CHAPTER 2: Confusions and Illusions

203 8 10
                                    

CHAPTER 2: Confusions and Illusions

Hindi mawari ng aking isip kung ako ay masaya o malungkot.

Atleast, nagmumukhang normal pa naman yung pag-uugali ko.

Kung ikukumpara sa mga inaasta ni Ginger ngayon dahil sa mga pangyayari kanina, abay talagang nasa katinuan pa ako.

Para lang naman siyang nakakita ng isang malagim na krimen at hindi nakaya ng kanyang konsensya ang series of events.

Maingay talaga kaming dalawa, ngunit ngayon ang tahitahimik namin.

Gusto kong basagin ang katahimikan kasi I feel so awkward about it.

But I don’t find it right na mag-ingay sa ganitong sitwasyon.

I admit.

Never in my life na nagkagusto ako ng sobra sobra sa isang nilalang.

Kung magka-crush man ako, I don’t make it a big of a deal.

Parang, okay gwapo siya so crush ko siya.

Tapos the next day wala na akong pakialam sa kanya.

Parang mulat na mulat na ang mga mata ko sa realidad na I will never be the right girl for that man.

And we will never be together kasi parang langit at lupa ang agwat namin.

Parang pag-nagkacrush ka sa artista.

Titilian mo, kikiligin ka pero never mong binigyan ng isang kusing na chance na may posibilidad na maging kayo. Ganun!

Pero bakit ngayon?

I wanna be Janine.

I want to be the girl na yayakapin at biglang hahalikan ang noo sa public.

I wish to be the fiancé of whoever that boy is.

Alam kong imposible kasi hindi naman ako yung tipo ng girl na may cream na dress at brown doll shoes.

Ako yung tipo ng girl na nagsusuot ng give away shirt ng pulitiko.

Ako yung nagsusuot palagi ng mga t-shirt ng Math Camp, Science Camp at kung anu-anong event.

In short, ako si Ms. T-shirt, hindi nga man lang naglevel-up sa blouse.

To think na hindi niya ako kilala at nasasaktan ako dahil may kasama siyang iba.

Pwede ba yun?

I know it’s irrational but I can’t do anything about it.

Ano ba to? Ibang level ata to.

I’m hating the thought na ganito na ang nafe-feel ko but im happy about the thought na I’ve met him.

Nakakabaliw! Baliw na ata ako. Arggghh…

                “Hoy! San ka pupunta?”

Bumalik ang aking kamalayan sa mundo ng sinigawan ako ng malakas ni Ginger.

Hindi ko napansin na ako ay lumampas na sa pintuan ng aking klase.

1st week of school pa lang pero over over ata ang surprises.

Kulang na lang maging kaklase ko yung lalaking yun.

OH EM! What if magkaklase nga kami? 1st year din kaya yun? What if magkablock kami?

Wala na ata sa mundo ang aking pag-iisip.

                “Hoy! Gising ka ba? Lakas din ng tama  mo ano?"

pang-iinis ni Ginger.

FATE PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon