17

14.1K 390 14
                                    

Mabilis akong naglalakad habang nakayuko sa papel na binabasa ko. Papunta ako ngayon sa school library para magpa photocopy. Saktong papaangat na ako ng tingin nang mabangga ako sa kung sino.

"Ouch" nakangiwing impit ko at hinimas ang pwet kong nasaktan.

"I'm sorry miss" rinig kong sabi ng pamilyar na baritong boses ng lalaki at biglang lumitaw ang isang kamay sa harap ko. Inabot ko naman ito at pinagpag muna ang palda ko bago humarap sa lalaki.

"Grey?!" Gulat na sambit ko nang makita ang lalaking naka tayo sa harap ko. Gulat din ang rumehistro sa mukha niya bago iyon napalitan ng isang ngisi.

"Hi Monique" malaki ang ngiting sabi nito at kumaway pa.

Napangiti rin ako dahil ang cute ng ngiti niya " anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko at nagsimulang pulutin ang papel na hawak ko kanina pero lumipad nang mabangga ko si Grey.

Yumuko din si Grey para tulungan ako sa pag pulot ng mga papel " o came here for you actually. Nag woworry pa ako kanina na baka hindi kita makitam but fate did it's job at pinag kita tayo" sabi nito at tumawa ng malakas.

Nagulat ako sa narinig ko kaya taas kilay lang akong nakatingin sakanya habang inaabot niya sakin ang ilang papel na napulot niya.

Sa pagkakaalala ko hindi naman ako nangutang sakanya nung araw na una ko siyang nakita kasi hindi ako gumastos non dahil hinatid ako ni Grey.

"Anong kelangan mo sakin? Wala akong utang sayo! At kung mangungutang ka man maawa ka wala akong pera! Pulubi lang kami" nanlalaki ang matang sabi ko at napaatras pa ng dalawang beses. Natawa nanaman siya ng malakas at napahawak pa sa tiyan.

"Kaya pala" narinig kong bumulong siya pero hindi ko narinig. Bulong nga eh!

"Anong sabi mo?" Takang tanong ko. Ngumiti lang naman siya at umiling.

"Nothing, gusto ko lang magpa sama sayo sa mall. May class ka pa ba?" Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.

"So tara?" Tuwang tuwa na tanong nito at akmang mauuna nang mag lakad nang mag salita ako.

"Libre mo?" Natatawang biro ko. Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan.

"Oo naman! Tara!" Hindi ko nalamang pinansin ang braso niyang nasa balikat ko kasi parang wala lang naman sakanya kaya napailing nalamang ako.

"Daan muna akong library! Papa photo copy ko tong reviewer " sabay pakita sakanya ng mga papel na hawak ko.

"Sure!" Masiglang sabi nito at nagsimulang maglakad.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko sakanya. Natigilan naman siya at tiningnan ako.

"Sa library" simpleng sabi nito at akmang maglalakad ulit nang bigla ko siyang pigilan.

"Dito ang daan papuntang library" turo ko sa kabilang direksyon. Napakamot naman si Grey ng ulo gamit ang isang libreng kamay.

"Sabi ko nga. Dito daan" parang batang sabi nito habang naka pout pa. Natawa nalamang ako at nagpatangay na sakanya.

Masaya at nag tatawanan kami sa pinaguusapan namin nang bumungad samin ang anyo ni Grae na sobrang itim na ang aura nang papaliko kami papuntang library.

"So this the reason why your not answering your phone" seryosong sabi nito at hindi makikitaan ng emosyon pero punong puno ng galit ang boses habang nakatingin sa kamay ni Gret na nakaakbay sakin.

Dali dali ko namang inabot ang phone ko sa bulsa at nagulat nang makita ang 56 miss calls at 78 messages mula kay Grae.

Narinig ko naman ang pag ngisi ng katabi ko sa kapatid niyang mala supper saiyan na. Tiningnan ko si Grae pero agad ding napayuko nang parang may apoy na akong nakikita sa mata niya.

Patay!

-Grae Audi Salvatore-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Grae Audi Salvatore ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon