Chapter 5

34 1 0
                                    

Alyana's POV

Nasasaktan ako dahil may gusto pala si Henri kay Zues. Matagal ko nang gusto si Zues simula palang nung mga bata kami. Ang bait niya kasi at napaka gentleman pero kailangan kong mag move on. Gusto siya ng bestfriend ko. Mas mahalaga sakin si Henri, siya lang kasi ang nag iisang bestfriend ko na babae. Lahat kasi ng tao sa school pinanindidirian ako.

"Aly, ba't di mo ginagalaw ang pagkain mo?"  Tanong ni kuya orion sakin

"Wala akong gana kuya, aakyat na muna ako may mga assignments pa kasi akong dapat gawin" pag sisinungaling ko kahit wala naman talaga

"Ok" yun lang ang nasabi ni kuya at tumuloy nang kumain

Umakyat na ako sa kwarto ko at binagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Jeffrey's POV

Kanina pang walang imik si Aly, hindi ako sanay na tahimik siya. Madaldal yan lalo na kapag nasa hapag kainan kami. Para siyang may problema

"Aly, ba't di mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong ko

"Wala akong gana kuya, aakyat muna ako may mga assignments pa kasi akong dapat gawin" sagot niya. She's Lying. Alam ko kapag nagsisinungaling siya may problema talaga ang bunso namin.

"Ok" yan nalang ang nasabi ko at pinatuloy ang pagkain.

Umalis na siya. Napa buntong hininga ako.

"Yaya, I'm done eating" sabi ko at sinundan si Aly

Pumunta muna ako sa kwarto ko at kinuha ang isang kulay puting box na nakalagay sa kama ko.

Nag jog ako papuntang kwarto ni aly. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip siya. Ang himbing ng tulog ni bunso.

Dahan-dahan akong pumunta sa kama niya. Kinumutan ko siya at in-off ang lampshade bago ako umalis hinalikan ko muna siya sa noo.

'Have a sweet dreams bunso, kuya loves you so much'  bulong ko

Sinilip ko muna siya bago umalis sa kwarto niya. Hayy bukas ko na siguro ibibigay ang regalo ko sa kanya

Ms. Nerd Becomes A Hot ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon