Yoona's POV
Isang linggo na ang lumipas matapos kaming magperform. Dapat masaya ako kasi marami ang humanga sa amin, pero bakit di ko magawa?
"Mommy?" - napatingin ako kay Luna na nakalapit na pala sa akin.
Nandito kami ngayon sa dorm ng GOT7. Kasalukuyan kaming nanonood ng Movie.
"Bakit ang lungkot ng mukha mo,Yoong? Comedy kaya tong pinapanood natin" - Yuri unnie
Napatingin silang lahat sa akin.
Pumikit ako sandali bago muling nagmulat."Pagod lang ako unnie" - ako sabay tayo "Mauna na kaming umuwi ni Luna? Gabi na eh"
Agad naman humindi sila Sica unnie.
"Sabay sabay na tayo." - Tiffany unnie
"Gabi na, delikado sa daan kung kayo lang ni Baby Luna ang uuwi" - JB
"Sasabayan ko nalang si Yoong, isabay nyo nalang si Luna" - Taeyeon unnie
"Yeonnie, ihahatid ko nalang kayo" - Jr
Napansin kong nakatingin si Mark kaya nginitian ko nalang siya.
"Wag ka makulit dyan Jinyoung. Sasapakin kita" - Taeyeon unnie
"Ang astig mo naman magmahal noona, nananapak" - Jackson
Napailing nalang si Taeyeon unnie bago ako hinila palabas.
Habang pauwi kami, nagulat ako ng biglang magsalita si Taeyeon unnie.
Kasalukuyan siyang nagdradrive kaya di ko napansin na nakikita nya ang itsura ko.
"Kung nasasaktan ka, pwede mo naman sabihin eh" -Taeyeon unnie
Hininto nya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Napatingin ako sa kanya na nakatingin na pala sa akin.
"Yoong, wag ka mag hesitate na sabihan kami ng problema mo" - Taeyeon unnie
Sa sinabi nyang yun, tuloy tuloy na tumulo ang luha ko.
"Mahal ko parin sya unnie" - iyak ko" Pero ansakit na eh"
Agad akong niyakap ni Unnie.
"Nakakapagod na unnie. Kahit sobrang tagal na. Kahit alam kong may iba na. Sobrang sakit na"
Hanggang makauwi kami ni unnie umiyak lang ako ng umiyak .
Pagbaba ko ng sasakyan, nakita ko siya.
Bakas sa mukha nya ang pag aalala ng mapansin niya sigurong namamaga na ang mata ko kakaiyak.
Agad agad akong pumasok ng bahay ng akmang tatawagin niya ako.
Pagod na ako. Sobrang pagod na.
----------------------------------------------------
Luhan's POVSinundan ko nalang ng tingin si Yoona ng di nya ako pansinin.
Naalala ko tuloy yung naging sagutan nila ni Chorong after ng concert.
Flashback ...
"Wala ka talagang kahit konting hiya sa katawan mo no?"
Napalingon ako sa boses ni Chorong at nakita kong nilapitan niya si Yoona.
BINABASA MO ANG
Catch Me If You Can
FanficBook 2 of "When The Badboy Cassanova Meets the Evil Gangster Ladies."