Scent of Coffe

24 1 0
                                    

"Okay class here is your assignment for the next meeting. After copying it you may proceed to your next class. You are now dismissed. Goodbye"

Pagkatapos magsalita ay agad na umalis na ang aming guro.

Kabanas naman 'tong si ma'am.

Kung kelan patapos na yung semester tsaka pa mag papa assignment ng sandamakmak.. wag masyadong masipag ma'am!.. kaloka!

wala naman kaming magawa kaya kinopya nalang namin lahat ng nakasulat sa board. Aish buhay studyante nga naman.. -____-

Patapos na ako sa pagsusulat ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.
Agad ko naman itong kinuha mula sa aking bulsa at nakita kong may message mula sa kaibigan kong si Zarie. Agad ko naman itong binasa.

"Dee san ka?.. may pasok kpb? Andito kami ni Ainnie sa café escober. Yung café malapit sa school. Wanna join?"

Mukang tamang tama lang at nagugutom na rin ako. Ginutom ako sa mala misang klase ni ma'am kanina.. Nagreply naman ako kaagad.

"Sure! I'm coming.. :)"

Pero syempre bago ako umalis ay Tinapos ko muna ang pagsusulat ng assignment namin. Hindi pa nga ako tapos kanina dba? Alangan namang hindi ko tapusin, edi may na miss out naman ako. Mahirap na baka mawala pa 'ko sa dean's list.. mahal mahal din ng tuition dito..

Pagkatapos kong magsulat ay iniligpit ko na ang mga gamit ko at nagmamadaling pumunta sa café. Halos patakbo na nga ang lakad ko para makarating kaagad doon. Hindi naman halatang gutom na gutom na ako diba? Haha

Pagkapasok ko pa lang sa café ay agad ko namang nakita ang dalawa kong nag gagandahang mga kaibigan.

(Maganda nalang kasi mga kaibigan ko.. haha kidding magaganda naman talaga sila)

Hindi rin naman ganon kalakihan ang café para mag ala NBI ako sa paghahanap sa kanila.

Nang mapansin nila ang pagpasok ko ay agad naman silang kumaway sa akin. Pagkaupo ko sa table nila ay naamoy ko ang halimuyak ng kape na inorder nila kaya napapikit ako.

"Oh girl anyare sa'yo?"

Nagtatakang tanong ni Ainnie sa akin. Iniharang ko naman ang hintuturo ko sa kanya para hindi na sya magsalita.

"Shhhhh.. can't you see I'm savoring the moment?.. That calming smell of coffe that awakens your body and soul"

Sabi ko na nakapikit pa with matching pa sway sway pa ng mga kamay.

Naramdaman ko namang umirap lang sila sa akin. Oo naramdaman ko. Alangan namang makita eh naka pikit nga diba? May third eye ako maniwala kayo.. hahaha just kidding..

"Tss wala na 'to!.. gutom lang yan girl! Umorder ka na. At tsaka tigilan mo na yang pagsinghot sa amoy ng kape at baka maubos. Tirhan mo naman kame.. haha"

Pam basag trip naman na sabi ni Zarie sabay tawag sa waitress. Agad naman itong lumapit sa table namin at hiningi ang order ko. Well not literally na hiningi, yung isinulat lang sa maliit na papel na ibibigay nya sa counter tapos ibibigay sa cook. Basta yun na yun. Haha

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang order ko at agad naman akong lumafang.. Grabe na talaga ang gutom ko.. ang Pg ko nang tingnan. Huhu hindi kasi nakapag breakfast eh. Pasensya naman di uso breakfast sa'kin T^T

Habang kumakain kami ay napag usapan namin yung tungkol sa pina planong outing ng barkada.

"Oy sasama ba kayo sa outing next week end?"

Tanong ni Ainnie sa amin.
Huminto naman ako sa pag inom ng Snowy Vanilla frappe ko at nagtanong.

"Eh saan daw ba? At magkano naman pag aambagan naten?"

"Sa resort daw ng uncle ni vernon. 500 lang naman daw dahil sagot na ng uncle nya yung cottages. Bale foods and transpo nalang po-problemahin"

"Yan ba yung sa batangas?"

Tanong ni Zarie na nanlalaki pa ang mga mata.
Eh?.. nu bang espesyal dun? Masyado namang exzoited.. tss

"Yup. Yung bagong bukas."
-Ainnie

Agad namang napatili si Zarie at napa palakpak pa dahilan para mabaling ang atensyon ng ibang costumers sa amin. Napailing na lamang kami sabay yuko. Kahiya talaga minsan 'tong babaeng 'to.

"Waaah! Balita ko maganda daw dun! This calls for a shopping galore for swim suites! Gagala tayo mamaya!"

Tsss hindi naman sya excited nyan ah? Kung maka react wagas.

Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Maya maya ay naramdaman kong may dalawang pares ng matang nakatitig sa'kin.. aish yun pa naman ang pnakaayaw ko.. yung tinititigan ako habang kumakain.. nawawala gana ko eh..

Tumigil ako sa pagkain at tinitigan din sila habang nakaangat ang isang kilay ko with matching what-yah-looking-at-face..

"Oh kung mka titig kayo jan wagas ah.. bakit ba?"

"You're coming right?"
-Zarie

"Dee?" -Ainnie

"Saan? Sa outing o sa shopping galore nyo?"

"BOTH!"

Sabay nilang sabi..
Napailing naman ako.. aish

"Sa outing pagiisipan ko pa yun.. dyan naman sa shopping chu chu nyo my answer is No"

Napailing naman silang dalawa..

"Bakit ba ayaw mong mag shopping with us?"
-ainnie

"Oo nga.. matagal na nating d nagagawa yun noh.."

Naka pout pang tanong ni zarie..

"Eh swimsuit yung bibilhin nyo noh. Alam nyo namang d ako nagsswimsuit. Tsaka limited lang pera ko. Pag gumastos pa ko baka wala na 'kong makain sa isang bwan.. hindi naman ako rich kid katulad nyo"

Napasimangot naman silang dalawa. Alam naman nilang hindi sila mananalo sa arguments pagdating sa'kin..

Kung tutuusin pwede nila akong pahiramin ng pera pero ako palagi ang umaayaw.. hindi naman sila ATM para huthutan ko ng pera.. at hanggat maari hindi ako uutang dahil wala kang patutunguhan kung lahat ng perang maiipon mo eh ipambabayad mo lang sa mga pinagkakautangan mo.. yan ang prinsipyo ko sa buhay.. kaya tularan dapat si cassedy! Joke! Haha

"Eh yung sa outing? Bakit kailangan mo pang pagisipan?"

Napatigil naman ako sa tanong na yun ni Ainnie.. bakit nga ba?

"Uhm wala lang.. ano kasi.. diba may part time ako.. baka hindi ako payagan ni boss."

"Yun lang ba talaga? Alam mong pwede kitang ipagpaalam kay kuya zenon anytime. Mabait naman yun"

Tanong naman ni zarie na parang hindi kumbinsido sa sagot ko.
aish oo nga pala pinsan nya yung boss ko. Bakit ba di ko agad naisip yun? Utak gumana ka!

"ah oo nga noh.. sige sasama na 'ko haha"

Napairap naman silang dalawa at ipinagpatuloy na ang pagkain.. buti nalang hindi na sila nagtanong pa.. whew wala na sasama na talaga ako T^T

sana kumasya pa sa budget ko ang extrang gastusin na namang ito..  huhu be strong my wallet.. iyak mode na dis.. T.T

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon