Ikatlo

561 14 0
                                    

Note: This will be Ara's point of view. Short chapter lang 'to kumpara sa first 2 chapter, parang extra lang kumbaga. Hope you like it and ang next na nito ay ang last chapter ng story. Here's the 3rd chapter

VICTONARA SALAS GALANG

     Dalawang araw na simula nang magtapat sa akin si Thomas sa harap nang maraming tao. Dahil sa kanya ay nagawa niyang ipalimot sa amin ang pagkatalo namin.

     Sa totoo lang, hindi naman mawawala yung disappointment namin na natalo kami pero masaya pa rin kami kasi alam namin na binigay naman yung best namin sa laro.

     Kahapon siya nagsimulang manligaw, puro chocolates, flowers, gifts, teddy bears, at ang daming efforts pa ang ginawa niya. Nakakakilig, oo.

     Matagal ko na rin gusto si Thomas lalo na't isa pa siyang basketball player dito sa university namin. Lagi ko nga siyang sinusuportahan noon sa bawat game niya.

     Halos lahat naman ng La salle students, varsity man o hindi, todo ang suporta sa bawat laban nang school.

     We are not just a university. We are La Salle. And we are a family.

     "Ara, tapos na kayo?" Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko pa nakikita ang nakangiti niyng mukha pero kinikilig na ako.

     Nakahiga kasi ako sa sahig ng gym, katatapos lang kasi namin mag-practice. Hindi naman puspusang practice dahil ayaw naming magpakapagod para iwas injury kung sakali. Mas mahalaga pa rin naman ang kalusugan at kaligtasan namin.

     Narinig ko ang mga yapak niya papalapit sa akin at tiningnan ako. Nakahiga ako habang siya nakangiting nakayuko sa akin. Ang gwapo niya, sobra.

     Inilahad niya ang kamay at inalalayan akong tumayo. Napangiti ako. Sobrang sweet at gentleman niya talaga.

     "Dapat hindi ka nagpapatuyo ng pawis, kasi baka magkasakit ka. Sige ka, hindi ka niyan makakapaglaro bukas. Gusto mo ba iyon?" Tanong niya habang naglalakad kami para pumunta dun sa mga upuan. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Gusto kong maglaro dahil yun ang huling beses kong makakapaglaro para sa team, masakit man pero kailangan tanggapin.

     "Ayaw mo pala e, Huwag kang magpatuyo nang pawis ah. Eto o magpunas ka, off limits pa ako, e. Haha." Nakangit niyang sabi sa akin habang inaabot ang towel at naupo na kaming parehas.

     Ayaw niya daw munang umaktong na parang boyfriend ko na, kasi baka ma-turn off daw ako. Saka, respeto rin daw yun para sa label na meron pa lang kami. Ang ligawan stage. Kaya mahal ko 'to e.

     "Alam mo, mami-miss ko 'tong school natin. Lahat pati mga teachers, staffs, students, classmate, memories maging ikaw pero siyempre hindi pwedeng malayo ka sa akin." Paninimula niya. Naku, magda-drama na naman siya. Haha. Pero nalulungkot ako, kasi ganun din ang mararamdaman ko. G-graduate na ko, kami. Nakakaiyak at nakakalungkot lang.

     "Ako din e, dito rin kasi tayo unang nagkita." Malungkot na sabi ko sa kanya pero nagulat ako nang tumawa siya. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Panira naman siya o!

     "Haha. Nakalimutan mo na talaga 'no?" Natatawang tanong niya sa akin. "Nakalimutan ang alin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Bigla naman sumeryoso ang mukha niya.

     "Hindi tayo dito unang nagkakilala, kundi sa park." Sagot niya sa akin na mas nagpagulo sa utak ko. "Sa Park? Paano?" Gulong-gulo na tanong ko. Paanong sa park kami nagkakilala? At paanong hindi ko alam o maalala?

