Chapter 3: Magical Powers and Special Abilities

819 49 3
                                    

An: Ang chapter na to ay dedicated kay NikitaGoldenViolet siya ang unang nag vote sa story kooo! Salamaaat! Pati na din kay teanilajoshia at richeleblack123 dahil in-add nila ang story ko sa reading list nila. Thankyou guys! God Bless:***
*****

Pagkatapos ng konting introductions sa Gym ay pinapunta kami sa Conference Hall dahil may mga importanteng sasabihin pa daw. Di pa kasi sinabi kanina. Andun na nga kami di'ba tapos pa papuntahin pa kasi sa Conference Hall ang dami nilang nararamdaman. Tsss.

"Good Morning, Students." Ngayon isang babae naman ang nagsasalita. Mas matanda nga lang sakin ng konti, kasing edad niya siguro si Sir Neo. Binati din namin siya ng good morning.

"Dahil first day ngayon ang oras ng klase ninyo ay 10:00 am hanggang 5pm." Pagpapaliwanag niya.

"Pero the following days ang oras na ng mga classes niyo ay nine am hanggang five pm. Kailangan niyo munang pumunta sa Tanine Hygience Room." Tanine? Parang familiar sakin yun a? San ko nga ba kasi narinig yun?

"Please look at your hands." Utos samin ng babae. Tinignan ko naman yung kamay ko at nagulat ako ng biglang may nag appear doon na papel na may nakasulat na Schedule. Pano napunta to sa kamay ko? Tumingin ako sa mga kasama ko at tila normal lang sakanila yun. Bakit? Anong nangyayari?

"Yan ang mga schedule niyo sa mga classes niyo. Nakalagay din diyan kung saang section kayo nararapat. At kung saan nararapat ang mga magical powers and special abilities niyo." Shit. Ano 'to? Ano tong napasukan ko? Magical powers? Special abilities? Tinignan ko ang nakalagay sa schedule ko at nakita ko na ang section ko ay SC4. What does this means?

"Ang C1 or Charmers 1 ay nangangahulugang hindi pa masyadong nag iimprove or hindi pa malakas ang abilities at magical powers niyo. Pataas yan ng pataas hanggang sa C4. Ang Pinakamtaas ay SC4. Ang section na ito ay responsable sa pagprotekta ng Academy dahil sila ang may pinaka malakas na powers at abilities." Pagpapaliwanag ng babae. Pagkatapos niyang mag explain pinapunta na niya kami sa Tanine Hygience Room. Ano kaya ang pinagsasabi niya. So kasali ako sa magproprotekta ng Academy na ito! Baka ako naman ang dahilan ng pagiging iresponsable pag kabilang talaga ako sa section na iton. ~ Hindi ko parin maiwasang makaramdam ng kakaiba. Normal parin ba itong pinasukan ko? Normal na tao pa ba ang mga nandito. Hindi ko namalayan na nasa Tanine Hygience Room na pala ako dahil sa lalim ng iniisip ko. Pinauna ko munang pinapasok yung iba saka ako sumunod, pagpasok ko sa room parang familiar itong ambiance at atmosphere ng room, parang nakapunta na talaga ako dito. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na may mga babaeng iba iba ang kulay ng buhok at mata... Then it hit me... Alam ko na ang lugar na to. Ang--

"Bellaaaaa!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Pagtingin ko sa kanan ko ay nakita ko ang isang pamilyar na babae.

"Tita Lamia?" Nagtataka kong tawag sa pangalan niya. Pano siya nakapunta dito? Diba? Diba...

"Yes, ako nga. Welcome to Tanine Hygience Room. Kaya ako nandito ay dahil dito ako nagtratrabaho." Nakangiti niyang sagot sakin. Can someone explain what's happening? Naguguluhan na ako. Biglang natawa si tita Lamia.

"I see that reaction coming." Sabi niya habang natatawa.

"Let's start by the way." sabi ni tita Lamia na ikinagulo nanaman ng utak ko.

"Required sa Katiara Academy ang ayusin ang itsura ng bawat estudyante, every year kailangan kayong gupitan ng 4 inches, ayusin ang mga kuko niyo, at kung ano ano pa man sa katawan niyo. Kaya ngayon ang mag transferees aayusan namin at sasabihan. Bibigyan din namin kayo ng peronal hygience." pagpapaliwanag ni tita Lamia. May ganun pala dito?

Katiara Academy : School for CharmersWhere stories live. Discover now