Music 2: Worst Day Ever
Xyra's POV
Ohmyghad! Periodic Exams na ngayon! Huhuhu. Mga tests pa naman ngayon ay Filipino, AP, Science, at Statistics. Okay pa yung Filipino at Statistics eh, pero Science? At AP pa? Ayoko na!!!
"Class, itabi niyo na ang mga bag niyo sa side. Ballpen lang ang gusto kong makita sa lamesa niyo. NO CHEATING okay? You may now start answering." sabi ni Ma'am Cristobal, ang advisor namin.
Okay, 3rd Quarterly Exams, here I come!
~~~Pagkatapos ng Filipino at AP Exams~~~
Haaaay buti medyo madali lang ang Filipino! At yung AP! Halos Application lang kasi lahat eh. Buti nalang talaga.
Recess na nga pala! Gutom na ako.
Wtf! Papunta palang ako sa bag ko eh nandun na sila. Nilantakan ba naman LAHAT ng baon ko. Tubig lang tinira. Ang sama talaga nila.
"Your Welcome Xy." wow. Grabe 'tong si Nixie. Yung skyflakes ko :'(. Ginamit pa niya yung tumbler ko pangdurog ng skyflakes. Waaaaaah!
"Gwabe ang charap ng chandwich mo Chayrah!" sabi ni Crystal habang nginunguya yung sandwich ko. Ugh, di ba nila alam na nagugutom din ako? Diba?
"Ay choree chayrah! Kakain ka pala! Guchto mo nito? Buchi nga pinagchira ka pa namin eh!" wow. Grabe talaga. Basura yung binigay sakin. Ugh, wag na nga. Magsusulat na lang ako ng lyrics.
Bumalik na ako sa upuan ko dala ang bag ko. Thirty minutes pa naman ang break kaya makakapagsulat pa ako. Hmmm... Ano kaya magandang isulat? Ah, alam ko na!
Pagkatapos kong isulat yung isang verse, pumunta muna ako sa cr. Nagpasama ako kay Nixie.
Pinatong ko muna yung ID ko sa may lababo, nasira kasi yung lace eh.
Pagkalabas ko, nawala yung ID ko. As in yung ID lang talaga. Hinanap ko sa buong CR pero wala talaga. Patay ako nito.
"Nix, nakita mo ID ko?"
"Nope. Sabay tayong nag-cr eh. Baka may kumuha? May pumasok kanina eh." sabi niya. Shemai. Bakit ba kasi nawala yung ID ko?
Di bale, mamayang dismissal ko nalang hahanapin.
~~~Dismissal~~~
Habang nag-aayos ako ng gamit, nakita ko si Jared, kasama yung mga kaibigan niya. Nung nakita nila ako, parang nagpipigil sila ng tawa, pati rin si Nixie. At ang barkada. Ugh halata naman na nagsabwatan silang lahat, sa pagkuha ng ID ko. Grabe, ang bait nila 'no?
"Uy Xy! May hinahanap ka ba?" tanong ni Jared. Aba bwiset 'tong lalaking to ah.
"Sa totoo lang, di ko na kailangang hanapin. Ang obvious naman kasi na kayo yung kumuha eh." sabi ko. Nakakabwiset talaga!
"Sige na nga. Bibigay ko na sayo yung ID mo." sabi niya. *insert devilish smile. May pinaplano 'tong masama. Kasi naman eh.
"Abutin mo muna! Hahaha." sabi ko na nga ba eh. Ang corny naman. Lagi ko 'tong napapanood sa teleserye ah. Eh basta, kailangan kong makuha yung ID ko!
Shemai. Paano ko yun maaabot eh diba nga sobrang tangkad niya? Ugh. Naman oh.
"Akin na yan bwiset ka!" sigaw ko sa kanya sabay talon. Habang talon ako ng talon, natalapid ako sa paa niya.
Ohmayghad! Lord naman, magagalit sakin si Crystal! Baka akalain niya na inaagawan ko siya kay Sahig! Please Lord! Ayokong maging third party sa pagmamahalan nila!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hey Xy, are you gonna stand up or I'll let you fall? You look stupid." huh? Wait. Ibig sabihin hindi ako nalaglag? Thank you Lord! Maraming Salamat!!!"Okay, action speaks louder than words, so I guess I'll just let you fall. Haha sorry." sabi ni Jared. Wait. What?!
"Ouch!" ang sakit ng balakang ko! Hayaan ba naman akong mahulog.
"Hahaha. Ikaw kasi Xy eh, sinayang mo yung chance." sabi ni Nix. Ang sama talaga nila!
Bumalik na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Tinignan ko yung sinulat kong verse kanina.
Wtf! Bakit puro drawing?! Halatang binaboy 'tong notebook ko! Ugh nakakainis talaga yung lalaking yun! Hindi naman siya ganito sakin dati ah.
Biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Surprised? Dapat pala mas pinangitan ko yung drawing ko. Lalo na yung Donut with sprinkles. Hahahaha." Oo na! Ako na matigyawat! Di ba niya alam na part 'yun of growing up? Ugh bwiset.
"Kbye." sabi ko saka ako tumakbo. Maka-cr nga ulet. Sorry naman. Pinaglihi ata ako sa cr eh. Joke. Geh ako na corny.
~~~Pagkalabas ng CR~~~
What the hell?! Nawala yung bag ko! Paniguradong tinago yun ng Jared na yun.
"Yung bag mo? Sorry. Naiwan ko sa Boy's CR. Nagmamadali kasi ako eh. Bye!" aba loko 'tong lalaking to ah? Huhu paano na yan?
~~~END OF CHAPTER TWO~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Thanks for reading guys! See you sa next Update! :)))
~Khrizia

BINABASA MO ANG
Follow The Music, Follow Your Heart
Teen FictionSi Xyra, isang music lover, ay mahilig kumanta, tumugtog ng mga musical instruments, at isang songwriter. Pero magiging inspired kaya siyang musician kung mahanap niya ang FOREVER niya?