Music 3: Over Again
Xyra's POV
Haaaay nako! Buti nalang tinulungan ako ni kuya janitor! Bakit kasi biglang natripan akong asarin ni Jared? Hindi naman siya ganun sakin dati. Baka sinapian lang ang loko. Hahaha.
"Huy Xy! Kanina ka pa namin hinahanap! Nung tinanong namin si kuya janitor sabi niya papasok ka na dapat sa boy's CR, kasi may kukunin ka. Buti nalang daw siya na kumuha. Anyare ba kasi?" sabi ni Crystal.
"Baka kukunin niya dapat yung puso ni Jared. Naiwan ata dun. Hahaha peace tayo Xy!" natatawang sabi ni Jireh. Hilig talaga nila akong pagtripan 'no?
"Guys may oras pa, saan niyo gustong gawin yung kanta ng Xyred?" tanong ni Nixie.
"Sa Canteen nalang!" sigaw ni Jireh. Ano ba yan! Parang dun na nga siya tumira eh.
"Jireh! Wag dun! Sawa na ako dun eh! Sa gazebo na lang sa may garden para tahimik!" sigaw ni Crystal.
"Paano naman magiging tahimik dun eh kasama ka namin? Joke lang. Sige dun na lang tayo." sabi ni Jireh.
~~~Gazebo~~~
"So guys, isip na ng first line." sabi ni Nixie.
"Uhm...
.
.
.
They're teasing me about you,
But I'm stuck next to you like glue." sabi ko. Totoo naman eh. Magkalapit kasi kami ng upuan."Gawin nating perspective ni Jared, para maganda!" sabi ni Crystal.
"Okay, idudugtong nalang natin yun doon. Uhm...
.
.
.
"I blame your friends for starting this, this lunacy that I won't miss." sabi ni Nixie. Huh? Ano yung 'lunacy'? Kasi naman si Nixie eh, englishera. Sorry, nabobobo lang sa english ^_^v hehehe."Ano yung 'lunacy', Nixie?" tanong ni Crystal.
"Uhm parang kalokohan, ganun." ahh yun pala. Tama! Kalokohan nga yung mga pinaggagawa nila!
"Yung Refrain naman! Okay na yan sa verse one." sabi ni Jireh.
"I try to be just friends with you, but all of them are forcing me to." sabi ni Crystal.
"Nice one Crystal! Tama ka dyan!" sabi ko. Si Crystal lang kasi ang madalas nakakaalam ng nararamdaman ko kapag inaasar nila ako. Siguro ganun din ang nararamdaman niya...
"I just wanna leave this place. It makes me feel like a disgrace. " sabi ni Jireh. Minsan din, sinasabihan ko si Jireh, kaya alam niya din.
"Chorus naman!" Sabi ni Crystal. Ah! May naisip na ako!
"Cause I try over and over again." sabi ko.
"To bend this little thing that's going 'round my head."- Nixie
"That all this is, is just a dream, and I'll wake up someday."-me. Yeah, just a dream.
"And I'll try over and over again." sabi ni Crystal.
"TILL WE'RE A THOUSAND MILES APART." sabi ko. Inemphasize ko pa talaga ah.
"Galit ka ba Xy? Wag high blood teh!"- Jireh
"Di ako galit. OA mo naman." sabi ko. Haaaaay nakakapagod mag-isip ng idudugtong.
“Verse two!
.
.
.
Everytime I walk in the room,
You make me feel like I'm doomed. ”sabi ni Nix.“And everytime you're standing near, I have to push down my fear. Tapos repeat refrain at repeat chorus two times.”
“Then uulitin sa huli yung ‘TILL WE'RE A THOUSAND MILES APART’. Okay ba?” tanong ko.
“Ok na ok! Wag mo lang kantahin ng pagalit ah? Haha joke lang.”-Francine.
“Kfine.” sabi ko. Ako talaga yung laging inaasar. Huhu.
“Wait guys, wala pa palang bridge, masyado tayong nagmamadali eh. Haha.” sabi ko.
“Ako nalang gagawa nun sa bahay.”- Nixie
“Sige.”
"Guys, aalis na ako, nandyan na kuya ko eh. Magcocommute pa kami. Bye guys!" paalam ni Crystal.
"Aray!" hahaha nadapa nanaman ang pabebe! Pabebe kasi! Hinalikan tuloy ng sahig! Hahahaha.
"Ano ba yan Crystal! Gusto daw makipagdate sayo yung sahig! Joke! Hahaha bye din guys, makikisabay na ako sa kanila!" sabi ni Jireh.
"Sige bye!" sabi namin.
.
.
.
Umuwi narin si Nixie. Haaaaay nako. Mangiiwan talaga sila. Bakit kasi lagi akong huling sinusundo eh :'(.~~~END OF CHAPTER THREE~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Haaaay buti naka update narin! Simple lang po yung melody ng over again, pero ewan ko ba kung bakit na-lss yung iba kong kaklase. ?_? Thanks for reading guys! See you sa next update! :)))
~Khrizia
BINABASA MO ANG
Follow The Music, Follow Your Heart
Teen FictionSi Xyra, isang music lover, ay mahilig kumanta, tumugtog ng mga musical instruments, at isang songwriter. Pero magiging inspired kaya siyang musician kung mahanap niya ang FOREVER niya?