Proluge

2.4K 52 7
                                    

Masaya at kuntento na si Bellatrix sa kanyang buhay. Kahit wala na ang kanyang Papa, meron parin siyang Mama na nag-aaruga sa kanya. Until then one day nag-iba ang kinikilos ng kanyang Mama, tila laging nakatulala at naging malungkutin. She doesn't know what's the reason why her mother acts weird.

Tinanong niya ang kanyang Mama kung bakit malungkot ito ang sinabi lang sakanya ay naaalala niya lang daw ang kanyang asawa. Naniwala siya sa sinabi ng kanyang mama. Pero iba pala ang dahilan. Habang natutulog si Bellatrix kinagabihan, may narinig siyang kaluskos sa kwarto niya, ipinahsawalang bahala niya iyon dahil akala niya ay ang kanyang pusa lang ito.

Pag gising niya kinaumagahan may nakita siyang sobre sa tabi niya na may markang malaking K na logo at kulay pink. Nagtaka naman siya kaya dali dali siyang bumaba ng hagdan at sinabi ito sa kanyang mama. Tila nakakita ng multo ang kanyang ina ng makita ang sobre na hawak ni Bellatrix. Pero agad ding bumalik sa dati ang expression ng kanyang ina. Niyakap niya ang kanyang anak at sinabing "Haaay, dalaga ka na talaga, anak" Hindi niya alam, yung na ang huling yakap ng kanyang mama sa kanya, huling sandali na makakatapak siya sa bahay nila at mapupunta kung saan talaga siya nararapat, mapupunta siya sa lugar kung saan magugulo ang kanyang buhay. Mapupunta siya sa Katiara Academy.

Katiara Academy : School for CharmersWhere stories live. Discover now