     "15 years ago, nag-decide kami ng family ko na magpunta sa park dahil birthday ko 'yon. Pero accidentally na nawala at nahiwalay ako sa kanila. Halos magg-gabi na pero di ko pa rin sila makita, kaya grabe ang iyak ko noon. Oo, nakakabakla man tingnan dahil umiiyak ang isang lalaki pero wala akong paki. Nawawala ako. Yun ang nasa isip ko nang oras na yun. Ang bata ko pa. Ayokong mawalay sa kanila. Muntikan na nga akong sumuko pero biglang may lumapit sa aking batang babae, ang ganda niya. Para siyang isang anghel..."

THOMAS POV

     Naiiyak na ko. Nawawala ako. Mama! Papa! Nasaan na kayo? Ayoko na po, gusto ko nang umuwi tayo. Tama na po tayo sa paglalaro ng taguan.

     Pilit kong nilalakasan ang loob ko kahit natatakot na ko. Ayoko na. Magg-gabi na pero di ko pa rin makita sila mama. 

     Umupo na lang ako sa isang swing at doon umiyak. Wala akong paki kung sabihin nilang bakla ako dahil umiiyak, nawawala ako.

     Susuko na ako sa paghahanap, ayoko na. Pagod na ko. Pero nabawi yun ng biglang may lumapit sa aking batang babae na sa tingin ko aya kasing edad ko lang din. Ang ganda niya, para siyang isang anghel.

     "Bata, bakit ka umiiyak?" Nagtatanong na sabi niya sa akin. Tiningnan ko siya at umiyak na lang.

     "Nawawala kasi ako. Nahiwalay ako kay Mama at Papa." Umiiyak na sabi ko sa batang babae. Nagulat ako nang ngumiti siya, isang napaka-gandang ngiti. Ngiti ng isang anghel.

     Hinila niya ako patayo at nagulat ako nang punasan niya ang mga luhang pumapatak sa mata ko. "Kalalaki mong tao. Umiiyak ka, hindi bagay. Para kang bakla. Ngumiti ka na, halika tutulungan kitang hanapin ang mga magulang mo." Nakangiti niya pa rin na sabi sa akin. Ang ganda niya talaga at ang bait pa. Hinila niya ako papunta sa mama niya at sinabi niyang nawawala ako kaya naman tinulungan nila akong mahanap ang mg magulang ko.

     Laking tuwa ko maging ng mga magulang ko nang magkita kami. At laking pasasalamat rin nila sa pamilya ng babae. Bago kami umuwi ay tinanong ko ang pangalan ng babae.

     "Anong pangalan mo?"

     "Ara. Ara ang pangalan ko" Sagot niya sa akin at napangiti ako. Nagpakilala din ako sa kanya.

     "Ako naman si Thom. Salamat nga pala ulit ah? Ikaw ang angel ng buhay ko." Huling sabi ko sa kanya bago kami umuwi.

BACK TO ARA GALANG'S POV

     "At ang batang 'yon ay ikaw, Ara." pagtatapos niya sa kwento na ikina-gulat ko. "So ikaw ang batang 'yon? Kaya pala nung una kitang nakita dito sa school ay parang familiar ka sa akin. Paano mo nalamang ako at ang batang babaeng tumulong sa'yo ay iisa?" Tanong ko sa kanya na ikinangiti niya.

     "Dahil tanda ko kung ano ang itsura mo at pangalan mo. Oo, medyo nagbago ang itsura mo pero hindi ang ganda mo. At dahil mas nakilala ka nitong puso ko. Sinubukan kitang kalimutan noon dahil nga bata pa ko pa para magkagusto ako at nagawa ko naman pero nang mag-aral ako dito sa La Salle at nakita kita nung nagt-training kayo dito sa gym, biglang bumalik lahat kaso natakot ako kasi hindi mo man alang ako nakilala at naaalala nung nag-usap tayo nang ipakilala ako ni coach sa inyo kasi binalak ko manood ng practice game niyo." Malungkot na sabi niya akin. Nagulat siya nang niyakap ko siya.

     "Hindi man agad kita nakilala at naalala, ang mahalaga, nandito na tayo, konting hintay na lang. Mahal na mahal kita." Nakayakap kong sabi sa kanya at nakangiti.

     Niyakap niya rin ako pabalik habang nakangiti. "Tama. Mahal na mahal din kita. You're my angel, my one and only angel"

My Angel (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon