Chapter 3

13 1 0
                                    

Chapter 3
Secret

" Good morning ma'am Louise. Ready na po yung breakfast niyo. " bati nung maid na nakasalubong ko sa hallway.

Today is monday at dahil ako si Adriana Louise Ignacio, kailangan kong pumasok ng maaga sa school.

From: Ace

Adriana, papasok na ko sa school niyo mamaya.

Isa pa nga palang dahilan ng pagpasok ko sa school ng maaga ay dahil aayusin ko pa yung schedule at other stuffs ni Ace sa school.

Loko kasi yun. Akala ko naman okay na lahat ng papers niya, yun pala nag-enroll lang siya. Ni hindi pa niya kinukuha yung ID niya. Ako pa din ang kukuha for him.

"Manang baka di po ako umuwi mamaya dito. May school project po kasi kami at overnight po dapat para matapos na. " paalam ko kay Manang dahil wala naman ang parents ko dito para pagpaalaman ko.

And hindi naman talaga kami mag-oovernight para tapusin ang project namin. Sa hideout namin ako mag-oovernight.

" Ganoon ba? O siya, mag-ingat ka ha? Tumawag ka na lang dito kapag may kailangan ka." bilin naman niya.

"Sige po. Una na po ako ha? " tumayo na ako at nagpaalam.

Hinatid naman ako ni Kuya Bert sa school. Pagbaba ko pa lang ay marami ng kumaway at bumati sakin. Nginitian ko naman silang lahat at binati din.

Naglalakad na ko papunta sa Dean's Office ng tumunog nanaman ang phone ko.

Ace calling...

" Hello? "

"Adriana, malapit na ko sa school niyo. Nakuha mo na ba yung ID ko? "

"Kukuhanin ko pa lang. Sakto pagdating mo, okay na to. "

"Good. Di ko na ibaba ito ha? Para magkakitaan agad tayo mamaya. Ayoko pa naman ng naghihintay. "

"E kung inayos mo na sana to bago ka sumulpot dito, e disana tapos na. "

"Tss. "

" Good morning, Ms. Louise. Ano pong kailangan niyo? " tanong nung student assistant dito sa office.

"Good morning din. Kukunin ko lang sana yung ID, schedule pati locker combination ni Mr. Esquivel. Austin Clyde Esquivel. " I politely answered.

"Ah. Ito po miss. Andyan na rin po yung student handbook tsaka mga necessary documents niya. "

Inabot ko naman yung isang folder na binigay niya. I thanked her and headed out.

" Ace, nakuha ko na. Nasa labas ka na ba? "

"Yup. I can't see you, ang daming tao. "

True enough pagdating ko sa entrance, nagkukumpulan ang mga girls at ilang boys.

"Can you tell me where the hell are you? Ang daming tao. "

Halatang naiirita na siya sa dami ng tao. Natawa tuloy ako. Good thing, natatanaw ko na siya

" Wait. Puntahan na kita diyan. "

Binaba ko na yung tawag niya at nilapitan siya. Dahil nakatalikod siya, hindi niya ako nakikita. At rinig na rinig ko ang mga mura niya.

"Pfft~" tinakpan ko ang bibig ko pero too late nakita niya na ko.
Humarap siya sakin at sumimangot ng sobra. Natawa naman ako lalo.

" Haay. Kung pagtatawanan mo lang ako. Alis na lang ako. " sabi niya.

" Talaga? Aalis ka na? " pang-asar ko pa. Alam ko namang di talaga siya aalis e. Siya kaya ang may kailangan sakin.

Ngumiti din siya ng nakakaloko at kinurot ang pisngi ko.

Hinampas ko siya pero di niya binitawan. Instead nagsalita siya, " Alam mo, pasalamat ka kailangan kita. Kung hindi, nako, matagal na kitang nasapak. "

Binitawan niya na ang pisngi ko pero hinampas ko ulit siya ng malakas. Napa aray naman siya.

" Ewan ko sayo. Basta, kunwari friends tayo ha? " sabi ko habang naglalakad papasok ng school.

" Oo na. Tsaka Clyde na lang ang itawag mo sakin. " sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

" Ayoko nun. Ace na lang itatawag ko sayo. Ang pangit nung Clyde e. "

" O sige, pero Adriana ang itatawag ko sayo. Okay? " sabi niya naman. Alam niya kasi na ayaw na ayaw kong tinatawag akong Adriana. Siya naman ayaw ng Ace.

" Whatever." tumawa na lang siya. Napatingin lang ako sakanya.

" Oh, bakit ganyan ka maktingin?  Ang gwapo ko ba? " ngumisi pa ang loko.

" Nah. Naninibago lang ako. Para ka kasing hindi gangster. Lagi kang nakangiti tapos mapang-asar. " puna ko. Ginulo niya lang yung buhok ko.

" Ikaw din naman e. Ibang-iba ka sa school. Tsaka kahit naman gangsters tayo, teenagers pa rin tayo na may iba't-ibang trip sa buhay. Kaya masanay ka na sakin na ganito ako, okay? "

Tumango na lang ako. Sakto namang tumunog yung bell signalling na magsisimula na ang klase. Naglakad naman na kami papasok ng room namin.

" Louise! " bati ni Kianna sakin pagpasok namin sa room.

" Hi Kianna! " napatingin naman siya kay Ace. " Nga pala, si Clyde, friend ko. Dito na siya mag-aaral. Ace, si Kianna, best friend ko. "

Ngumiti naman sila at nag shake hands. Maya maya lang dumating na si Ms. Cruz kaya naman umupo na kami sa mga pwesto namin. As for Ace, pinaupo ko na lang siya sa tabi ko since wala naman siyang kakilala dito bukod sakin.

Class started at napapansin ko na lahat ng girls pasulyap-sulyap kay Ace. Tapos magbubulungan. Napatingin naman ako kay Ace and I realized, school will never be the same dahil sa pagdating niya.

---

" Louise, di muna ako sasabay sa inyo ha? May meeting kasi kami sa Journalism." paalam ni Kianna.

"Sure. Ililibot ko lang rin naman tong si Ace e. Kita na lang tayo mamaya. "

And so, naghiwalay na kami ng pupuntahan. Kami ni Ace, pumunta sa cafeteria.

" Hi Louise! " bati ng kaklase ko sakin. Weird lang kasi ngayon niya lang ako binati.

" Uhh, hi din. " I reluctantly smiled.

" Uhm, itatanong ko lang sana kung boyfriend mo siya? "

I was caught off guard. Akala nila boyfriend ko si Ace! Tumawa naman tong katabi ko at inakbayan ako.

" Secret. " sagot niya sa kaklase ko at hinila niya na ko paalis habang nakaakbay siya sakin.

Hinampas ko naman siya pero tinawanan niya lang ako. Mygod, kailan nga ba kami naging close?

A Gangster's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon