"Bella! Kakain na! Bumaba ka na jan! May pupuntahan tayo!"
Haaay! Pabitin naman ng tulog tong si Mama o. Napuyat kaya ako. Tsk.
"Wait lang po, Mama!" Sabi ko.
Bumangon na ako sa kama ko at naghilamos. Ang laki laki ng eyebags ko o. Tapos ang aga pa akong ginisang ni Mudra. Tsk.
Pagkatapos kong maghilamos, bumaba na ako at dumeretsyo sa dining area, sakto at naabutan ko si mama na naghahand ng pagkain.
"Good Morning, ma!" Bati ko sakanya at hinalikan sa pisngi.
"Good Morning, Bella" sabi niya saka ako ngnitian at hinalikan sa pisngi.
"Kain na, pupunta tayo ng salon mamaya ha?" Sabi niya habang nakangiti.
"What are we gonna do?" Tanong ko habang kumukuha ng bacon at hotdog.
"Mag rerelax lang tayo. Stress ako sa trabaho e." Sabi naman ni mama.
"Okay." Tipid kong sagot.Pagkatapos kumain ay dumerecho ako sa kwarto ko at naligo. Habang naliligo ako ay naramdaman kong sumakit ang balat ko sa braso, sabi ni mama special daw itong balat ko na 'to. Para siyang letter k na maliit. Pero ang sakit talaga. Ano ba yan. Binalewala ko nalang ito at nagpatuloy sa pagligo.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta na ako sa baba. Pagdating ko doon ay nakita ko si mama pero may kausap sa telepono. "She's 18 now.... Yes, kelan siya pupunta jan?... Okay. Bye." Binaba niya ang telepono at bumuntong hininga.
"Ma, who's that?" Tanong ko.
"A friend." Sagot ni mama at tipid na ngumiti.
"Tara na? Nag pa schedule ako ngayon." She's referring to our bonding today which is at salon.
"Okay, let's go." Sabi ko."Tanine Magical Salon?" Tanong ko sa sarili ko ng nakarating na kami sa salon. pero narinig pala ni mama.
"Uhuh. Maganda ang services nila dito, Bella. Suki ako dito." Sabi ni mama at excited na pumasok sa salon na may kakaibang pangalan at atmosphere. Sumunod naman ako kay mama sa pagpasok sa salon. Pagpasok na pagpasok ko, namangha ako sa nakita ko, ang ganda ng salon. Kulay pink siya kahit saang sulok mo siya tignan. I really love color pink. Yung mga nagtratrabaho dito puro babae, magaganda at... At.... Iba iba ang kulay ng mata? Ah, contact lense siguro."Bella, come here. Ipapakilala kita sa kaibigan ko." My mother said with a genuine smile on her face. Pumunta naman ako sa sofa na kulay pink din at umupo katabi si mama.
"Lamia, this is my daughter, Bellatrix." Pagpapakilala sakin ni mama sa kaibigan niya.
"Bellatrix, this is Lamia Petal Williams, my bestfriend." Sabi ni mama. Tinignan ko yung Lamia at napanganga sa sobrang ganda niya, mahaba ang pilik mata nito, may biluging mata na kulay pink? Seriously? Mukha siyang bata. Ilang taon na kaya siya.
"45 years old."
Nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Lamia. Nabasa niya kaya yung isip ko?
"And nope I didn't read your mind, nakita ko lang sa expression mo."
Sabi niya saka ngumiti, ang ganda ng ngipin niya. Puting puti. Medyo matangkad din siya, pero mas matangkad si mama ng konti. Maputi din siya at petite.
"Ah, by the way. Andito ako para magpagupit ng buhok at magpakulay na din." Sabi ni mama na bigla ng umeksena.
"Okay, I'll do it with my magic touch." Saka niya kinindatan si mama, natawa naman si mama sa sinabi ni Mrs. Williams. They're weird.
"Oh, and by the way. Ipapa manicure ko yung mga daliri ng anak ko. Walang kulay e. Thankyou." Sabi ni mama sa kaibigan niya. Natawa naman ng kaunti si Mrs. Williams.
"Okay, Jane!" Sigaw niya at bigla namang may sumulpot na babae sa harap ko, maganda din siya, mas maganda nga lang si tita Lamia.
"Siya ang maglalagay ng kulay sa mga paa mo. " tita Lamia said with a genuine smile.
Nginitian lang ako nung Jane at pinaupo saka nagsimulang pakialaman ang mga daliri ko."Salamat, Lamia. Nagmukha tuloy akong bata. Mas maganda na ako sayo." Sabi ni mama kay tita Lamia.
"Loka! Ako parin ang pinakamaganda sa ating apat no!" Sabi naman ni tita Lamia, saka sila sabay tumawa ni mama. Haaay, mas bata pang umasta tong dalawang to sa akin e.
"Salamat din pala at nilagyan mo ng kulay ang mga daliri ni Bella." Sabi ni mama sabay tumingin sakin at ngumiti.
" Wala yun. Basta ikaw at si Bella." Sabi naman ni tita Lamia saka tumingin din sakin at ngumiti, pero iba yung ngiti niya e. Parang sinasabi na, siya nga. Aish! Napaparanoid lang siguro ako. Tinignan ko ang mga kuko ko at natawa, kulay cream ito na may pagka pinkish. Bagay daw ito sakin dahil maputi ako, according to Jane. Mga trip talaga ni mama.
"Sige, mauuna na kami. Hindi namalayan ang oras. Mag gagabi na pala. Paalam Lamia. Next time ulit! Salamat!" Sabi ni mama kay tita Lamia.
"Sige, walang anuman yun. Ingat kayo." Ngumiti siya at kinaway ang kamay. Haaay.
"Mama, may asawa na ba yung si tita Lamia?" Tanong ko kay mama. Sinulyapan naman ako ni mama at sumagot.
"Meron, may anak na din siya kambal, babae at lalaki." Sagot ni mama.
Wow ha! Parang di pa siya nanganganak. Maganda din naman si mama, mas lamang ngalang ng tatlong ligo si tita Lamia.Pagdating namin sa bahay ay kumain muna kami ng dinner saka ako nagpaalam kay mama na matutulog na. Pagdating ko sa kwarto ko ay dumeretsyo ako ng banyo saka nag shower. Ilang minuto ang lumipas naramdaman king sumakit ang balat ko, mas masakit pa kaysa kanina.
"Ouch..." Mahina kong bulong.
Binilisan ko ang pag shower para makatulog na, baka dahil lang sa pagod ito. Paglanas ko ng banyo ay diretsyo akong sumalampak sa kama ko. Wala pang ilang minuto ay agad din akong nakatulog. Masaya ako kasi naging masigla ng kaunti si mama. Nakita ko ulit yung mga ngiti niya.Naalimpungatan ako dahil parang may gumagalaw sa tabi ko. Tumingin ako sa left side at nakita ko ang maputi at mabalahibong pusa.
"Ikaw talaga Akemi, ginising mo nanaman ako e wala namang pasok ngayon." Sabi ko at kiniliti siya. Regalo to sakin ni mama nung 18th birthday ko. Para daw may kasama ako kapag lilipat ako ng school, corny ni mama e. Tumayo na ako sa kama at nag ready para sa breakfast nang may napansin akong sobre na puti. Kinuha ko 'to at nakita ko ang malaking letter K, na kagaya ng balat ko. Yun nga lang color pink yung letra. Binuksan ko 'to at binasa ang laman.August 27, 2016
Katiara Academy
12:00 am
Office of the Chairperson of Transferee CommitteeI hereby proclaim Ms. Bellatrix Chesney C. Smith from St. John University as a legal tranferee to Katiara Academy due to her excellent academic performance.
Maximus Nacho Johnson
Chairperson of Transferee CommitteeYan ang nilalaman ng sulat. Literal na lumaki yung mata ko at literal akong napanganga. Tumakbo ako pababa ng hagdan at saktong nakita ko si mama kaya tinawag ko siya.
"Mama!!!" Sigaw ko. Napaharap naman agad si mama sakin.
"Ano ba Chesney! Ang aga aga e. Anong problema mo?" Naguguluhan niyang tanong sakin. Agad ko namang pinakita sakanya yung letter na nabasa ko.
"Nakita ko lang po yan kaninang umaga, pero nakalagay diyan na 12:00 am pa yan nadeliver. Ano yan mama?" Tanong ko kay mama, tinignan ko ang reaksyon niya at para siyang nagulat at the same time parang lumungkot. Pero bumalik din sa dati ang expression niya.
"Dito ako grumaduate. Hahaha. Sige na, Bella. May iba pa bang papel jan na nakalagay?" Tinignan ko yung envelope at nakitang may papel pa nga doon. Binuksan ko ito at nakitang mga kailangan ko lang naman pala sa school.Katiara Academy
Office of the Chairperson of Transferee CommitteeFor transferee, you need to have the following:
5 Katiara Academy notebooks
Katiara Academy uniform
5 Katiara Academy required books for transferees
3 Katiara Academy Fountain pen.You can buy these supplies at Katiara Magical, located at Sm ******* 1st floor. Be sure to present your Katiara letter before buying. Good Luck!
Maximus Nacho Johnson
Chairperson of Transferee Committee"Sige na, anak. Pumunta ka na. Eto o pambili." Sabi ni mama tsaka ako binigyan ng... Ng.... 4,000.
"Ma, bat ang laki naman nito?" Tanong ko kay mama.
"Mahal ang mga gamit dun anak." Sabi ni mama kaya wala akong nagawa. Umakyat muna ako sa kwarto ko, naligo at nagbihis ng pink na shirt at ripped jeans na black saka sneakers. Nagpaalam ako kay mama at dumeretsyo na ng Sm para mabili na yung mga kailangan ko para sa Katiara Academy, sounds interesting huh?
********An: So, hello. First story ko po ito. Naadik na po kasi ako sa mga nababasa ko about magical academies. Sana po suportahan niyo ako. It's a gret honor and responsibility. Chaaar. Hahaha. Thankyou po! Don't forget to vote and comment. Pwede din po kayong mag tweet at ilagay ang #Katiara Academy, pakitag nalang po ako sa @Aenawesome. Thankyou ulit! Mwaaa.:***
YOU ARE READING
Katiara Academy : School for Charmers
Fantasy"Katiara Academy school for Charmers with special abilities."