THOMAS TORRESIlan taon na ang nakalipas simula nang panliligaw ko kay Ara at ang pagsagot niya sa akin. Halos magta-tatlong buwan ko siyang niligawan.
July 20, 2016. Ang araw kung kelan niya ako sinagot. Sobrang saya ko nung araw na 'yon. Para akong nanalo sa lotto. Kasi sa wakas, kami na. Kami na nang taong mahal ko.
At ngayon, July 20, 2022. Anim na taon matapos niya akong sagutin ay finally nandito na ko sa harap nang altar at hinihintay ang pagdating niya.
Oo, tama. Ikakasal na kami. Ikakasal na kami ng anghel ng buhay ko.February 20, 2022 nang alukin ko siya nang kasal sa mismong park kung saan kami unang nagkita. At masaya ako na 'yes' ang sagot niya.
Maya-maya lang ay dumating na rin siya, at nakita ko siyang naglalakad na palapit sa akin. Tumutugtog naman ang kantang 'All I Ever Need' habang naglalakad siya. Kung pwede ko lang sana siyang hilahin para mapabilis, e. Excited na ko. Excited na excited.
Kitang kita ko sa mukha niya na sobrang saya niya. Maging ang mga taong dumalo sa kasal namin ay nandito rin. Ang former teammate at coach niya sa DLSU, PLDT at iba pa naming kaibigan. Maging sila Alyssa Valdez, Bang Pineda, nandito din.
Nandito rin sila Jeron pati ang mga ka-team ko sa basketball.
Kasal na si Jeron at si Mika, last year. Nauna pa nga sa amin. Haha. Si Jeron ang best man ko habang si Mika naman ang maid of honor ni Ara. Mabuti na nga lang at hindi nagka-problema sa pagpili.
Nandito rin sila ate Abby Maraño at ang asawa niya na naging tatay-tayayan ni Ara, Michelle Gumabao, at marami pang iba. Nakarating na rin sa wakas si Ara. Bago siya ibigay sa akin ng kaniyang ama ay may sinabi pa ito.
"Mahal na mahal ko 'tong anak ko. Kaya huwag na huwag mo siyang sasaktan at lolokohin. Kundi humanda ka sa akin at babawiin ko siya sayo." Ang mga huling sinabi nang soon to be father-in-law ko bago tuluyang ipaubaya sa akin si Ara. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.
Nagsimula na ang seremonya nang kasal, at ngayon ay nasa exchange of vows na kami.
"Ara, My Angel..." Panimula ko.
"Mahal na mahal kita. Kulang pa nga yata ang mga salitang 'yon para mapatunayan ko ang pagmamahal ko para sa'yo. Napakasaya ko kasi, heto na tayo at ikakasal na sa araw mismo kung kelan mo ako sinagot. Sobra sobra ang pasasalamat ko kay God kasi pinadala ka niya para sa akin. Ang swerte ko kasi pinadala niya sa akin ang isang Anghel na kagaya mo. Anghel na napakaganda at napakabait. I know you're the right person for me. I can't stop thinking about you. You're my bestfriend, my lover, my everything and my soulmate, I can't wait to spend my life for you. You're the Angel who came to save me. Ayoko nang habaan pa 'tong sinasabi ko kasi mas gusto kong habaan ang oras para ipakita sayo na mahal na mahal na mahal kita. You're all I ever need. I love you, My Angel. I love you forever and ever." Nakangiti at umiiyak nang sabi ko sa kanya. Isinandal ko ang noo ko sa noo niya.
Kahit pala lalaki ka, talagang mapapaiyak ka lalo na kung sobra sobrang saya na ang nararamdaman o di naman ay sobra sobrang sakit.
Patunay na totoo ang nararamdaman mo. Pero wala namang batas na bawal umiyak ang lalaki, hindi yun nakakabakla. Mas nakakalalaki pa nga 'yon e kasi nagagawa mo 'yon para sa taong mahal mo. Ang problema lang, may sari-sarili tayong pananaw pagdating dyan.
VICTONARA SALAS GALANG
Nakangiti ako at umiiyak na rin habang nakasandal ang noo niya sa noo ko. Sinimulan ko na ang sasabihin ko habang inaalala ang lahat nang mga nangyari sa buhay namin.
"Thomas, my everything..." Panimula ko. "Pag itinadhana talaga 'no? Talagang pinagtatagpo at binibigyan ng happy ending? Siguro yung iba, hindi. Pero siyempre yung sa atin, fate at si God ang dahilan kung bakit tayo nagkatagpong muli. Ang akala ko talaga noon, hindi na tayo magkikita. Pero akalain mo nga naman, heto na tayo ngayon at ikakasal na. Sobrang saya at sarap sa feeling nung makita kitang naghihintay dito. Ikaw ang pakpak ko, hindi ako makakalipad kung wala ka. At ikaw ang oxygen ko, hindi ako mabubuhay ng wala ka. Pero mas ikaw ang other half ko, hindi ako kumpleto kung wala ka sa piling ko. Ikaw din ang anghel sa buhay ko, kasi nung unang beses na nagkita sa park niligtas mo ko sa pag-aakalang wala akong magiging kaibigan. Kaya ikaw din ang angel ko. Ngayon magbubukas na tayo ng bagong kabanata sa buhay natin. Handa akong harapin lahat ng problema at pagsubok na darating sa buhay natin, basta kasama kita sa buhay ko. I love you forever, my everything, my other half and my angel..." Mahaba at punong puno nang pagmamahal na sabi ko sa kanya. Pagkatapos noon ay nagpalitan na kami ng 'I do' at nandito na kami ngayon sa
"I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride." Sabi ng pari na ikinalawak nang ngiti ni Thomas. Excited ang loko.
Itinaas niya ang belo ko at unti-unting lumapit sa akin. Napapikit na lang ako ng maramdaman kong dumampi na ang mga labi niya sa labi ko.
Halik na puno nang pagmamahal. Nang tumigil na siya ay tiningnan niya ako na may ngiti sa mata.
"I will always love you. And always is forever. My Angel." Sabi niya at saka muli akong bingyan ng halik ngunit mabilis lang.
Ngayon dito na nagtatapos ang istorya namin bilang magkasintahan. Dahil simula bukas hanggang magpakailanman ay mag-asawa na kami. Pinagtagpo kami dahil may dahilan, naghiwalay dahil kailangan at ngayon ay pinagtagpong muli upang ipagpatuloy ang nasimulan.
Habang buhay ko siyang mamahalin. Siya rin ang anghel ng buhay ko.
"I will always love you, too. You are also my angel who came to save me."

BINABASA MO ANG
My Angel (ThomAra)
FanfictionA Thomas Torres and Ara Galang's short story from my wild and cute imagination. This is not a fantasy story. All Rights Reserved.