Chapter-5 Friend

21 2 0
                                    

Keith POV
"Kurt! Diba sa Dae-Han ka nagaaral?" I asked
"Oo why? Lumipat ka nalang sa school ko para naman may barkada ako dun."
"Yeah. Pinaplano ko na nga e."
"Ahaha. Really? Sabagay hindi pa naman late. 2 week palang naman ng klase namin e."
Nandito kami ngayon sa bahay namin. Kakatapos ko lang makipagusap kay dad tungkol sa merge business namin with Flores Company. Kaya kasama ko tong si Kurt kasi siya ang inutusan ng Dad niya para dito.
"Alam mo bro? Wala naman akong hilig sa kompanya namin e." Out of the blue niyang sabi. Siraulo din tong isang to e. Puro babae kasi ang iniisip. Kung ikukumpara mo kaming dalawa, mas siraulo tong si Kurt.
"Alam mo bro, siraulo ka din eh noh? Ikaw din naman magmamana ng company niyo someday at tayo ang magpapatakbo nito kapag naipasa na saatin ang mana."
"Alam ko naman yun bro,"
"Ganun naman pala e. Wag ka ng maarte dyan"
Pagtapos nun ay sinamahan ako ni Kurt sa pageenroll sa Dae-Han University.
Habang naglalakad kami,
"Bro, bakit ka pa lilipat ng school? Eh mas exclusive nga yung Sienna College kesa dito." Sabi ni Kurt sakin.
"Akala ko ba gusto mo ng barkada? Haha! Bakit bawal bro?" Pangaasar ko sakanya.
"Nako! Bahala ka nga bro. Naghihintay na ang mga chicks ko sa room."ayan na naman siya sa hobby niya. Haynako.
"Teka bro! Ano nga section mo? Para mairequest ko sa registrar office!"
"9-Section 3" Sigaw niya.
Hmm. Sounds familliar huh?
"Salamat!" Sigaw ko pabalik.
Habang naghihintay ako dito sa registrar office ay and daming napapatingin sa akin. Oo na pogi na ako. Hahaha.
"Mr. Lee?" Sabi nung school registrar.
At binigyan niya na ako ng mga kailangan ko at lahat lahat.
"Pwde na po ba ako magstart ngayon?" Natawa ang babae.
"Hindi ka naman excited pumasok iho, pwede naman, but you can start your class tomorrow or next week. Pero kung gusto mo na talaga why not?"
"Haha.sige po."

Tiningnan ko ang enrollment slip ko at parehas kami ni Kurt. Buti nalang.

Habang papasok na ako ng room. Wala pa ang teacher, at mukhang nagkakagulo sa loob.
Natanaw ko agad si Kurt.

"Bwiset na babaeng yun. May araw karin saking babae ka." Sabi niya na parang inis na inis.
"Hey? Kurt? What happen?"
Nagulat siya sa prisensya ko
"Nandito kana pala."

I roam around at nakita ko na ang hinahanap ko.. :)
Dumating si Maam bago ako nakaupo sa tabi niya. Nakaearphones pa nga siya e.

"Okay class! You have a new classmate." Narinig ko naman ang ingay sa loob ng room ko.
"Okay Mr. Lee, introduce yourself to us" she smiled.
Tumayo ako at nagpakilala.
"I'm Keith Lee, 16, I hope we can be friends here" I smiled after saying my line.
"Okay Mr. Lee, have a seat beside Ms. Lim, tutal wala naman siyang katabi. Okay lang ba Ms. Lim?" Nagnod lang siya at wala man lang expression ang mukha, hindi niya ba ako naaalala? Weird?

"Hi?" Tiningnan niya lang ako. At wala man lang sinagot.
"Hindi mo ba ako iwewelcome as a new seatmate mo?" Nanghihinayang na sagot ko.
"Sino ba nagsabi sayong welcome ka dito?" WTF diba nagnod siya kanina?
"Oo. Nagnod lang ako, pero ano pa bang magagawa ko? Nandito kana e." Sabi niya sabay tayo at..
"Maam, May I go out? Ang init kasi sa room e. Cr lang ako"
"But.."
"No buts maam, paano kapag nagkaUTI ako? Ikaw ang sisisihin ko ha?" Woah! She's cool. At nagtawanan ang klase sa sinabi niya.
At sakto namang nag-bell kaya wala naring nagawa si maam,

Shairell's POV
Bakit ang daming asungot ngayon? Una yung Kurt Flores daw na namumukhaan ko, di ko lang maalala. At pangalawa yung Mr. Lee na yun. Feeling closes aba. Patanong-tanong pa.

Habang nasa cubicle ako..
"Ay bhe! Ang cute ng transferee kanina sa 9-3 noh?" Malandi 1
"Oo nga bhe, gusto ko nga magpaanak ng 3 e" malandi 2.
Putakte, Ang dumi ng mga bibig nito ah?
"Papables na naman yun. Mukhang may kakalaban na kay Kurt my loves ah?"
"Oo nga bhe, pero balita ko mayaman daw yung transferee at mayari ng isang sikat na bar dito sa Manila" saan naman nila nalaman yun? Eh kaninang umaga lang nagpatransfer yung FC na yun e. Nako. Mga malalandi talaga, ang bilis makasagap ng balita, lalo na kung lalaki at gwapo. NO!!! Hindi siya gwapo! arggh.
At wala na akong narinig na naguusap tsaka ako lumabas ng cubicle, makabalik na nga ng room. Sakto wala pang teacher. Umupo na ako sa upuan ko at nakita ko si FC natutulog. jusko, kabago-bago e. Natutulog agad. Biglang may lumapit naman saking babae, or I can say medyo boyish siya
"Astig mo kanina ah? Mukhang dalawa nalang tayo dito na ayaw kay Kurt Flores" sabi niya habang nakatingin sa board. Di ko naman siya sinagot. Ano namang isasagot ko?
"Ano palang pangalan mo? Ako nga pala si Jasmine," at nakipagshake-hands siya. Kahit FC din siya, mukha namang mabait.
"I'm Shairell, you can call me Shai if you want." Sabi ko.
"Friends? Wala naman din kasi akong kaibigan dito eh. Di ko sila maatim ang lalandi." Mukhang may makakasundo na ako dito ah? 😂
"Oo nga. Nakakarindi" sabi at medyo natawa.
"Whoa! Mabait ka naman pala e. At mas maganda ka kapag nakatawa ka" sabi niya sincerely. Naflatterd ako kaya ngumiti nalang ako.
"Sige, balik na ako sa upuan ko, Sabay tayo mamaya maglunch" nagnod lang ako.
Sarap din pala sa feeling na mayroon ulit akong kaibigan. Matagal na panahon narin ang nakalipas. Hays.

-------LUNCH--------
"Uy! Shai! Ano order mo?" Sabi ni Jasmine sakin. Kahit papano sumasagot narin ako ng matino kapag siya kausap ko.
"Burger Fries at Sundae nalang akin Jas," at nagabot ako ng 100 peso bill.
"Sige wait mo ako dyan ah?" At umalis na siya. Siya naman kasi nagprisinta na siya na daw ang oorder.

"Alone?" may nagsalita sa gilid ko, at mukhang si Mr. Lee na naman.
"Hindi, ang dami kong kasama, di mo lang nakikita" sabi ko, halata naman na magisa lang ako ngayon e. Tatanungin pa.
"Sorna, Pwede ba makitable?"

Did You Hear Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon