Please do follow my Dreame account @ Tixxxzhttp://www.dreame.com/novel/veQImD7q1KrjbI2Jkgz9PQ%3D%3D.html
—
Napakapit ako sa hamba ng pinto ng room namin dahil hapong hapo ako galing sa pag mamarathon mula sa lugar na kung saan ako binaba ni Grae.Speaking of the Devil.
Nakita ko siyang relax na relax na naka upo sa chair niya habang naka pikit at may naka saksak na earphones sa magkabilang tenga niya.
Pshh. Plastic.
Palihim ko siyang inirapan nang maalala ko ang nangyari kanina sa kotse niya habang. Hanggang sa maka upo ako sa upuan ko ay nasa kanya parin ang attention ko hanggang sa may maramdaman akong matigas na bagay na tumama sa noo.
Napaigik ako at hinimas ang parteng natamaan habang hinahanap ang bagay na tumama sakin. Napakunot ang noo ko nang makita ang isang kinuyumos na papel hindi kalayuan sakin kaya inabot ko at iyon at binuksan.
Sino naman ang anak ng teteng na babatuhin ako ng kinyumos na papel at may piso pa sa loob?
Napatingin ako sa paligid para hanapin ang suspect ng pag bato sakin ng papel na to at agad kong nakita si Tricia na naka peace sign sakin habang sobrang lapad ang ngiti sa labi. Binigyan ko siya nang masamang tingin na ikinatawa lang ng bruha.
Sige tawa pa. Makabag ka sana! Palunok ko kaya sayo ang piso mo!
Piping sigaw ko sa isip habang nakatitig parin ng masama sa bruha kong kaibigan.Sinenyasan niya naman akong baligtarin ang papel kaya ginawa ko at doon ko napansin na may naka sulat pala doon.
"Ang mata ineng! Ayusin. Wag mi namang i eye rape si Grae may tamang panahon din para diyan . Oh eto piso hanap ka katitigan mo"
Sa inis ko ay binato ko ulit sakanya pabalik ang kinuyumos na papel na may piso sa loob. Ako naman ngayon ang napatawa nang tinamaan siya sa mismong gitna ng noo niya.
Hahaha! Head shot!
Nag behlat lang ako kay Tricia nang bingyan niya ako ng middle finger habang hinihimas ang nasaktang noo.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang mapalingon ako kay Grae at nahuli siyang nakatitig sakin. Ang akala ko ay iiwas siya ng tingin pero nagkamali ako dahil nakipag titigan siya sakin.
Bigla niya akong tinaasan ng kilay kaya napaiwas ako ng tingin at nag kunyaring binubuklat ang libro ko but when in fact tinitigan ko siya mula sa gilid ng mata ko.
"Galing mong mag basa inday ah! Baligtad ang libro! Bago mong talent?" Nagulat ako nang bigla nalamang sumulpot sa gilid ko si Tricia at inakbayan ako at malakas na sinigaw ang nahuling eksena.
Napatawa naman ang iba kong kaklase na nakarinig ng sinabi niya kaya agad ko siyang siniko ng mahina at mabilis na inayos ang libro.
Kahit kelan pahamak talaga tong sa buhay ko si Tricia. Kaibigan ko ba talaga to?
Tinawanan lang naman ako ng bruha at tinap ang balikat ko bago bumalik sa upuan niya at nag buklat din ng libro.
Pinatayo ko ang librong hawak ko at tinago ang mukha ko doon at sinilip si Grae habang naka tago parin ang mukha sa libro.
napahugot ako ng malalim na hininga nang makita si Grae na hinihimas ang labi niya habang may ngiting nag lalaro doon.
Gosh ang lips niya. Ang pula pula. Sana ako nalang ang daliring humahawak doon. Parang ang sarap hawakan at halikan.
Naalala ko nanaman ulit ang braso niya nung naka sando lang siya.
Hindi lang pala labi niya masarap. Pati rin yung braso yummy!
Dali dali kong kinuha ang panyo ko sa bulsa nang maramdaman kong may dumadaloy na kung ano sa babalo ko at agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtantong laway ko pala iyon.
Wtf?! Eww Nique! Hindi ako nag lalaway kahit na natutulog ako kaya eto ang pinakaunang beses na tumulo ang laway ko at dahil pa yun sa lalaki!
Totoo pala ang sabi nila na may lalaking literal na nakakatulo talaga ng laway. and one example na don ang nangyari sakin bago lang.
-Grae Audi Salvatore-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘
BINABASA MO ANG
Grae Audi Salvatore ✔
RomancePossessive Diaries #4 Date Started : April 6, 2016 Date Ended : May 24, 2016