Halos 30 minutes rin ang dumaan bago ko napag desisyunang umuwi nalang. Simula nang umalis si Grae at umakyat sa taas ay hindi na siya bumaba ulit. Siguro nagalit siya sa ginawa ko. Fck. Ang tanga ko naman kasi.
Busy ako sa pag-aayos ng gamit ko nang marinig ko ang ingay ng pag bukas at sirado ng pinto sa taas. Agad na nanigas ang katawan ko nang makarinig ng yabag pababa. Hindi naman pwedeng ibang tao ang pababa dahil kaming dalawa lang naman ang tao dito.
"Where are you going?" Parang na semento ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses niya mula sa likuran ko.
Napalunok muna ako at pinahiran ang pawis na nagbabantang tumulo mula sa noo ko at nilingon si Grae.
"Uuwi na" saglit ko lang siyang tiningnan at agad na iniiwas ang tingin ko at finocus ang tingin sa sahig.
"And what's your plan about our task?" Saglit kong tinaas ang tingin ko at agad uling binaba nang makitang naka taad ang isang kilay niya.
"Uhm. Bukas nalang siguro" hindi siguradong sagot ko habang kinukuyumos ang palda ko.
"Bakit pa ipagpapabukas if we can do it tonight?" Sunod sunod ang pag lunok ko nang iba nanaman ang scenaryong pumasok sa isip ko.
Gaga ka Monique umayos ka!
Kung wala lang siguro si Grae sa harapan ko ay paniguradong kanina ko pa kinutusan ang sarili ko.
Nakasunod lang ang tingin ko kay Grae nang umupo ito sa dating pwesto nito kanina. Tiningnan naman niya ako at tinaasan ng kilay.
"Anong hinihintay mo? Himala?" Masungit na sabi nito at tinapik ang espasyo sa tabi niya.
Napakagat naman ako ng labi habang pinag uuntog ang dalawang hintuturo ko.
"Uhm. Sorry" hindi maka tinging sabi ko sakanya.
"For what?" Mas lalong napadiin ang pag kagat ko sa labi ko at naramdaman ko ang pag akyat ng init sa pisngi ko habang nag iisip ako ng salitanh dapat kong gamitin. Sobrang pagka pahiya na ang nangyari kanina at ayoko ng dagdagan pa.
"Sa nangyari kanina i'm sorry" nakayukong sabi ko.
"May nangyari ba kanina?" Napataas ako ng tingin at takang napatingin kay Grae na naka tingin sakin ng inosente. Ilang segundo ko muna siyang tinitigan bago ngumiti ng konti at umiling bago umupo sa tabi niya.
Thank you naman at hindi naman siya nagalit ungkol sa pangyayari kanina or hindi niya manlang ginawang awkward ang atmosphere.
" did you bring your laptop?" tanong nito sakin. Umiling lang naman ako bilang sagot.
" bring it tomorrow" simpleng sabi nito at binukasan ang sariling laptop. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang seryosong naka tingin sa screen ng laptop niya.
Gosh. Kung ako siguro ang laptop kanina pa ako natunaw.
Parang kinidlatan naman ako nang kunot noong binalingan niya ako ng tingin at nahuling naka titig sakanya. Kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Sorry" hinging paumanhin ko at binuklat na ang notebook ko.
Halos 3 oras din ang ginugol namin sa pag gawa ng assigned work ng makaramdam ako ng antok. Humikab ako at sumandal sa headrest ng sofa habang si Grae naman ay busy parin sa pag tatype sa laptop niya. Dahan dahang lumiit ang paningin ko hanggang sa hindi ko napansing naka tulog ako habang naka upo.
"Miss" rinig ko habang may kumakalabit sa braso ko. Umungol lang ako bago umiba ng pwesto.
"Miss!" narinig ko ulit ang boses na tumatawag sakin bago kinalabit ng braso ko ng mas malakas.
Humarap ako at dahan dahang binuksan ang kaliwang mata ko pero agad ulit na napapikit dahil sinag ng araw. Bago dahan dahan ulit na binuksan ang mata ko.
Ilang beses pa akong napakurap habang umaadjust ang paningin ko sa sinag bago ko napansin si Grae na naka tingin sakin.
Pero bakit parang may iba sa itsura niya? Bakit siya may pierce?
"Grae?" Takang tanong ko at bumangon. Napatingin muna ako sa paligid at napansing umaga na pala!.
oh shoot si mama!
" hala sorry Grae naka tulog ako!" Hinging paumanhin ko at agad na tumayo at inayos ang sarili ko sabay pahid sa gilid ng labi ko. Malay ko ba baka may panis akong laway.
"I'm not Grae miss" natigil ako sa pag papanic nang marinig ang sinabi ng lalaking kaharap ko. Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago muling nag salita.
"I'm Grey Bentley Salvatore, and you are?" Parang nag malfunction ang utak ko nang marinig ang pangalang pinakilala niya sakin.
Hindi ko lang kilala ang lalaking naka tayo ngayon sa harap ko kundi kilalang kilala.
Sabay naman kaming napalingon sa hagdan nang makarinig ng yabag at nakita doon si Grae na pupungas pungas pang bumababa pero natigilan nang makita ang lalaking kaharap ko.
Uh oh.
-Grae Audi Salvatore-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘
BINABASA MO ANG
Grae Audi Salvatore ✔
RomancePossessive Diaries #4 Date Started : April 6, 2016 Date Ended : May 24, 2016