FATE PLAY

672 10 8
                                    

FATE PLAY

“Ibang klase maglaro ang kapalaran.”

Prologue

Nakabubulabog na ingay ang bumalot sa tahanan ng mga Pineda sa gabi ng ika-apat ng hulyo taong 2000.

Puno ito ng ingay ng basag na pinggan at nag-uumpugang mga kaldero.

Hep.Hep! Hindi ito celebration tuwing Independence Day ng Amerika, pero parang nagiging tradisyon na ata dahil sa madalas na itong mangyari sa amin!

Sa kasamaang palad, ito ang sound effects sa away ng aking mga magulang.

Away na hindi mapigil ng aking pag-iyak at pagtili.

Ang saya naman ng aking 7th birthday at kakaibang “tears” ang sumalubong sa akin.

Hindi ata uso ang tears of joy sa bahay namin.

Hay Buhay! Puro black ata ang kulay, ayan tuloy minsan naiisip ko na naisilang lang ako dahil sa disgrasya at hindi sa pagmamahal.

Chapter One: Dream Break

     “Heck is that dream! Paulit-ulit lang?”

Naku, parang nasabi ko na ata to sa sarili ko almost every time I wake up sa aking “awful, yet can-still-be-considered-comfortable” not so large bed of mine.

Well, hindi naman natin kayang kontrolin ang panaginip right? Technically it wasn’t just a panaginip.

It’s kinda real and it happened like gazillion years ago.

Yes, it’s one of my childhood traumatic experiences na I really wished to forget.

Ito yung time na iniwan ni Tatay ang napakaganda kong nanay. Naman! Maganda ang lahi namin te!

Maganda ang araw! Siguro hindi dapat natin i-allow ang isang atribidang panaginip na sirain ito.

Tawag nga pala nila sa akin ay Jian, (I really am not into telling full names kasi I think it is annoyingly serious and formal!).

Though ang kapalaran ay hindi naging masyadong friendly sa akin, I grew up to be enthusiastic, outgoing, cheerful, pretty, rich and ambitious. CHOS!

Sadly, ang “rich” part is just a metaphor to cooperate with the vibes of my descriptions. Truth is, we are fabulously poor.

              “Jian! Bilisan mo na ang kilos diyan at male-late ka na!”

Ito ang pambungad na sigaw ng aking butihing ina tuwing umaga.

                “Anong agahan natin ngayon nay?”

                 “Nagtatanong ka ba? Eh! kinalakihan mo na nga ata ang pagkain ng tinapay tuwing umaga.”

                “Well, nagbabakasakali lang naman ang iyong magandang anak na may himalang dumating at maging hotdog ang agahan natin! Ganoon lang naman talaga ako ka positive sa life!”

                “Anak, mawawala na lang ang nunal ni Gloria, hindi pa rin ata natin kayang mag hotdog sa umaga!”

               “At dinamay mo pa talaga ang nunal ni Gloria? Sige nay, mauna na ako kasi late na ata ako.”

Sabay bunot sa kapirasong tinapay, ako ay nagsimulang maglakad patungo sa isang private college ng napakasikat na syudad ng Pagadian.

Malamang sa kasikatan nito ay kaya niyo itong i-locate sa mapa within 1 hour.

FATE PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon