TAHIMIK NA NAGLAKAD si Jamaica sa kinauupuan ni Lucifer sa may buhanginan. May damit pang-itaas na ito. Checkerd-blue polo shirt. May hawak itong sketch pad at ballpen na sa wari niya ay nagsusulat ito ng kanta.Pasalamat siya at may head set ito kung hindi ay maririnig siya nitong paparating.She watched his every move.Tahimik siyang dumapa sa buhanginan at nakangiting nakapangalumbaba. “Will you stop looking at me like that?” singhal nito sa kaniya ng lumingon. Ikinulong niya sa mga palad ang mukha. Nabigla siya sa singhal nito.
“Ano ba! Kanina pa ko nandito! Nagtataka nga ako kung bakit andito ka rin, siguro sinusundan mo ko no?”painosenteng wika niya just to save face. Tumaas ang sulok ng bibig nito sa pag-ismid. “Oh, Hell!” mura nito kasabay nang pagpikit at pagtingala.Inihilamos ang kamay sa mukha. Inihagis nito palayo ang headset saka tumayo.Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya.Lalong nagdikit ang mga kilay ng lalaki.Bumangon siya at pinagpag ang mga buhangin na dumikit sa kaniyang bikini.Humugot ng malalim na buntung-hininga si Lucifer saka nagmartsa palayo. Sinundan niya ito at nang huminto ito sa paglalakad saka lumingon sa kaniya ay nag-iwas siya ng tingin. Nagpatuloy na ito sa paglalakad ngunit naging mabilis ang bawat hakbang nito halatang iniiwasan at nilalayuan siya. Nakadama siya ng takot ng pumasok ito sa kagubatan.Nagtatalo ang kanyang isip kung tutuloy pa ba siya o hindi. Makalipas ang ilang segundo ay nanaig pa rin ang sigaw ng kaniyang puso.Hindi niya magawang ngumiti habang naglalakad siya sa gubat. Nanliliit siya sa nagtataasang puno at nakikiramdam sa mga mapanganib na hayop.Mula sa himpapawid ay nakakaliw pagmasdan ang mga ibon na nagsisiliparan. It was hot and humid on the jungle floor. Nabubulok na mga dahon at iba’t ibang vegetation ang natatapakan niya sa paglalakad. Nagkubli siya sa likuran ng malaking puno nang lumingon si Lucifer. Bumuntong-hininga siya. Kailan kaya ko titigil sa pagsunod sayo?
Natigil ang pagmumuni-muni niya nang maramdaman niyang may kumagat sa paa niya.Nanlaki ang mga mata niya ng makitang isang maliit na ahas na kulay berde ang natapakan niya.
Napahiyaw siya sa sakit na nanunuot sa paa niya.Itinaas niya ang paa na kinagat at mabilis na gumapang ang ahas palayo sa kaniya. “Sino yan?”tanong ni Lucifer.Bigla niyang naitikom ang kaniyang bibig.Narinig siya ni Lucifer. Lagot siya sa oras na malaman nitong naroon siya at sinusundan niya ito.Kailangan na niyang makaalis dahil pasidhi ng pasidhi ang sakit na nararamdaman niya. Ito na siguro ang parusa ko sa kakasunod sa kaniya.Lihim siyang napahikbi. Natuliro siya ng marinig ang yabag ng mga paa na palapit sa kaniya.Gustuhin man niyang lumayo ay hindi niya magawa dahil namamanhid na ang kaniyang mga paa. Unti-unti nang gumagapang ang pamamanhid paitaas ng katawan niya. Nanlaki ang mga mata ni Jamaica nang salubungin ang mga mata ni Lucifer. Their gazes locked. Natigilan si Lucifer at pagkuwa’y tumaas ang sulok ng bibig sa tila ngiti. “What do you want na hanggang dito ay sinundan mo ako?Pinaparusahan mo talaga ko no?”tanong nito sa pinakamalamig na tinig. “To be kissed.”ani Jam sa kanya na mismo sa sarili ay nagulat sa binitawang salita.An insulting smile broke his lips. “P-pero no-noon yon hi-hindi na nga-ngayon.” Anak ng patis! Bat ba ako nauutal ngayon! Syet!
Lumapit ito sa kaniya at itinukod ang mga kamay sa malaking puno.Napalunok siya.
Parang awa mo na! Lumayo ka na sakin ngayon kung hindi mapipikot ka ng wala sa oras!
“Now if you really don’t want me to kiss you, fight me with all your might.Make me believe that you really don’t want this.”His finger traced the curved of her face. Hindi siya sumagot at sa halip ay ipinikit ang mga mata.She was not able to move when he kissed her lips. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay bigla siyang dumilat.
“As expected from you.”malupit nitong sabi. Tiningnan niya ito ng matalim.
“Gu-gu-gusto ko talagang magpumiglas pe-pero hindi ko magawa da-dahil namamanhid ang buong ka-katawan ko.”
Tumawa ito ng marahan. “Enough of your lies.” Wika nito saka naglakad palayo.
“Hoy! Nagsasabi ako ng totoo!”sigaw niya rito. “Liar!”usal nito
Tumili siya.Mabilis itong lumapit sa kaniya. “Iyong ahas kinagat ako sa paa!”mangiyak-ngiyak niyang sumbong dito na parang bata na inagawan ng laruan.
Alam niyang late reaction na siya pero kailangan niyang gawin iyon para bumalik si Lucifer. Wala siyang balak na maging estatwa na lang sa puno at hintaying bumula ang bibig.Umupo ito sa harapan niya at ipinatong ang binti niya sa hita nito. Kumunot ang noo ni Lucifer nang mapuna ang kagat ng ahas sa paa niya. “Sonofabitch! I will definitely kill Kyle for this.”mura nito at walang sabi-sabing binuhat siya.Lihim siyang napangiti. Nagaalala kaya sya sakin?
Makalipas ang isang minuto ay nawala na ang pamamanhid ng buong katawan niya. Laking pasasalamat niya sa Dios nang hindi bumula ang kanyang bibig. Gustuhin man niyang yakapin ito ng mahigpit at haplusin ang mga pisngi nito ay pinigilan niya ang sarili dahil sigurado siya na mabilis pa sa alas kwatro ay ibababa na siya nito kapag nalaman nitong okay na siya. Inihilig na lang niya ang ulo sa dibdib nito. Akalain mo yon, may maganda pa lang resulta ang pagkagat ng ahas sakin. Nabuhat ka na nga, nahalikan ka pa! Makahanap nga ng ahas nang maipakagat ko sa kanya, para tuwing katabi ko siya ay hindi niya ko lalayasan! AHA-HA-HA! Sa oras na mamanhid ang buo niyang katawan…I will take advantage! Bakit? Siya nga nakahalik sakin eh!
Hmmm…Ano pa kaya ang mga pwede kong gawin sa kaniya? Ayieh! Kapag siniswerte ka nga naman! Kaso imposibleng makahuli ako ng ahas kaya makagat ka na lang sana ng ahas, Lucifer! Bwa-ha-ha-ha-ha-ha! Haist! Tama na nga ang pag-iilusyon, imposibleng mangyari yon noh! Tsk tsk tsk Kay ganda sa----.
“Ouch!” sigaw ni Lucifer. Nagulat si Jamaica. Nagkatotoo ang dasal ko! Tumingala siya.
“Kinagat ka ng ahas!” tatawa-tawang wika niya rito. Nagdilim ang anyo nito at kumunot ang noo. “Langgam.” He said bitterly. “Awww.Akala ko kasi ahas.”She said softly.Ngumuso siya.
Kainis! Langgam lang pala! Makagat ka sana ng ahas! Pinagsiklop niya ang mga palad.
Makagat ka sana ng ahas! Huminto ito sa paglalakad. Tumingala na naman siya.
“Ahas?!” Umangat ang gilid ng kanyang mga labi.Umiling ito. “Bumaba ka na. I think kaya mo nang mag-lakad mag-isa.” Sinapo niya ang noo at umarteng hihimatayin. “Hindi ko pa kaya!.Hindi ko nga maigalaw ang mga binti ko.Anong gusto mo magheadstand ako tapos kamay ang gagamitin ko pang-lakad?”
“Hmmm. Nice idea!”
“Ayoko nga!”
“Malapit na tayo makalabas sa gubat. Stay here for a while. I will ask somebody to help you.”Hinigpitan niya ang yakap dito ng ibababa na siya nito sa damuhan. “Ayoko.”
Nagdilim ang anyo nito at dumoble ang kunot ng noo. “Will you stop acting so childish?!Kapag hindi ako nakapag-pigil… itatapon na kita sa pinakamalapit na bangin dito. ” Ibinaba na siya nito ng lumuwag ang pagkakayakap niya rito. Wala na siyang nagawa kundi pagmasdan itong mag-lakad palayo. She sighed. Kainis! Bakit pa kasi ako nagkagusto sayo!? Hindi sana ako nahihirapan ngayon.Natigil ang pagmumuni niya ng marinig ang boses ni Lucifer.. in pain. Tumakbo agad siya sa kinaroroonan nito. Nadatnan niya itong nakaupo sa damuhan, hawak-hawak ang binti. Dinaluhan agad niya ito. “Okay ka lang ba? Don’t tell me habang naglalakad ka ay nagka-sprain ka sa paa? O di naman kaya inatake ka ng arthritis kaya ka nagkaganyan? Ano? Magsalita ka!” Tiningala siya nito. Galit ang nakikita niya sa mga mata nito. “Stupid!”
Kainis talaga to! Ako na nga ang nag-aalala at nagmamalasakit ay ito pa napala ko!Bwisit!
Kung wala sa dalawa ang dahilan ay isa lang naman ang alam kong pwedeng maging dahilan. Ang kanina ko pa pinagdarasal.Biglang may umilaw na bumbilya sa utak niya at agad sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Umaayon talaga ang kapalaran sakin. Sige, mamanhid ka lang jan while I’m taking advantage to you.” She chuckled then burst into laughter when he tried to move. “Hindi mo maigagalaw ang katawan mo kaya just stay put.” Lumapit siya dito at hinaplos ang mga makikinis nitong pisngi.
“You know what; I want to wring your neck!”galit na sigaw sa kaniya ni Lucifer. Nginitian niya ito at inilapit ang mukha sa tenga nito. “Go on, I’m listening.”she whispered. Hinintay niyang magsalita pa ito ngunit nanatiling nakatikom ang bibig nito. Napakatalim ng titig ng mga mata nito sa kaniya na halos ikamamatay niya. He gritted his teeth. Ano pa bang bago sa reaction ni Lucifer? Eh, ganiyan naman ito lagi sa kaniya kaya she get used to it already.
“I know what you are thinking. You want to be kissed.”