THOMAS TORRESNatapos ang laro nang natalo sila. A five sets game. Nakakalungkot, oo. But it was really a tough and amazing game.
Halos lumabas na nga ang puso ko sa kaba nang inilabas si Ara sa game at nawala sa bench.
Ni-check pala siya ng medical team about sa injury niya. Injury na nakuha niya last season.
Nung nasa hospital siya noon ay grabe ang kaba at takot ko. Palagi akong nasa labas lang ng kwarto niya sa hospital at hindi pumapasok. Kung papasok man ako, dapat tulog siya.
Nahihiya kasi talaga ako sa kaniya.
"Pre, si Ara nakatingin dito, o!" Tapik sa akin ni Jeron habang may itinuturo. Tiningnan ko kung saan siya nakaturo at totoo nga, nakita kong nakatingin dito si Ara.
Yung puso ko parang lalabas na. Grabe yung kaba ko talaga at ang bilis nang tibok ng puso ko. Pero may napansin ako sa mata niya, malungkot ito. Marahil dahil sa pagkatalo nila. Pero ang galing naman nila, sobrang galing.
Biglang naputol ang tingin niya sa akin nang may tumawag sa kaniya. Napasimangot naman ako nang mapagtanto kung sino iyon.
"Mukhang totoo nga ang rumors, ah." Natatawang sabi ni Jeron habang nakatingin din sa tinitingnan ko. May nakayakap na babae kay Ara, walang iba kundi si Shiela Pineda o Bang Pineda, ang rumored girlfriend niya.
Usap-usapan kasi ni tomboy daw si Ara at si Bang ang girlfriend niya. Pero okay lang kung maging tomboy man siya o hindi, ang mahalaga mahal ko siya.
"Tara na nga, uwi na tayo Jer- wala naman na pala akong kausap." Naputol ang sinasabi ko nang makitang wala na si Jeron sa tabi ko. Asan na yun?
Hinanap ko siya hanggang sa makita ko siyang kausap si Mika, mukhang ibibigay na niya ang binili niya kanina.
At ngayon ko lang napansin na may dala siyang bouquet ng flowers at isang malaking teddy bear. Tsk. Ma-effort talaga.
Hindi naman ako ganun ka-chismoso kaya iniwan ko na sila doon at dumiretso na lang sa parking lot.
Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay nakasalubong ko siya, si Ara. Kasama niya si Bang at masaya silang nagke-kwentuhan habang naka-akbay si Ara kay Bang.
Kung totoo man yung usap-usapan na 'yun. Okay lang, pero masakit pala kung totoo yun at harap harapan silang nakikitang sweet.
Napatigil sila nang mapansin nilang nandito ako sa harapan nila at nakatingin sa kanila.
"Uhm, Hi? A—ara, A-ano b-babawi tayo! We'll bounce back! Ah sige, yun lang! Bye!" Nauutal kong sabi sa kanya. At nagmamadali na sa pag-alis. Pero bago iyon ay tinawag niya ko,
"Thomas!" Napatigil ako at humarap sa kanya.
"Ano yun?" Sagot ko habang nakaharap sa kanya at medyo nakangiti.
"Thank you. At oo, babawi kami—tayo." Sabi niya 'tsaka na tumalikod at umalis na silang dalawa ni Bang.
Sobra sobra ang ngiti ko habang naglalakad papunta sa lugar na iyon. Tuloy ang plano.
Ang sarap pakinggan ng salitang 'tayo' kahit iba talaga ang meaning nun sa sinabi niya. Wala akong paki.
Tutuloy ko na. I'll take the risk. I know it will be worth it because she's worth the risk.
Nakarating na 'ko sa lugar na kung saan nakaparada ang sasakyang bus nila Ara at ng team niya. Ang daming tao, sobrang dami at ilan sa mga 'to ay mga kasabwat ko sa plano.
Nandito lang ako sa dulo kung saan medyo malapit sa sasakyan nila. Hinihintay ko silang lumabas, siyang lumabas.
Biglang nagsitilian ang lahat nang tao na nandito hudyat na parating na sila. Kinakabahan ako, sobra. Nandito na ako, it's now or never.
BINABASA MO ANG
My Angel (ThomAra)
FanfictionA Thomas Torres and Ara Galang's short story from my wild and cute imagination. This is not a fantasy story. All Rights Reserved.