Silhouette

14 0 0
                                    

Mahiwagang mensahe ni Author (MMA) ^_________^V

Weeeeeh may nabasa ako sa notif ko .. may nagbabasa pala ng storyang 'to?.. (well except for my friends haha)
awww naneun gamdong hago  (I am touched) *snif*
Well its not my first time to write and publish a story pero matagal tagal na rin since yung last story na ginawa ko (which is hindi tapos) kaya medyo lame yung pagkakasulat ko neto. But still! inadd pa talaga sa reading list nya.. *cry* nag feeling ako dun!
At dahil dyan na blanko isipan ko.. d ko na alam kung pano ipapatuloy tong ka echusan na 'to.. T.T

Nga pala. Mapapansin nyo na hindi ganon kahaba ang mga nakasulat sa bawat chapter dahil tamad ako. Haha jk. actually  hindi ko na alam kung anong isusulat ko para pahabain ang bawat chapters. Hindi ko alam kung ako lang ang nakaka experience nito pero simula at ending lang ang naiisip ko tuwing nagsusulat ako. Yeah planado na ang ending ng storyang ito. Pero hindi ko na alam kung pano mapupunuan ito. Huhu but I'll try my best para pagandahin ito. Kailangan lang ng malawak na imahinsayon.. at sana hindi ako tamarin mag update haha makakatulong rin ang pag vote at comment nyo para sa magiging takbo ng storyang ito. Haha

But yeah thank you po verry big sa mga nagbabasa at magbabasa pa lamang. Comment/vote kayo please kung nagustuhan nyo.. Isang malaking achievement na yun para sakin.. mag-ingay ang mga silent reader! Wooooh!!!
^_^v neomu kamsahamnida!  *bow 90 degrees*

----------

¤Third Person's POV¤

Malakas ang palakpakan ng mga tao nang umakyat sa entablado ang kakanta sa gabing iyon.
Mukang darling of the crowd sya dahil sa reaksyon ng mga ito.
Kahit sa simpleng ponytail at sa suot nyang white blouse at hanggang tuhod na skirt na obviously ay uniform ng mga waitress ay namumutawi pa rin ang kanyang angking ganda. Mas lalong nagningning pa iyon nang sya ay ngumiti sa mga tagapanood.

Nang matapos ang palakpakan ay sya namang pagsimula ng banda.
Lahat ay nakatuon sa entablado. Tila lahat sila ay na mamahika sa taglay na ganda ng boses ng babaing kumakanta.

Dinarama niya ang bawat letra na tila ba nagbibigay buhay sa kantang iyon at sya namang humahaplos sa puso ng mga tagapakinig.  Lahat ay napapatigil sa kanilang ginagawa at sa entablado na tumingin. Tila ba ito na ang pinaka magandang musika na kanilang narinig sa tanang buhay nila.

Di alintana ng lahat ang lalaking nasa pinakasulok ng pasilyo at kanina pa nagmamasid sa dalagang kumakanta. Gabi- gabi ay naroon siya at inaabangan ang pagkanta ng dalaga. Umaasang kahit sa malayo lamang ay masilayan niya ito. Yun lang ay makakapag bigay saya na sa kanya.

Di tulad ng iba, ang lungkot lamang sa mukha ng dalaga ang nakikita niya. Puno ng buhay ang kanta subalit para sa kanya ay tila ba may mabigat na nadarama ang dalaga.

At ang mga ngiting iyon..
Ngiting hindi naman umabot sa napaka panglaw niyang mga mata.

Hindi na katulad ng dati. Ang puso nitong dati ay kayang magbahagi ng 'di masukat sukat na pagmamahal ngayon ay napuno na ng hinanakit. She sounds so broken and alone inside. Alam nya at nararamdaman niya na sya ang dahilan ng mga bagay na iyon. Ngunit wala syang magawa upang maibsan ang mga iyon.

Natapos na ang kanta at ang lahat ay nagsipalak pakang muli. Gusto niyang puntahan ito at ikulong ito sa kanyang mga bisig katulad ng dati. Ngunit naisip niyang hindi na ito tulad ng dati. Hindi na ganon kadali ang lahat kaya't napagpasyahan na lamang niyang umalis sa lugar na iyon. Mas lalo lang itong masasaktan kung magpapakita pa siya rito...

-----------

Nagmamadaling pumasok ang magkakaibigan sa  "aegyo" (name ng restobar)

Mag aalas dyes na ng gabi at patapos na rin ang shift ng kaibigan nila. Baka hindi na nila ito abutan na mag perform.

Sa sobrang pagmamadali ay hindi na nila napansin ang mga taong nasa paligid.
May nabangga pa silang lalaki ngunit hindi na sila nakapag paumanhin dahil mukang nagmamadali rin itong lumabas.

Akala nya makakaalis na sya doon ng walang makakapansin ni isa sa kanya ngunit naramdaman nya nang may sumunod sa kanya.

Nang lingunin nya ito ay nagulat sya nang mapagsino ito. Bakas din sa muka ng kaharap ang pagka gulat. Sa dinami rami ba naman ng makakakita sa kanya ay ito pa.

Agad naman itong nakabawi sa pagka gulat at biglang napa suklay ang kamay sa kanyang buhok.

"You're back"

Nakapamulsa pang sabi nito sabay smirk. Mukang hindi naman nagpatinag sa kaharap ang lalaki at nakipag sukatan na rin ng tingin.

"Yes I am"

Nag iba naman ang ekspresyon ng kaharap. Parang naging blangko lamang ang muka nito at humakbang palapit sa kanya.

"Binabantayan mo ba siya?"

Hindi na niya kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy nito.

"Mukang hinahanap ka na nila sa loob. You better go back there"

Muka namang hindi natuwa ang kausap niya sa pag-iiba nya ng topic kaya muli itong napahakbang ng mas malapit sa kanya. Napaatras naman sya ng kaunti dahil don.

" I think now is not the right time to talk about it Terrence."

Muka namang naintindihan iyon ni Terrence dahil sa pag-iba nanaman ng muka nito. Hindi na iyon gaanong kababakasan ng galit.

"You better tell everything to me Ken. And when I say everything I mean everything"

Binigyang diin pa niya ang salitang everything na parang nagbabanta. Pinakatitigan niya ng mabuti ang kaharap bago umalis. Mukang hindi iyon ang huli nilang pagkikita.

-----------

Mataman niyang pinagmamasdan ang papalabas na grupo. Mukang pauwi na ang mga ito.

Maingat siyang nagtago sa isa sa mga poste nang mapansing papalapit na sa kanyang pwesto ang grupo. Sa dilim ng lugar na iyon ay walang makakapansin sa kanya. Safest place to hide and take a glimps of her he thinks.

"Oh dude ingatan mo yang si cass ha! Make sure na sa bahay niya kayo didiretso."

Nagbibiro pang wika ni Vernon habang pasakay ng kotse. Isa isa na ring sumasakay ang iba pang mga kasamahan nila.

"Yeah sure. Takot ko lang kay zarie"

"You better be!"

Pagtataray pa nito habang naka dungaw sa bintana. Napatawa naman ang iba dahil doon.

"Oo na! Sige na ingat din kayo sa pag-uwi.. Ingat sa pagmamaneho pre."

Pagkatapos kumaway at magpaalam ay umalis na ang sasakyan nito. Magkasama namang naglakad ang dalawa papunta sa sasakyan ng lalaki.

Napatigil siya sa pagmamasid nang mapansing tumigil ang babae at tila ba naka tingin sa kinaroroonan niya. Hindi niya alam ang gagawin nang mapansing tila ba papalapit sa kanya ang dalaga. Tumalikod siya rito at naglakad ng mabilis palayo sa lugar na iyon.

"Dee okay ka lang? C'mon"

Tawag ng kasama nito. Muka namang nakuha na nito ang atensyon ng dalaga na agad ding pumasok sa kotse.

Habang pinagmamasdan niya ang pag-alis ng mga ito ay hindi niya maiwasang makaramdam ng konting kirot sa dibdib. Kung maaari nga lang sana ay siya na ang maghahatid dito pauwi. Kung maari lamang ay siya sana ang kasama ng dalaga katulad ng dati. Ngunit hindi niya iyon magawa. Hindi ganon kadali ang lahat. Hindi na katulad ng dati.

------------

MMA: I know bitin hahaha (:

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon