Chapter 4

26 1 0
                                    

Henri's POV

Nagising ako mga bandang 5 na ng hapon. Nagulat pa nga ako dahil pagka gising ko nasa clinic na ako At nakita ko si Yana na naka upo sa sofa ng clinic tinanong ko siya kung bakit
Ako nasa clinic pinaliwanag naman niya. Naalala ko nasa harapan ko si zues nun at malapit akong mahulog sa hagdan dahil sa saging. Kinikilig ako habang iniimagine ko nung binubuhat ako ni zues

"Bes crush mo pala si zues?" Tuksong tanong ni Yana

T-teka? Pano niya nalaman na may gusto ako kay zues?

Napayuko ako

"Yieeeeee! Crush mo nga! Nag dadalaga na si Henri!" Biglang sigaw ni Yana. Nagtinginan naman ang mga tao sa paligid namin

Hinila ko kaagad siya kasi nagbubulungan na ang mga babae. Baka ma bully pa kami. Mas mabuting umiwas na kami.

Nung nasa malayo na kami dun ko na sinabi.

"Bes di ka galit?" Tanong ko

"Bakit naman ako magagalit bes?" Sagot niya

"Kasi Childhood Friend mo siya?" Patanong na Sabi ko

"HAHAHAHA bes di ako galit dahil naka gusto ka kay zues. Tsaka kaibigan lang naman ang tingin ko kay zues at wala pa yan sa isip ko ang lovelife-lovelife na yan noh!" Natatawang sagot ni Yana

Napangiti naman ako. Akala ko kapag nalaman ni Yana na may gusto ako kay Zues ay magagalit siya.

"Hayy salamat bes akala ko magagalit ka sakin wag kang mag alala bes crush lang naman eh" ngiti-ngiti kong sagot

"HAHAHA nagdadalaga ka na talaga bes" sabi niya

Napa iling nalang ako habang nakangiti at nagpatuloy ng lakad.

Zues POV

"Class Dismissed!" Sabi ni Ms. Evelyn.

Buti naman at natapos na ang subject na yun. Natulog lang ako buong oras ang boring kasi niyang mag turo.

Papalabas na sana ako ng campus nung narinig kong sumigaw si Yana.
Grabe talaga tong babae nato ang lakas ng boses pupuntahan ko sana siya kaso kasama niya pala ang bestfriend niya. Napa chuckle nalang ako nung naalala ko na may gusto pala sakin ang bestfriend niya.

Sinundan ko nalang sina Yana. Same naman din kami ng village. Napansin kong hinila siya ng bestfriend niya. Takte ang bilis nilang maglakad.

May gusto ako kay yana simula pa nung bata pa kami. Ang cute niya kasi lalo na kapag napipikon siya.

"Tsaka kaibigan lang naman ang tingin ko kay zues at wala pa yan sa isip ko ang lovelife-lovelife na yan noh!" Napatigil ako sa sinabi niya

Kaibigan lang? Para akong na estatwa sa narinig ko. Nasaktan ako dun sa sinabi niya kaya umiba ako ng daan.

Di ko namalayan na may tumulong luha na pala sa mata ko.

----------------------------

Unedited. Hope you liked it <3

Ms. JD ♡

Ms. Nerd Becomes A Hot ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon