Pagbaba ko sa Sm dumeretsyo agad ako sa loob para hanapin yung Katiara Magical. Parang ngayon ko lang narinig yun, ngayon ko lang din narinig yung pangalan na Katiara. Haaay, mamimiss ko yung St. John. Bakit ba kasi agad agad akong pumayag? Nakakainis naman.
Ilang oras na akong paikot ikot dito pero hindi ko parin makita yung Katiara Magical na yun. Pagod na ako. Nakalagay din sa sulat na meron yung pink na pintuan. Nakakapagod naman e. Pwede naman kasing sa Department store na ako bumili e, diba? Tsss. Daming kaekekan nitong Academy na ito. Habang nagrereklamo ako sa inuupuan ko may nakita akong bata na nadapa, nilapitan ko ito at pinatayo.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sakanya.
"Yes, thankyou." Sagot ng batang babae. Aba englishera pala itong nene na to e.
Nginitian ko lang siya saka na siya biglang umalis. Pagtingin ko sa harap ko may nakita akong kakaiba, pink na pintuan at parang luma na tsaka hindi pinapasok ng mga tao. Teka, sabi sa sulat kulay pink ang pintuan, luminga ako sa paligid. Ito lang ang may kulay pink na pintuan dito. Baka ito na nga yun. Binuksan ko yung pinto at namangha sa nakita ko. Meron pa siyang isang pintuan, pero parang pintuan sa mga malls, malawak ang loob nito, pero pag nasa labas ka aakalain mong masikip at pangit sa loob nito."Miss, certificate." Hinarang ako ng dalawang guard. Pinakita ko naman sa kanila yung certificate ko. Ng nakapasok na ako sa loob agad kong hinanap yung mga kakailanganin ko para makauwi na ako ng maaga dahil mag aayos pa ako ng gamit.
Madami ding tao dito sa Katiara Magical. Siguro mga transferees sila kagaya ko. Haaay. Nakapagtataka, sino naman kaya ang magbibigay sakin nung letter na yun? Haist.
Pagkatapos kong bumili ng mga gamit ay dumeretsyo muna ako sa starbucks para magpalamig. Huling araw ko na itong matikman ang paborito kong frappe. Bat naman kasi kailangan ko pang lumipat ng school.
Pagkarating ko dito sa bahay naabutan ko si mama na nasa kwarto ko.
"Ma, anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya sabay halik sa pisngi niya.
"Andito ka na pala. Wala inaayos ko lang yung mga gagamitin mo para bukas." Sabi niya na may tipid na ngiti sa labi. Oo nga pala, bukas na ako magsisimulang mag aral sa Katiara Academy. Nabasa ko din sa kasamang note na 1 year ako don, saka lang ako pwedeng umuwi kapag Christmas at New Year. Nakakalungkot dahil isang taon kaming hindi magkakasama ni mama, nasanay pa man din ako na lagi siyang nakikita. Ito na pala ang huling pagkikita namin ni mama. Dapat nag bonding pa kami e. Haaay.
Lumabas muna si mama sa kwarto ko at magluluto lang daw. Sus, if i know magdradrama lang yun. Hahaha. Joke. Ayaw kasi ni mama na nakikita ko siyang umiiyak.Pagkatapos kong mag ayos ng gamit ay dumeretsyo ako sa kusina at kumain.
"Ma, ngayon ko lang narinig yung Katiara Academy. Parang hindi siya sikat." Sabi ko kay mama.
"Sikat yun anak, mahal nga ang tuition fee dun e. Buti at may scholarship ka." Sagot ni mama. Wow ha? Scholarship? Really? Tss. Still that Academy is still a mystery for me, I have a feeling that it's not just an ordinary Academy. I feel something about thisAcademy that I can't point out. After ng dinner umakyat na ako sa kwarto ko para matulog dahil maaga pa ako bukas, according kay mama. Pagdating ko sa kwarto ay sumalampak na ako sa kama kong pink at natulog na."Bella, wake up!" Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko kaya naman napamulat ako bigla. Si mama lang pala. Tumingin ako sa orasan at nakita kong 3:00 palang ng madaling araw.
"Ma, ang aga pa. 8:00 ang pasok ko." Reklamo kong sagot kay mama.
"Bellatrix Chesney, ipapaalala ko lang sayo, today is the day that you're going to transfer at Katiara Academy. I told you last night na dapat maaga kang matulog kasi maaga tayong aalis diba?" Napabalikwas ako bigla sa sinabi ni mama. Oo nga pala. Ngayon yun. Nawala sa isip ko. Dali dali akong naligo at nagbihis. Simpleng blouse lang at pantalon ang suot ko tsaka pinaresan ng sneakers. Wag ko daw dapat munang isuot ang uniform dahil secret lang daw ang school na yun. It's kinda weird.Bumaba na ako at naabutan ko si mama sa parking lot sa baba. Kanina pa pala siya dito. Sumakay na ako at nilagay ang mga gamit ko sa likod. Mamimiss ko din itong sasakyan namin. Habang bumabyahe ay hindi ko maiwasang ma bored kaya naman naisipan ko munang matulog.
"Bella, we're here." Nagising ako dahil sa tapik ni mama sa pisngi ko. Pagtingin ko sa labas nasa tapat kami ng isang malaking gate na may nakaukit na Katiara Academy. Dito na pala yun huh? Mukhang malaki ang school na 'to a.
"I need to go, Bella. Hintayin mo nalang dito sa labas ang susundo sa inyo papuntang Academy." Sabi ni mama sakin. Tumango ako at hinalikan ang pisngi ni mama saka siya niyakap sa huling pagkakataon. Haaay. I'm going to miss my mother. Tuluyan na ngang umalis si mama at ako naman ay dumeretsyo na sa tapat ng gate kung saan marami na ring estudyante ang nakatayo. Yung iba nakita ko kahapon sa Katiara Magical, pero yung iba hindi pamilyar. Biglang may dumating na isang lalaki na naka uniform at mag logo ng Katiara Academy.
"Good Morning, sorry sa mahabang paghihintay. I'm Neo Martin by the way. Inutusan ako ng chairperson para sunduin kayo. " sabi niya saka ngumiti. Pinapasok na kami ng guard sa loob at sinundan namin si Sir Neo, papunta daw kami sa Gym. Pagdating namin dun may isang mid-fourties na lalaking nakatayo. Kasing edad siguro ni mama pero mas matanda lang siya ng kaunti.
"Transferees, Welcome to Katiara Academy." Sabi niya sa isang mababang boses. Huh, si I am really here. I'm really at Katiara Academy.
YOU ARE READING
Katiara Academy : School for Charmers
Fantasía"Katiara Academy school for Charmers with special abilities."