Chapter 2

42 1 0
                                    

EVANS INTERNATIONAL SCHOOL

Alyana's POV

Excited na akong pumasok sa school dahil makikita ko ulit si Henri ang matalik kong kaibigan simula pa nung bata pa ako.

Maagang Gumising si Kuya para sabay daw kami sa school.

"Nandito na tayo bunso" sabi ni kuya.

"Salamat kuya!" Nung aalis na ako sa kotse niya

"Wala bang hug si kuya?" Tanong niya na naka pout pa. Haha ang cute ni kuya.

Niyakap ko siya at yumakap naman siya pabalik. Tapos hinalikan niya ako sa noo.

"Mag-iingat ka bunso ha?" Sabi niya.

"Opo kuya. Ikaw din kuya" Sabi ko naman

"Opo bunso"

"Oh siya kuya aalis na ako baka malate pa ako"

"Nga pala bunso simula ngayon sabay na tayo kapag pupunta dito sa school"

"Opo kuya. Bye!"

Mabilis akong bumaba sa kotse ni kuya. Nang biglang nag bulong-bulungan ang mga studyante.

'Diba kotse yun ni Jeffrey?'

'Ang landi ng nerd na yan wala sigurong pamasahe kaya naki-sakay nalang'

'Di pa nga ako naka sakay sa kotse niya naunahan pa ako ni panget'

'Baka ginayuma niya si fafa jeffrey'

Teka? Pano nila nalaman na kotse to ni kuya orion?

"Alyana!"

Huminto ako tsaka lumingon si kuya pala "Nakalimutan mo oh" binigay niya sakin ang panyo ko "Salamat kuya" bulong ko baka kasi marinig nila

"Sige alyana alis na ako ah?" Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ako sa noo at sa pisngi.

Maraming napa Gasp sa nangyari.

'Ang landi niya nagpahalik pa siya kay jef'

'Oo nga girl ewww'

'Ano kaya ang feeling na nahalikan ng isang Evans? Shit. Heaven na yun girl'

'Kinikilig ako kay jeffrey'

'Kapag ako hinalikan ni jeffrey pwede na akong mamatay'

'Kapag ako hinalikan niya hindi ako maliligo ng isang taon'

Napa iling nalang ako sa mga bulong-bulongan nila.

Pumunta na ako sa classroom ko ng bigla akong hinarangan nila Scarlette, Ruby at Jade.

"Queen nandito na si malanding nerd" sabi ni Ruby

"Ewww buti hindi nagka pintal-pintal ah oh-so-licious lips ni papa jef"- Jade

"Eww bakit ka hinalikan ni jeffrey? Boyfriend mo ba siya? Mabuti at di nasira ang lips niya dahil jan sa pimples mo" - Scarlette

Sarap sabihin kuya ko siya pero baka sabihin nilang assuming ako. Hindi ko nalang pinansin sila.

"Excuse me dadaan ako" sabi ko

"Hoy nerd! Di pa tayo mag usap! Wag kang bastos!" Sabi ni scarlette sabay hila sa buhok ko. Grabe! Para yata pati ang anit ko madadala

"Jade! Ruby! Hawakan niyo ang malanding nerd na yan!" Sigaw niya

Hinawakan ako ni Jade at Ruby sa braso at ngumiti pa sila ng nakakaloko

Pinag sasampal ako nila hanggang sa may dumating na tao

"Tigilan niyo yan!"

"P-pero z-zues---"

"Sino kayo para mambully ha?!" Pinutol niya ang sasabihin ni scarlette.

"Nilandi niya si Jeffrey zues!" Sigaw niya

"Leche! Bitawan niyo si yana!" Binitawan naman nila agad ako

"Umalis na kayo sa harap ko kundi malalagot kayo!" Sigaw niya umalis naman agad sila Scarlette

"Yana ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni zues habang tinutulungan niya akong tumayo

"Oo naman zues salamat sa tulong mo ah?"

"Wala yun. Dapat kasi lumaban ka" sabi niya

"Ayaw kong magkaroon ng bad record ang Evans zues. Alam mo yan diba?"

"So ok lang sayo na api-apihin ka nila? Ganun?"

"Hind-----"

*kriiiinggg*

Naputol ang sasabihin ko sakanya dahil Nag bell na.

"Oh siya ihahatid na kita sa classroom mo baka mapano ka nanaman" sabi niya

"Salamat zues" tapos nginitian ko siya

"Mas maganda ka ka kapag ngumingiti ka lalo na kapag nakikita yang dimples mo"

"Che! Binola mo pa ako! Sige punta ka na sa room niyo baka mapagalitan ka pa" sabi ko

"Haha sige bye yna!"

"Bye!"

Tapos pumasok na ako sa classroom namin. Lahat sila tumitingin sakin ng bigla lang tumili

"Kyaaaaah!"

"Waaaah!"

"Yieeeeeeee!"

"Ano bang tinitili ninyo jan?" Tanong ko

"Yieee hinatid siya ni papa zues yieeee" sabi ni Queenie

"Yieeee" panunukso naman ni Pauleen

"Ewan ko sa inyo" sabay upo sa upuan ko

Sa classroom ko tanggap nila ako bilang nerd. Tanggap nila ako bilang pangit. Alam nilang apo ako ng may-ari nitong school kahit noon hindi ko pa sinabi sa kanila tinanggap nila ako.

Nagsitigil silang mag tilian nung Dumating na ang Teacher namin.

--------------------

To be continued....

Kaya nila kilala si Jeffrey dahil sikat ito. Modelo si Jeffrey bago siya pumunta sa canada. Kaya naman kilalang kilala nila ito at alam din nilang Evans ito kaya't sikat na sikat siya sa skwelahan nila.

Ms. Nerd Becomes A Hot ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon