chapter 11: run with me!

164 11 15
                                    




Ella's POV


A-1 Royalty House, 7:30 a.m.


Pagpasok agad sa kwarto ay masamsamyo mo na ang amoy ng prinitong bacon at itlog, at ang tunog ng tilamsik ng mainit na mantika. Pati na rin ang mga kalansing ng mga gamit panluto na nagmumula sa mini-kitchen. Tyak si Sebastian na naman ang nagmamanipula ng mga yon.


Tinawagan ako ni labanos kagabi na dito na ulit sa A-1 House magbreakfast kaya maaga akong nagising at dumiresto na agad dito, basta kasi pagkain di ko sila kayang tiisin.


Ako pa ba?


Di nakauwi si labanos sa bahay kagabi dahil busy daw. Nag-overtime sya with the other SSC officers for the preparation on the Acquaintance party para bukas. Di naman ako nagworry dahil nakabalik na rin sa wakas si Manang Deny, kaya may kasama na ako sa bahay. Yon ngalang inaalala ko kung saan sya natulog.


Baka dito sa school?


Kung matutulog sya sa isa sa pinakamalapit na motel or hotel, dadaanan din naman nya ang bahay namin at mapapalayo pa sya.


San ba talaga? Te-teka bakit ba ako nag-aalala kung saan sya natulog? Eh kaya naman nya kahit sya lang mag-isa! Halimaw yon eh!


Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na President si Labanos ng Student Council- napaka-impossible talaga! Napailing nalang ako habang napatigil sa gitna ng sala ng kwarto.


Kung matatandaan ko, ngayon ko lang ulit napagmasdan ang itsura ng buong A-1 house! Sa totoo nito parang bahay nga sya sa laki at mas malaki sya sa bahay namin. Makikitaan din na may modern interior design dahil sa mga furniture na nakalagay sa buong kwarto at halos white color-dominated.


Ewan ko kung bakit white. Baka favorite color ng may-ari ng school? Matanong nga yan kay Cullen mamya.


Isang magarang sala ang bubungad sa iyo kapag una kang pumasok dito. Bukod sa isang white leather at semicircle na sofa na may navy blue crystal at rectangular center table nito, na nakaharap sayo ay meron ding 39 inch flatscreen television na nakakabit sa mismong pader sa harapan nito.


Sa likod ng sofa ay may nakatayo namang ang isang glass wall, mula kisami hanggang sa sahig. Nagsisilbi itong divider ng sala at ng dining room kaya kita mo na agad kung sino ang kumakain sa kabila, gayun pa man meron pa rin itong makapal na na transparent plastic glass na pintuan na automatic na bumubukas. Parang mall lang.


Nag-ikot pa ako sa dining area. Pagpasok mo sa kainan naman ay tatambad sayo ang isang white wooden rectangular table na pinalilibutan ng mga matataas na walong white themed iron stools , pero para ibalance naman ang sinaryo ng lugar meron itong tatlong unknown paintings na mayroong medium size frame na nakadikit sa pader sa kanan ng mesa. Staircase arrangement ang pagkalapat nito wall. Meron ding dalawang kwarto malapit sa pintuan ng dining room.


Sa kaliwa naman ng mesa ay isa na namang transparent na pader ulit ang nakalatag. Since nasa 2nd floor-left wing ang A-1 house ay kitang-kita dito ang fresh view ng malaking garden ng GSU na ngayon ay hitik sa bulaklak ng magnolia at chrysanthemum na nakapalibot sa buong garden.

MY LABANOS PRINCE! [On Going]Where stories live. Discover now