Please do follow my Dreame account @ Tixxxzhttp://www.dreame.com/novel/veQImD7q1KrjbI2Jkgz9PQ%3D%3D.html
—
"Iho" malaki ang ngiting bati ni mama kay Grae at mabilis na lumapit dito at bumeso. Nakita ko namang natigilan saglit si Grae pero agad ding ngumiti nang pilit kay Mama."Ikaw ba si Grae?!" Nanlalaki ang matang tanong nito kay Grae at hinawakan pa ang kamay nito. Tumango naman si Grae bilang sagot at napakunot ang noo nang mapansing kilala siya ni mama.
Ako naman ngayon ang natigilan at kinabahan nang tingnan niya ako ng puno ng pag tataka. Ngumiti lang ako sakanya ng pilit at umiwas ng tingin.
"Halika pasok!" Dugtong pa ni mama at hinila si Grae papasok ng bahay habang sinenyasan lang niya akong sumunod.
Naka ngiwi lang akong naka tingin sakanilang nag lalakad. Parang gusto ko tuloy masaktan at nag selos kay Grae. Ako yung anak dito pero siya pa yung unang binati, nilapitan at hinila papasok sa bahay. Nasaan ang hustisya?
Napailing nalamang ako at napag desisyunan nang pumasok sa loob para makapag handa na ako kasi may pasok pa kami. Nadatnan ko naman sina mama at Grae na nag uusap sa sala.
Muntik pa akong mapatawa nang makita ang hindi mapintang itsura ni Grae habang pilit ang ngiting sinasagot kay Mama. Saglit na dumaan ang tingin niya sakin at agad akong tiningnan ng masama. Natawa ako ng mahina at nag approve sign pa sakanya na mas lalong kinasama ng tingin niya sakin.
Tumuloy na ako sa kwarto ko at hinanda ang gamit ko para makapag handa na ako. Ayoko namang pag hintayin si Grae sa baba kasi base sa mukha niya anytime soon ay mag tratransform na siya into supper saiyan.
Saktong katatapos ko lang mag bihis nang bumukas ang pintuan ang pumasok doon si Joem.
"Ateeee~" malaki ang ngiting sabi nito habang mukhang baklang lumapit sakin at hinampas ako sa balikat.
"Bakit?" Takang tanong ko at napatitig sa kapatid ko.
Jusko. Mukha talaga itong bakla habang parang kinikilig na hinahampas ang balikat ko ng paulit ulit at napapatirik pa ang mata.
"Joem!" Sigaw ko at niyugyog pa ng malakas ang kapatid ko pero no use kasi tumawa lang ito ng parang baliw.
Nakangiwing binitawan ko siya at hinayaang tumawa ng tumawa habang hinahampas ang balikat ko. Maya maya at tumahan na ito sa kakatawa at tumingin sakin. At tumawa nanaman -_-.
"Ewan ko sayo!" Pikong sabi ko at sinukbit na ang bag ko at akmang aalis nang bigla niya akong pigilan.
"Ate!~ anong nangyari kagabi?!" Kilig na kilig na sabi nito at parang tangang nag sinway sway ang katawan.
Jusko sa pagkakaalam ko wala naman sa history ng pamilya namin ang mga half-half ang gender. Pero bakit nagkaganito ang kapatid ko? Siguro nag kulang ang sperm na napasok ni papa?
Agad akong napailing sa naisi at masamang tiningnan ang kapatid ko na tuwid na napatayo nang makita ang itsura ko.
Bigla ko namang naalala ang mga nangyari kagabi. Hinandaan niya ako ng tinapay..nakita ko siyang naka sando at boxers. At na..na.. nasagi ko yung..
Agad na nang init ang pisngi ko sa naisip kaya napaiwas ako ng tingin sa kapatid ko. Napansin naman yun ng kapatid ko kaya agad na bumalik ang ngisi sa labi niya.
