Chapter 9- Awkward

16 1 0
                                    

Kurt's POV
Bwiset si Keith, ano bang problema niya? At kailan pa siya nagkaroon ng pakialam sa babae? Hays! Napakamot ako ng ulo! Nasira yung image ko sa school. Aba! Iniingatan ko yun noh. At hindi ako makakapayag na sisirain lang ng babaeng yun. At buti nga sa babaeng yun! Matauhan sana siya.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, naglalabas ng stress ngayong araw.
Kinuha ko yung laptop ko
Nagbukas muna ako ng FB ko,

Scroll.
Scroll.
Scroll.
Huh??

Napalaki ako ng mata sa nakita ko.

Keith Lee uploaded 2 new photos
⚫Just now
Finally! 💚💛💜💪

Bukod kasi sa minsan lang magonline tong si Keith. At nagupload pa siya ng picture. At ang mas kinagulat ko.

kasama niya yung babaeng kinaiinisan ko. At stolen yun. Parang palihim niya talagang kinuhaan.
Bakit sila magkasama? Anong meron? Hindi! Baka nagkataon lang.
Lagi ko ding kasing nakikita sa bar tong babaeng to e. At nalapitan ko pa dati. Kinuha ko yung number di naman niya binigay. Siya na nga kinuhaan ng number e. Pabebe pa. Ganda niya kasi e.

Huh? HINDI SIYA MAGANDA! Wala akong sinabi!!!!! Ano ba tong pinagiisip ko.
Naglogout na agad ako ng fb ko. Naiistress lang ako sa nakikita ko. Mabuti ng matulog! At marami pa akong gagawin bukas.

----------
Keith's POV
Nakaupo kami ni Shairell sa pinakadulong stool ng bar ko. At nainterview ko pa siya.
At nalaman kong wala na daw siyang magulang? nasaan kaya sila?
Hays. Di ko nalang siya tinanong. Mukhang ayaw niya itopic e.
Napatingin siya sa gig. At medyo sinasabayan niya yung kanta. Naalala ko yung kanina sa bahay nila. Ang ganda ng boses niya. Nakakahumaling.
Napatingin ako sa mukha niya. Palihim ko siyang kinuhan.

Click.
Click.

Dalawang beses at ginawa kong wallpaper ko sa cellphone ko. Buti nalang di agad niya na pansin.

Nakatutok nalang siya sa gig.
Napatingin ako sa wrist watch ko.
9:55 narin pala.
Makapagfb nga muna. Ang tagal ko na ring hindi nabubuksan fb ko. Hindi naman ako sobrang adik sa fb e. Inupload ko agad yung pic niya at naglagay ng caption na
"Finally" at may mga emoticon.
Haha. Wala lang. Trip lang.
At nakitang kong online si Kurt. Naalala ko yung ginawa niya kay Shairell kanina. Bastos talaga. Ichachat ko sana e. Kaso biglang naglogout.

Di na talaga nagbago. Naglagout narin ako. "Uy ano yan? Busy ah?" Napatingin si Shairell sa cellphone ko. At para bang pinipilit niyang tingan.
"Ah. Wala to. May katext lang" palusot ko. Haha. Buti nalang naglogout ko agad fb ko. Patay! Baka makita niya pa.
"Dami atang girlfriend ah?" Haha napatingin ako sa kanya.
"Haha. Wala ano. Single lang ako."
"Edi wow. Ikaw single? Di ba barkada mo yung gagong Kurt na yun? Baka cassanova karin?" Haha. Natawa ako sa kanya. Para kasing inis na inis siya kay Kurt.
"May babaeng akong gusto kaso mukhang wala akong pagasa e." Sabi ko sabay yuko.
"Bakit naman? Daanin mo sa pera. Mayaman ka naman e. Hahah" biro niya
"Iba kasi siya e. At gusto ko pa siyang makilala ng lubusan." Napatitig ako ako sa kanya na parang nagpapahiwatig na siya yun.
"Ah- Ano ba namang titig yan! Wag ka ngang ganyan" nailang ata siya.
Natawa ako ng konti. Kasi medyo namula siya. Ahaha.

"What do you mean?
Said you're running out of time?
What do you mean?
Better make up your mind
What do you mean?"

Naging awkward lalo nung biglang nagplay yan sa music.
Napaiwas agad kami ng tingin.

Author: Haha. Medyo lame ang update ngayon. Sorry kung natagalan ang UP. nainspire ulit ako e. 😂
Vote⚫Comment⚫ Follow
Thank you! 😂

Did You Hear Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon