Chapter 4
Unknown and forgotten" Okay, class dismissed. "
Nagsitayuan na rin naman kami pagkatapos magpaalam ni Mr. Suarez.
" Louise, sabay ka ba sakin ngayon? Tara na. " sabi ni Kianna na sinusukbit yung bag niya sa balikat niya.
" Uhhm Kianna, may pupuntahan kasi ako e. " sabi ko naman sabay lingon kay Ace.
" OMG. May date kayo?! Kayo ba ni Clyde? "
Nawindang naman ako sa sinabi niya. Pati ba naman siya, yun ang iniisip? Oh my god.
" Hindi yun! Sa Heron district kami pupunta. "
Namilog naman ang mata ni Kianna. Tingnan mo tong gagang to. Napaka OA mag-react.
" E di ibig sabihin, alam niya yung ano. " tumango naman ako. Hinampas niya naman ako.
" Lokang to! Di ka man lang nagpasabi! Kwentuhan mo ko mamaya ha? For now, sige na, pumunta na kayo sa pupuntahan niyo. " nagbeso naman siya sakin at kumaway kay Ace na tinanguan lang siya.
" Haha. Ang kulit ng bestfriend mo. " komento naman ni Ace pagka-alis ni Kianna.
" Type mo? Wag na, di kayo bagay. "
"Sus. Selos ka lang e. " nakangisi nanaman ang loko.
" Psh. Selos selos. Dami mong alam. Tara na. Daan muna tayo sa condo ko ha? May kukuhanin lang ako. "
" Sure. Tara na, Adriana. "
Naglakad na kami palabas ng school. Sanay naman na ako na maraming tao ang bumabati sa akin pero kakaiba kasi ngayon.
" Hi Ate Louise! " bati sakin nung freshman na ka orgmate ko. Pero kahit ako ang binabati niya, tumatagos ang tingin niya sa likod ko.
Kung saan nakatayo si Ace.
" Sikat ka pala talaga dito noh? " manghang tanong ni Ace. Napatingin naman ako sakanya.
" Hindi naman. Madami lang talaga siguro akong sinasalihang activities kaya madami akong naging friends. " tumango naman siya. " Ikaw nga diyan e. First day mo pa lang, sikat ka na dito. "
" Would you believe me kung sasabihin ko sayong hindi ako sanay na maraming tao sa paligid ko? "
Bago pa ko makasagot ay napadpad na kami sa harap ng isang magarang kotse.
" Holy shit. "
Sino ba namang hindi mapapamura kung yung dream car mo ang nakabalandra sa harap mo?
" Haha. Never thought that you'll react like that. " sabi ni Ace habang pinagbubuksan ako ng pinto.
Agad naman akong pumasok at pinagmasdan ang loob ng kotse. Wala akong paki kahit na tinatawanan ako ni Ace dahil mukha daw akong bata na first time makakita ng amusement park.
" Adriana, tigilan mo na nga yang pagsipat mo sa kotse. Ituro mo na sakin kung saan yung condo mo. " naiirita nang sabi ni Ace.
I pouted and showed him the way. Sabi nga ni Ace, kahit naman gangsters tayo, teenagers pa rin tayo na may kanya kanyang trip sa buhay. At trip na trip ko talaga ang mga ganitong sasakyan. Kaso ang sungit nung may-ari. Sayang.
" Liko ka na lang sa kanan. Tower 2."
Sinunod niya naman ang sinabi ko at nakarating naman kami sa condo ko.
" Good afternoon, ma'am." kinuha ng valet ang susi kay Ace at dumiretso na kami sa unit ko.
" Diyan ka na lang muna sa sala. Or kung gusto mo, may pagkain naman sa fridge. " tumango na lang siya habang tumitingin sa paligid.
As for me, dumiretso na ko sa kwarto ko and changed my clothes. I just wore an all black outfit. Black shirt, leather jacket, and pants. And of course, my ever favorite boots.
Lumabas na din ako after at nadatnan ko na lang si Ace na hawak ang isang picture frame. Shit. How come that I forgot about that stupid frame.
" Hey! " angil ni Ace ng bigla kong hablutin ang frame sa mga kamay niya. Agad ko itong tinapon sa basurahan at lumingon sa kanya.
" Who's that guy with you in the picture? "
" The fuck you care. " he seems taken aback by my tone. " Tss. I'm done. Let's go. " nauna na kong lumabas at pumunta sa parking lot. I got into my motorcycle and hurriedly left the place leaving a confused gangster alone.
I know it may sound childish or what. But I don't like sharing my past with other people. Ayokong ipagkatiwala sa kanila yung mga bagay tungkol sa akin na kahit ako mismo gusto nang kalimutan.
Besides, everything's already in the past. And it's better to keep it unknown and forgotten.