"W-wala!" Napamura ako sa isip nang mautal ako.
Gosh nique! Ang obvious mo masyado.
At dahil sa hindi ko kinaya ang mapang asar na ngisi ng kapatid ko ay lumabas nalamang ako ng kwarto at iniwan siyang tumatawa.
Agad na napatayo sinq Grae at mama nang makita akong paparating.
"Hey" bati niya sakin at kinuha ang bag ko mula sakin na ikinalaki ng mata ko. nakita ko namang lihim na napangiti si mama sa nakita.
"M-ma aalis na po kami" paalam ko kay mama at humalik sa pisngi niya. Tumango naman siya at nakangiting bumalik kay Grae. Nagulat nanaman ako ulit nang sa ngayon ay si Grae na ang humalik sa pisngi ni mama at hindi na siya.
Okay anong meron? Takang tanong ko sa isip at nagpalipat lipat ang tingin sakanilang dalawa.
"Ingat kayo" rinig kong sigaw ni mama bago lumiit ng lumiit ang paningin ko sakanya habang lulan kami ngayon ng sasakyan.
"Oh!" Napaigik ako ng mahina nang biglang iitsa sakin ni Grae at bag kong kinuha niya kanina mula sa pagkakahawak ko habang nasa harap kami ni mama.
"Huh?" Takang tanong ko at niyakap ang bag ko.
"Ang bigat. Ikaw mag bit bit bag mo naman yan" tipid na sabi nito at binigay na ang lahat ng attensyon sa harap.
Hindi makapaniwala naman akong napatitig sakanya ng marealize ang ibig sabihin ng nangyayari. Gosh! Plastic din pala siya?! So ibig sabihin pakitang tao lang lahat yun? pati ang pag bukas niya ng pinto ng sasakyan sakin kanina?!
Palihim ko siyang inirapan at tinutok ang attensyon ko sa bintana. Tahimik lang kami hanggang sa malapit na kami sa school.
"Did you bring your laptop?" Napalingon ako sakanya nang marinig ang tanong niya.
"Yup" tipid na sagot ko.
malakas na napahugot ako ng hininga nang mag lean siya malapit sakin. Agad kong binaklas ang seatbelt na suot ko nang maisip na yun nanaman ulit ang gagawin niya. Pero nagkamali ako kasi hindi parin lumalayo ang itsura niya. in fact mas lalo pang lumapit.
"Good now go" napasigaw ako nang muntik na akong mahulog nang bigla nalamang niyang buksan ang pinto ng sasakyan sa likod ko. Dikit na dikit kasi ako doon nang lumapit ang mukha niya kaya muntik na akong nahulog kung hindi lang akong mabilis na napakapit. ba't hindi ko manlang ba napansin na tumigil ang sasakyan?
"Heh!" Inis na sigaw ko sakanya at bumaba ng sasakyan niya at tiningnan siya ng masama.
"Later"
Parang tumalon naman ang puso ko mula sa Mt. Fuji nang ngumiti siya ng tipid sakin bago tuluyang sinara ang pinto ng sasakyan. Agad akong napakapkap sa garter ng panty ko habang naka sunod ang tingin sa sasakyan niya at napansing mahigpit pa naman ang kapit ng panty ko sa bewang ko.
Good Lord. Feeling ko mahuhulog ang panty ko sa ngiti niya. Pati tuloy ang puso ko ay nahu log log log log at ang isip ko naman ay nag log log log log.
Napailing ako sa naiisip at napatingin sa paligid at bakitang binaba niya pala ako Hindi kalayuan sa school. Napatingin ako sa wristwatch ko at agad na napatakbo nang makitang malapit na akong ma late sa first subj ko.
Gosh. i can't wait for later.
-Grae Audi Salvatore-
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
BINABASA MO ANG
Grae Audi Salvatore ✔
RomancePossessive Diaries #4 Date Started : April 6, 2016 Date Ended : May 24, 2016