Una

1.1K 16 0
                                    


THOMAS TORRES

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Ang ganda niya. Sobra sobra. Sa paningin ko, siya ang pinaka-perpekto.

Totoo nga na 'some angels are born without wings' at isa siya sa nagpapatunay nun. Siya ang anghel ng buhay ko. Alam ko ang korni ko na, pero ganun talaga siguro kapag nagmamahal ka. Nagiging korni.

Siya lang yung babaeng kayang kaya na pabilisin nang ganito ang puso ko, parang may karera sa sobrang bilis. Kahit hindi niya ko tingnan, ibang-iba ang epektong dala niya sa akin.

"Pre, kanina ka pa dyan ah! Ayaw mo bang pumasok?" Nagulat ako nang may biglang tumapik sa akin. Si Jeron Teng. Ang isa sa mga kasama ko sa basketball team ng De La Salle University.

Umiling lang ako sa naging tanong niya. Ayaw kong pumasok, kinakabahan ako. Sigurado ako na kapag pumasok ako dyan at makita siya ng malapitan, baka bigla akong mataranta.

Muli na lang akong tumingin sa kanila, sa kaniya, habang nagp-practice sila para sa game nila bukas.

"Sino ba ang tinitingnan mo? Teka! Siguro may gusto ka sa isa sa kanila 'no?" Biglang sabi ni Jeron na kasalukuyan ring nakatingin sa loob ng gym na pinagp-praktisan nila, ng buong DLSU lady spikers, ang Women's volleyball team ng university namin.

Napangiti na lang ako sa naging tanong niya. Mukhang naintindihan naman niya kung ano ang ibig kong sabihin.

"Dude, seryoso!? Teka, magustuhan mo na kahit sino sa kanila pre, wag lang si Mika Reyes ah!" Sabi niya sa akin. Tsk. Ang isang 'to rin kasi ay may gusto sa isa sa mga players, at yun ay si Mika Reyes. Yung number 3 ang jersey.

Sa totoo lang, hindi ko pa rin sila masyadong kilala. Si Ate Abby Maraño lang ang kilala ko at ang idol ko. Ang idol ko na siyang taong gusto ko, ang babaeng may jersey na number 8. Si Ara Galang.

"Wag kang mag-alala pre, hindi si Mika mo ang gusto ko." Natatawang sagot ko sa kaniya at saka naglakad palayo. Tapos na kasi ang training nila kaya uuwi na rin ako.

"Eh sino pre? Wag kang madamot! Share mo naman!" Tanong muli sa akin ni Jeron. Sumunod rin pala siya sa akin. Siguro ay uuwi na rin siya dahil tapos na rin ang training ng Mika niya.

"Si number 8. Si Ara Galang. Siya yung gusto ko." Simpleng pag amin ko. Nakarating na rin kami sa parking lot kung saan naka-park ang mga kotse namin.

"Si Ara? Bali-balita na tomboy daw yun diba? At yung girlfriend niya daw ay yung si Shiela Pineda? Diba? Maganda rin naman si Ara kaya hindi na ko magtataka kung bakit gusto mo siya, pero siyempre mas maganda pa rin Mika ko 'no. Sige, pre goodluck na lang sa lovelife mo. Una na ko," Mahabang sabi niya at saka sumakay na sa kotse niya. Winagayway niya ang kamay niya bilang pagpapaalam.

"Sige, pre. Ingat!" Paalam ko din sa kanya at saka sumakay na rin sa kotse ko na sabay naming pinaandar at tinahak ang daan pauwi.

Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto para asikasuhin ang plano ko. Pagkatapos kong asikasuhin 'yon ay agad akong natulog.

-----

Nagising na lang ako ng tumunog ang cellphone ko dahil may tumatawag.

Kinuha ko namam ito dahil kanina pa tunog ng tunog. Sino naman kaya 'to? Sinagot ko na lang ito, para malaman ko.

"Hello?" Sagot ko na parang naalimpungatan ang boses.

"Hello, pre! Kagigising mo lang?" Sagot naman nang nasa kabilang linya na sa tingin ko ay si Jeron.

"Oo, pre, bakit? Ang aga pa, ah? Bakit ba napatawag ka?" Sagot ko na may pagrereklamo. Ang ganda kaya ng panaginip ko, tapos iistorbo siya.

My Angel (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon