CHAPTER 3: Discoveries

93 3 1
                                    

CHAPTER 3

Nasaan ako? Anong amoy to? Betadine?

Yan ang mga tanong ng aking isipan ng nagsimula akong magkamalay .

Amoy hospital ang paligid.

Nasa hospital nga ba ako? Ayoko pa atang idilat ang mga mata ko dahil sa takot.

TAKOT…

Takot na baka pagmulat ko ay nasa tabi ko na ang nanay at nagkasalubong na ang kilay dahil sa malaking danyos na babayaran sa hospital.

PERO WAIT…

Why am I in the hospital? Ibang level naman ata kung Hospital agad ang drama!  Well, I’m not sure pa naman if hospital nga ba…

But what happened?? Last thing I remember was, nanginginig si Ginger na parang inaatake ng epilepsy.

And there was an accident!

YEAH RIGHT!! Natapunan ko ng mga kalat si Mr.K-POP, at saka… at saka.. OH EM!!

He stole my first kiss. >_<

(ambisyosa  lang no? Siya pa talaga ang nag”STOLE”)

CHOS! Aksidente lang yun… and for him it was nothing special.

(PATAY agad ang POSITIVE VIBES haha)

PERO KAHIT NA! ACHIEVE NA ACHIEVE na ang goal ko sa life… este di naman masyado. But why am I reacting like this?

Siguro sa kadahilanang first kiss ko yun kaya it’s a big deal.

OH EM!! I can’t go to school with his presence on the loose! I mean hindi ko ata kayang magpakita sa lalaking yun.

Kung hindi man lang talaga ako nagpakatanga kanina sana wala ng problema. Gosh.. siguradong papagalitan ako nung canteen manager..

Anyway, san na kaya si Ginger? Buhay pa kaya siya?? Exaggerated naman masyado if hindi na.. so malamang buhay pa yun.

I better open my eyes na to clear these stupid questions…

Nasilaw ang mga mata ko sa fluorescent light ng isang kwarto.

Isang color blue na kwarto.

Nataranta ang lola niyo!! Di ko alam ang gagawin. San ba ako dinala nina Ginger? Si Ginger nga ba ang nagdala sa akin rito? Eh parang mas malala pa ata ang kaso nun kesa sakin.

What if hindi si Ginger ? Char… Ambisyosa ulit.

Kinakabahan ako bumangon upang  pagmasdan ang kapaligiran na aking kinaroroonan.

Pamilyar ang lugar!! Alam ko na kung nasaan ako… Ako ay nasa…

CLINIC.

Chos! Akala ko naman kung san na ako napadpad tapos dito lang pala. Pagbangon ko ay nakita ko agad ang upuan na ginagamit sa pagbubunot ng ipin. Ewan ko anong pangalan ng upuan na yan.

Tumayo ako sa bed at tumungo sa pintuan. Wala atang tao.

“Crrrrkkkk… “

Biglang bumukas ang pintuan.

“Sa wakas nagkamalay ka na“

Akala ko kung sino na! Si Ginger lang pala. Sinagot ko lang siya ng isang matamlay na ngiti.

“Oi? Ba’t parang namatayan ka jan?” Tanong niya.

“Di naman, naaalala ko lang ang mga pangyayari kanina”

Sagot ko kang Ginger.  I am still in the state of shock kasi. Hindi ko alam kung ano tong nafe-feel ko. Para bang nate-tense na parang galit na parang masaya na hindi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FATE PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon