Chapter 1
“One glass of cold water, please!” order ni Jamaica sa bartender.
“Ano ho?”
“Ay bingi!”
Inirapan niya ito sabay kinusot-kusot ang mata nang makita niyang dumoble ang bartender sa paningin niya.Pinagmasdan siya nito at inilapit ang mukha para marinig ang order niya.
“ Pasensiya na po, Mam. Ang ingay kasi at ang lakas ng music kaya hindi ko kayo marinig.
“Natural disco bar ito, Totoy!”sagot niya.
Ano nga po iyon ulit?”
Nagpalinga-linga siya sa paligid bago u-morder. “Ahm… ang sabi ko isang Bloody Mary!”sigaw niya dito sabay hila sa kuwelyo nito. Nanginig sa takot ang bartender at dali-daling naghanap ng Bloody Mary. Panandaliang lumingon siya, eksaktong pagdating naman ng bartender dala ang isang bote ng Bloody Mary. Akmang isasalin na ng bartender ang wine sa kanyang baso nang sigawan niya ito. “ Tubig ba to?! Ang sabi ko kanina…one glass of water,please!
“ Ganun po ba?” Napakamot ng ulo ito. “ Para kanino ba-----.” Namaywang siya.
“Para sa kanya!” sigaw niya sabay turo sa bagong dating na lalaki sa bar counter. Nagmadaling umalis ang bartender ng sigawan niya ito. Isang upuan lamang ang pagitan nila ng gwapong binata. Lumingon siya dito at ang ngumiti ng ubod ng tamis. “ Ang slow niya no?” bulong niya dito na maririnig ng binata. Nagdilim ang anyo nito at umalis na ng ibigay ang order nitong pineapple juice. “ Suplado!” sigaw niya dito ng humakbang na ito palayo. “Syete!”bulalas niya nang makitang umiikot na ang kanyang paligid. “ Hindi ako lasing.” Nakangising sabi niya sa sarili. Hindi na niya hinintay pang dumating ang tubig niya dahil nasusuka na siya.Kanina pa parang hinahalukay ang tiyan niya. Lumingon siya sa kanan at laking tuwa niya nang makitang naroon ang comfort room.Kaya kahit hindi diretso ang lakad niya,nagmadali siyang makapunta sa rest room kahit na ang daming tao niyang nababangga na nagsisipag-sayawan kasabay ng dance music.
Kumunot ang noo ni Lucifer nang marinig niya ang pag-duwal at tila pag-suka ng isang tao sa di kalayuang cubicle. Nasa loob siya ng banyo. Hindi niya gusto ang mga taong naglalasing at hindi kayang dalhin ang sarili. Dumiretso siya sa may faucet at naghugas ng kamay.
“ Buti nga sayo.” pabulong na sabi niya rito. Napaatras siya sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng pinakaunang cubicle sa kaliwa. Ganoon na lang ang kaba niya ng may lumitaw na ulo ng babae sa may paanan ng pinto. Namilog ang mga mata niya nang makita na ang buong anyo nito bagama’t nakayuko ito at natatabunan ng mahabang buhok nito ang mukha. Nakasuot ito ng puting damit na lalong nagbigay sa kanya ng takot at kaba. Nang magsimula na itong gumapang papunta sa kanya na tulad sa napanuod niyang horror movie na “The Ring”. Dinuro niya ito.
“W- Who are you?” Hindi niya namalayan na nakasiksik na siya sa pader ng banyo sa sobrang takot. Napadasal siya ng wala sa oras. Nakapikit siya habang nagdadasal.
“S-sumalangit na wa ang iyong k-kaluluwa.” bulong niya dito.
Butil na butil na pawis ang damang-dama niya na rumaragasa sa kanyang buong mukha. Namayani ang katahimikan. Pinakiramdaman niya kung naglaho na ang babaeng multo. Hindi siya naniniwala sa mga multo dahil naniniwala siya na, “To see is to believe.” At ngayon gusto niyang huwag nang dumilat pa at baka atakihin na siya sa puso.
“San Pedro, ikaw ba yan?”
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Lucifer. He was greeted by a very beautiful lady. Maganda itong magdala ng white off-shoulder na damit dahil matangkad ito pero mas matangkad parin siya. Hindi niya maiitanggi na maganda rin ang katawan nito. Pero hindi sapat iyon para hangaan niya ito. Masyado siyang pamilyar sa mga katulad nito na mukang anghel, inosente, maamo ngunit may itinatagong kamalditahan. Ang mga katulad nito ang nage-expect na pagsisilbihan ng lahat ng lalaki sa mundo. Alam niya dahil kitang-kita niya itong inasar at sinigawan ang bartender kanina. Dahan-dahang umupo ito sa sahig at niyakap ang mga tuhod.