chapter 2: royal meet up kiss

529 35 48
                                    


Somewhere in Metro Manila, Philippines


"May tumatawag!"

"May tumatawag!"

"May tumatawag!"


Nagising ako sa ingay ng parrot ringtone ng cellphone ko, na kanina ko pa talaga tinitiis na hindi sagutin. Iniimagine ko na lang na wala akong naririnig, pero wa-epek pa rin. 


Nawala na nang tuluyan antok ko.


"Sino na naman ba tong isturbong bakulaw na to ang tumatawag!" Sinasabi ko habang tinatakpan ng mga kamay ang magkabilang tenga at nakabaon ang mukha sa mahabang unan.


May tumatawag!

May tumatawag!


Bumalikwas ako sa kama ng napakabilis upang masagot ito at maunahan ang pangatlong ring na dahilan ng pagtilapon ng mga unan at kumot ko.


 Sa pagkakataon ding yon ay hindi ko namalayan na wala na pala ako maapakang parte ng kama dahil sa pagmamadali ko.


 Kaya deri-deristo akong nahulog sa sahig at of course una ang  mismong mukha ko at gumawa ito ng malakas na kalabog sa buong kwarto


Inaamin ko naman na napaka-clumsy ko. Naiinis na nga ako dahil lagi nalang ito nangyayari! Sana nga lang walang nakarinig. Nakakahiya kasi.


"Arrrayyyyhh!"


Tumayo ako ng dahan dahan, habang hinihimas ang balakang at pwet ko sa sobrang sakit, dahil sa pagkahulog ko kanina.


At talagang inuna pa ang puwet at balakang ha? Ang pagkakatanda ko mukha ko ata ang unang humalik sa sahig?


"May tumatawag!" Ayan nakapangatlo na sya. 'Di ko tuloy naabutan.


 Tumigil na ito sa kakatunog.


Pinunasan ko na rin ang ilong ko dahil mukha atang sinisipon na rin ako, ngunit nang matanto ko na pulang likido pala ang nasa sa kamay ko ay di ko na napigilang magtitili sa nakita ko.


"DUGOOOO! Ahhhh! DUUGGGOO!"


Dali-dali akong pumasok sa CR di kalayuan sa kama at binuksan ang gripo sa may lababo at hinugasang mabuti ang dumudugo kong ilong.


 Nang mahimasmasan, natigil na rin ang pagdurug ng ilong ko, dahil pinuno ko ng cotton ang mga butas nito.


 Nag-walling nalang ako pauunti-unti paibaba at napaupo sa sahig at huminga ng malalim


"May tumatawag!"

"May tumatawag!"


Ayan naman po sya.

MY LABANOS PRINCE! [On Going]Where stories live. Discover now