G6 series (Chapter 2)

41 2 0
                                    

Chapter 2

Pasado alas-otso na ng gabi ng makarating si Jamaica sa Supermart. Day-off niya ngayon. Laking pasalamat niya at unti lang ang mga tao na nasa loob. Kapag marami kasi ang tao na bumibili ay mahaba ang pila sa counter at late na ng gabi siya makaka-uwi sa bahay.Pagkapasok na pagkapasok niya ay nagtungo agad siya sa Food Section. Bigla siyang kinabahan ng makakita siya ng isang nakatalikod na lalaki na nakasuot ng jacket at naka-sumbrero. Hindi siya pwedeng magkamali dahil pamilyar sa kanya ang jacket na yon.

 Bakit?! Si Lucifer lang ba ang may ganyang jacket sa buong mundo?! Haler! Feelingera!

Huminga muna siya ng malalim bago pumunta sa kinatatayuan nito. She decided to not remember him if it is Lucifer or not. She will just think that nothing happened between them. Magmumukha siyang kahiya-hiya sa harapan ni Lucifer kapag nagkita sila.

 “Nakakahiya talaga ang mga ginawa ko sa kanya.” Nakokonsensiya na tuloy siya.

At higit sa lahat kapag pinakita niya na naaalala niya ito, ibig sabihin mahuhuli siya nitong naglasing-lasingan lang noon. “Patay!” She dialled her bestfriend’s cellphone number to ask for help but unfortunately she is out of coverage area. She sighed. Gusto niya nang umalis pero the thought of seeing Lucifer again…made her heart skips a beat.  “Bahala na si Batman!”

Nag-martsa sa kinaroroonan nito. Pakiramdam niya bawat hakbang niya palapit rito ay may mabigat na nakatali sa kaniyang mga paa. Diretso lang ang kanyang tingin. Hindi niya kayang harapin at titigan ito ng malapitan. Hindi pa nga siya nakakalayo sa kanyang kinatatayuan nang may tumawag sa kanya.

“Hey!” Jake said, surprised. Para siyang may stiff neck ng lingunin niya ito.

Nasa unahan lang niya si Lucifer. She felt the sudden tension in her body. She got to her feet, and he caught her hand as she started to walk away. Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nito sa kaniyang kamay.

“No, don’t go yet,”he protested, his hand tightening around her. She opened her mouth to speak but no words come out. “Don’t scare her; I think she doesn’t recognize us.”wika ni Kyle na lumapit kay Jake at hinila palayo ang kamay nito sa kanya. She nodded to Kyle.

She sighed in relief. Kinabahan na naman siya ng biglang lumapit sa kanya si Rodge at Scar na sa pagkaka-alam niya ay playboy.

“Bakit ba para kayong ipis na biglang nagsisipaglabasan na lang? Wala na ba talaga kaming privacy ni Lucifer?”

Speaking of Lucifer, hindi pa rin niya ito magawang tingnan. “Hi! I’m so very handsome.” Rodge said, grinning sabay abot ng kamay niya. Ngumiti siya.  Isang pilit na ngiti. Nabigla siya ng hinalikan nito ang kanyang kamay.

“My turn.” Scar said as his arm tightening automatically around her waist. She gasped.

“Nice meeting you, Miss Beautiful.” He whispered in her ear then kissed her cheek. She suddenly felt frozen in that moment. She tried to smile. He grinned back.

“H-hindi ko alam k-kung bakit napapalibutan ako ngayon ng mga magagandang nilalang. Nanalo ba ko sa lotto?” wika niya sa wakas. She heard them laugh.

“Miss ---?” Charles asked.

“Jamaica.”She answered.

“Well…Jamaica, we recognized you because you are with Lucifer last month in his condo unit.You’re drunk by that time and he took care of you.” Charles explained to her.

Tumango-tango siya sa mga sinabi nito. “Who is Lucifer?” Hindi na niya hinintay pang ituro ito sa kanya kasi her mind and her heart recognize this cold-hearted man. Lumapit siya dito kahit pa madilim ang anyo nito. Ngingiti na sana siya dito kung hindi lang siya nito tinalikuran. Sumimangot siya sa pambabalewale nito sa kanya. Lumingon siya sa paligid at nakitang wala na ang mga ka-banda nito. Sinundan niya si Lucifer na nalilito kung ano ang pipiliin sa dalawang mansanas. Nilapitan niya ito at kinuha ang pulang mansanas sa kaliwang kamay nito.

Gorgeous 6 SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon