Alyana's POV
Nagising ako dahil hinalikan ako ni haring araw. Hmmm. Ang sarap ng tulog ko tumayo ako at tiningnan ang oras
8:00 na pala ng umaga. Buti nalang at sabado ngayon.
Ting*
Napatingin ako sa cellphone ko. Nagtext si Nymfa na kailangan ko daw pumunta ng school dahil may pinagagawa daw si Mrs. Thea sakin
Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa Kitchen para mag Brunch.
Di ko ata nakikita si kuya Orion ngayon pati si kuya Dayle.
Baka may business meeting si kuya Dayle. Hayy wala akong kukulitin kasi wala si kuya Orion
Kumain na ako at nag bihis para pumunta sa school. Bigla ko naman naalala ang sinabi ni Henri kahapon na may gusto siya kay Zues.
Pumunta ako sa garahe at nakita ko si kuya tony na naglilinis ng sasakyan.
"Kuya Tony, pwede niyo po ba ako ihatid sa School?" Tanong ko kay kuya tony
"Sige po Mam Aly"
Nakarating naman agad kami sa School. Sinabihan ko nadin si kuya tony na baka hapon na ako makakauwi.
Nag text si Nymfa na nasa 5th floor daw sila ngayon. Teka, Anong ginagawa nila sa storage room?
Hindi na ako nagdalawang isip na pumunta sa 5th Floor.
Pagdating ko wala namang tao ah. Pumasok ako sa storage room baka nasa loob sila. Pagbukas ko ng pinto biglang ----
*splash
Nahulugan ako ng itim na pintura. Takte! Sinong naglagay ng pintura sa taas ng pinto?! Ang baho ng pintura argh! Ang sakit sa ilong kainis! Binuksan ko ang ilaw ng may bumato sakin ng balloon na puno ng itlog at harina. Hindi isa kundi marami ang bumato sakin! Tawa sila ng tawa habang ako umiiyak na hindi dahil sa sakit ng pagbato nila kundi bakit nila ginawa sakin to. Ano bang maling ginawa ko?
"Ahh wawa naman ni nerdy umiiyak HAHAHA" tatawa-tawang sabi ni Scarlette tumawa naman ang mga tao sa paligid
"Ano ba ang nagawa kong mali sayo scarlette?! Ina ano ba kita?!" Sigaw na tanong ko
"Kabayaran mo yan samin dahil pinagtanggol ka ni papa Zues!" Galit niyang sigaw
"Para yun lang?! Napaka isip bata mo Scar" sabi ko habang humihikbi
"I fuckin' don't care nerd!" Sigaw niya
Bigla niya akong tinulak ng malakas at nauntog ang ulo ko sa bakal
"Scarlette! Ang lakas ata ng pagtulak mo sakanya!" Sigaw ng isang lalaki
"I don't care. Mas gusto ko pang mamatay ang nerd na yan dito" sabi ni scarlette sabay alis sa storage room
Tiningnan naman ako nung lalaki, tutulungan niya sana ako pero sinigawan siya ni scarlette at lumabas ng storage room. Ako nalang ang natira. Di ko kayang tumayo nahihilo ako. Hinawakan ko ang ulo ko nang may napansin akong dugo.
Natumba ako bigla. Feeling ko mauubusan ako ng dugo. Humihingi ako ng tulong pero walang nakakarinig. Soundproof pala ang storage room. Di ko na kaya hanggang naipikit ko na ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Becomes A Hot Chick
Fiksi RemajaWhat if a nerd becomes a hot chick after she got bullied? Meet Alyana Stellar Evans a 16-year-old girl who got bullied in her own school. Until She left her school and she came back not as a nerd but as a HOT CHICK Abangan ang kanyang paghihiganti s...