Gorgeous 6 Series (Chapter 3)

34 2 0
                                    

Nakakabingi ang ingay na likha ng malalaking loudspeakers sa iba’t ibang bahagi ng Disco bar na iyon.Ngunit tila natutuwa pa ang mga taong naroron na hindi pa yata nakontento sa ingay dahil nagsisisigaw pa ang mga ito habang sumasabay sa kanta ng Dance Music na tumutugtog nang gabing iyon. Nang lumabas ng dressing room si Jamaica ay agad siyang ngatungo sa bar counter para kumuha ng mga alak na ipo-promote niya sa mga costumers doon.

“Oh! Akala ko day-off mo ngayon, eh bat naka-uniform ka ngayon?”tanong ng kanilang manager. Ngiti lang ang isinagot niya dito. May kung anong kinawayan ito mula sa di-kalayuan. Ilang sandali  pa ay nakita niyang papalapit sa kanila si Jake.

“Scotch pa nga!”

Agad siyang tumalima rito. Nagulat ito ng makita siya.

“Whoa! Jam? Is that really you?! I never thought that you’re one of my employees here.”

Tango lang ang isinagot niya dito at isang pilit na ngiti habang pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Nailang siya.

Ikaw ba naman, nakasuot lang ng red tube dress na kalahati lang ng hita ang haba at matamang tinitingnan ng Boss mo… Ewan ko lang sayo kung hindi ka mailang.

Nakahinga siya ng maluwag nang tumigil na ito sa pagtitig sa kaniya with amusement.

He sighed. “Jam, may relasyon ba kayo ni Lucifer?”

Ouch! Bulls-eye straight to my heart! Napakasakit na nga ng nangyari sakin, pinaalala mo pa! Haler?! Bigo po ako! Kaka-reject lang sakin kanina! Utang na loob! Sa loob-loob niya.

Nagningning ang mga mata nito ng hindi siya sumagot at sumilay ang napakagandang ngiti sa mga labi nang iabot nito sa kaniya ang kamay nito. Nabuhayan ang loko! Pasalamat ka, Boss kita!

“Come on, let’s dance.”Anyaya nito sa kaniya. Ngumiti siya nang bahagyang nakita niya si Lucifer na kapapasok lang ng Bar.

Humanda ka sakin,Lucifer! Matitikman mo ang tindi ng pagmamahal ko---erase! Este galit ko!Bwahahaha!

“Sure, if the price is right.”

“Uh-oh,”sambit ni Jake. “Mukhang bad mood si Lucifer ngayon,ah.”

“Don’t mind him. May sariling mundo yan. Makikipag-sayaw ka pa ba sakin o hindi?”

“I won’t let this opportunity to pass through. I’ll triple your salary, only if you will give me your best shot.Deal?” Nagkibit-balikat siya. “Chicken,Deal!” He chuckled.Nilingon nito ang DJ at sinenyasan na magbago ng Song na tinutug-tog. Tumango ito sa malayo at kinindatan pa siya.

The moment she took his hand, she knew that her sanity and dignity were in a big trouble.Because she could see how people yelled and raise their wine glasses as the instrumental song of “Banyo Queen” started.

“How ya doin party people!?Oh, yeah! This is dj uno once again and i’m gonna do a song that you’ve never heard before and you know… what i know?...you know the song baby. The way, way back before and if you know the song you better sing along. Alright!”

Nasa loob si Lucifer ng isang class na Disco Club at sinusundan ng tingin ang matangkad na babaeng nakasuot ng pulang tube dress na humahakab sa katawan.The woman walked with confidence and an unconscious sexy swagger that made all men in the room take notice.Ang mahaba at tuwid na buhok nito ay sumusunod sa bawat galaw nito.

Only reminds me of ---Erase, erase! saway niya sa sarili at saka uminom siya sa baso ng scotch niya. Sa buong twenty-five years na nabubuhay siya sa mundo, hindi niya akalaing may ganoong klase ng babae na lantaran kung ipakita ang totoong nararamdam. Wala ata itong tinatagong kahihiyan sa katawan. Inubos niya ang natitirang scotch bago inilapag ang rock glass sa mesa na exclusively only for him.Kapagkuwan ay tinitigan niya sa malayo ang babae na kaholding hands ni Jake. Sigurado siyang pumapalakpak na ngayon ang mga tenga ni Jake sa sobrang kayabangan.He smirked. Tila lalo itong naging misteryosa sa malamlam na liwanag at makislap na mga ilaw. Nang itutok sa kanila ang spot light ay umasim ang mukha niya ng makita ang mukha ng babaeng gumigiling-giling sa harapan ni Jake.

Gorgeous 6 SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon