I sit here with you, wala na kasi akong mahanap na table e." he said, oh Ethan, so cute <3

"Uhm, of course you can, right Cheska?" I looked at Cheska, with an intimidating look, she giggled and said..

"Of course, cutie" hay nako Ches hahaha.

"Thank you, classmates? hahaha I'm sorry this is embarrasing, I was so desperate, wala na kasing table e. I'm sorry kung naistorbo ko ang bonding niyo" sabi niya nang parang hiyang hiya siya at sobrang paghingi niya ng tawad.

"It's okay, Ethan, after all, you're not a stranger to us." Cheska said.

Then we ate our lunch and had a little conversation while eating, and habang nagkukwento si Ethan about sa sarili niya, parang nakakasundo ko siya. Damn, gusto ko siyang makilala pa. Halos pareho kami ng pinagkakaabalahan, likes and dislikes at nakakasabay ako sa mga laro at trip niya. And the fact na open-minded kami pareho, kaya kahit anong pag-usapan namin, napgkakasunduan namin. Makes me want to know him more...

I Used To Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon