Zenon

18 0 0
                                    

Cassedy's POV

Lakad takbo na ang ginagawa ko habang papunta sa unang klase ko ngayong umaga. Sa sobrang pagod ko kagabi dahil sa pag pa-part time sa isang fast food chain ay hindi ko na narinig ang pag tunog ng alarm clock ko at napa sobra ng tulog. Hindi na nga ako nakapag agahan at nakapag ayos ng mabuti ng dahil doon. 5 minutes na lang bago mag simula ang klase ko na nasa 3rd floor ng paaralan at nasa 1st floor pa lamang ako ngayon. Jusko po sana umabot pa ko o hindi kaya ay ma late si Ma'am. Mejo terror pa naman yun at ayaw ng may na le-late sa klase nya kahit isang minuto lang. Siguro palagi ring late yung mga nakaka date nun kaya ganun yun ka bitter sa mga late.

Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na namalayan na may makakasalubong na pala ako. And yeah it end up na nagka banggaan kami. Napa upo ako sa sahig sa lakas ng impact at nagkalat sa daan ang mga dala kong libro. Grabe poste ba yung naka bangga ko? Tibay ah!

"Ouch!"

"Oh my gosh miss I'm sorry. Are you okay? Here let me give you a hand."

Kaloka! Ang stupid ng tanong nya ah! Late na ako sa klase ko at masakit pa pwetan ko tapos itatanong nya pa yun?
Tiningala ko ito pero hindi ko masyadong makita ang muka nung lalaki dahil nagsabog na rin sa muka ko yung buhok ko. Inayos ko muna ang buhok ko at pinaka titigan uli ito.

Ay syet ang gwapo! Napa tulala nalang ako sa muka nya habang tinutulungan akong maka tayo. Parang gusto kong mapa kanta ng
"ikaw na ba si Mr. Right, ikaw na ba love of my life. Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko"

Pero teka kilala ko to ah! Ito yung pinsan ni Zarie! Napa kunot noo naman ako nang mapansing parang nagulat din sya nang makita ako sabay napatitig na rin sa akin. May dumi ba sa muka ko? Isina walang bahala ko na lamang iyon at nagpalinga linga muna ako sa paligid bago ibinaling muli sa kanya ang paningin ko. Mahirap na baka nasa paligid lang ang mga fan girls nito at dumugin pa kami.

Here I am standing infront of Zenon Cinco. Ang star player at captain ng Tennis team ng RAVA University. Bukod pa don ay VP rin ito ng SC at Editor in Chief ng School publication. Nasa ikatlong taon na ito ngayon sa kursong Business Administration. Gwapo, matangkad, matalino, at higit sa lahat mayaman. Lahat na yata ng katangiang magugustuhan ng babae ay nasa kanya na kaya hindi maipagkakailang marami ang nagkakandarapa sa kanya. At kung bakit ko alam yun ay dahil sa kaibigan kong si Zarie na pinsan nya. Madalas itong mag kwento sa amin tungkol dito dahil sa mga fan girls nitong panay ang pasipsip kay Zarie at nagbabaka sakaling maging close din nito.

Napa balik ako sa realidad ng kumaway kaway sya sa muka ko.

"Uhm are you okay?  Gusto mo dalhin na kita sa clinic?"

Ahy shocks enebe. Ngayon ko lang namalayan na naka titig pa rin pala ako sa kanya. Nakakahiya!
Bigla ko namang naalala na may pasok pa pala ako at malamang sa malamang ay mapapagalitan na ako ng prof kong masungit. Bakit ba kasi naisipan ko pang iintroduce sa inyo tong gwapong lalaking 'to eh! Landi landi rin Cass!

Umiling na lang ako at kinuha ang mga libro kong hawak hawak pa pala nya sabay takbo. Narinig ko pang tinawag niya ako..

"Wait! Hey!"

Huhu pasensya ka na senpai gustuhin ko mang lingunin ka at makipag chikahan sa yo kaso d pwede dahil late na ko!

At tama nga ang hinala ko. Pagdating ko sa room ay sermon ang inabot ko. 10 minutes late lang naman ako pero inabot pa ng 20 minuto ang litanya ni ma'am. Dahil sa akin ay naalintana ang klase.

Huhu pramis hindi na ako ma le-late at titingin na ako sa dinaraanan ko. Nakakahiya na masyado sa mga ka klase ko kaya naka yuko akong pumunta sa likurang upuan at ipinag patuloy naman na ni ma'am ang klase.

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon