Outing

11 0 2
                                    

¤Present time¤

"Aish! Iwanan na nga lang natin sya! Malaki na yun. Alam na nya mag commute!"

Naiinis na saad ni Joshua with matching sabunot pa sa sariling buhok. He's pertaining to Terrence.  Sino ba naman kasing hindi maiinis 7am ang usapan ng pag alis namin papuntang batangas, 9am na at wala pa rin sya.

Nandito kami ngayon-Vernon, Joshua, Zarie,  at ako-  sa labas ng apartment ko. Dito namin napag kasunduang mag meet up. Zarie was the one who decided it just to make sure daw na sasama ako. As if naman magbabago pa isip ko noh. Gusto ko nga sanang isama si hotdog kaso naalala ko may motion sickness yun baka magsuka sa sasakyan kaya iniiwan ko na lang sa kapitbahay naming si aling bebang. Naiiyak iyak pa nga nang iwan ko. Pero Dog lover naman si aleng bebang kaya alam kong aalagaan niya si hotdog ng mabuti.

Kung si hotdog mangiyak-iyak nung iwan ko yung mga kasama ko naman eh hindi na maipinta ang mga muka.
Kitang kita na ang pagkainis at pagkainip sa kanila. Si Zarie for sure minu murder na sa utak nya si Terrence dahil sa tagal neto ayaw pa naman nyang pinaghihintay sya. Sina Anson, Zenon at Ainnie pumasok na lang sa loob at inayos yung mga pagkain na dadalhin but I bet inis na rin yung mga yun. Ako? I just sigh kanina ko pa kino contact si Terrence pero hindi naman sumasagot.

"Tangeks ka ba! Edi half din sa atin mag ko-commute. 'Lam nang walang kotse yung iba eh. Utak pre!"

                    
Si Vernon habang naka upo at pinaglalaruan yung mga bato sa daan.

The guy has a point. 2 kotse lang ang gagamitin namin sa outing ngayon - Zenon's and Terrence's. Coding yung kay Anson, sina Vernon and joshua naman walang car. Hindi ata pinagkakatiwalaan ng mga magulang kaya hindi mabigyan. Si Zarie hindi na nag dala since may car naman daw si Zenon. And Ainnie, well she's too fab to drive ng mahabang oras at hindi rin naman kami makakapayag dun she's a girl after all.

Nag volunteer naman sina Joshua na sila nalang ang mag da-drive pero hindi rin magawang ipagkatiwala ni Ainnie ang kotse nya sa dalawang ito dahil sa nangyari noon na muntik na silang makulong nang minsang ipahiram ito sa dalawa at nakipag drag race pa habang sakay sya.

Imagine her horror habang nakasakay  sa sasakyang pinapatakbo ni Joshua ng 180kph sa isang endless road. Tatawa tawa lang si Vernon  habang si Ainnie ay panay na ang pagmumura at kung nakakamatay lang yun eh malamang duguan nang nakabulagta sa daan yung dalawa. Mabuti na lang ay nauuna sila at yung kalabang kotse lang nila ang nahuli kaya sila nakalusot. Sa sobrang galit ni Ainnie noon ay isang buwan din nyang hindi pinansin ang dalawa. Just imagine kung malaman ng mga magulang nyang parehong abogado na nasangkot sa illegal race yung anak nila? Malaking eskandalo ito at for sure maaring kunin kay Ainnie ang kotse nya at ma cut off ang allowance.

Buti na lang after a thousand sorry at sa panlilibre nila ng trip to korea ay napatawad din sila ni ainnie. Buti na lang. Akala ko friendship over na yun eh.

Dahil don napag kasunduan na dalawang kotse nalang ang gagamitin at least joy ride na rin.

Hay naku mukang hindi pa man nagsisimula eh nasira na ang mood namin for outing. Naku talaga Terrence we deserve an explanation!  We deserve an acceptable reason! Kung hindi baka makalbo ka lang ni Zar at makita mo ng di oras si mama mary. Tsk

After 20 minutes sa wakas nakita na namin yung sasakyan ni Terrence na paparating na. Inayos ko na yung mga gamit ko nang buksan ni Vernon yung sasakyan ni Terrence but stop before he could enter  the car then close it again at bumaling ulit sa amin.

"Uhm girls dun na lang kayo sumakay sa kotse ni Zenon. Kaming mga boys na dito sa kay Terrence"

Napahinto ako sa paglagay ng bag ko sa compartment ng sasakyan ni Terrence. Sakto namang kalalabas lang din nila Zenon dala dala yung mga basket na may lamang foods.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon