Chapter 6
Just Found Myself"Ali, sure ka bang tutuloy ka sa laban na to? Ang laki ng kalaban mo e. " nag-aalalang tanong ni Dean sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at napatahimik siya nun pero kita ko pa rin na di siya sang-ayon sa paglaban ko kay Larry.
Well, si Larry yung leader nung isang gang na hindi ko na inalam ang pangalan dahil wala namang kwenta.
Nakita kasi namin siya kanina nung papunta kami dito sa Heron Arena. Well, malaki naman kasi talaga si Larry at nakakatakot din talaga ang itsura. Lahat natatakot sa kanya. Except me.
" Iniinsulto mo ba ako, Dean? " lumapit pa ako sa kanya at tiningnan siya ng diretso sa mata.
" H-hindi naman sa ganun, Ali. Kaso... " pinutol ko na agad ang sasabihin niya. " Kaso ano, Dean? "
Halata naman na nasindak siya. Yeah, right. That's my effect. Fear.
" Enough of that na. Ali, you're up. " pagpigil ni Aya sa akin. Agad na akong lumayo at tumalikod kay Dean. Pero paglabas ko naman ay nakasalubong ko si Ace.
Nakaharang lang siyang sakin at nakatingin sa mata ko. Ano nanaman kayang trip nito?
" What? " pagbasag ko sa titigan namin. Mukha naman siyang natauhan. At bumalik nanaman yung poker face niya.
" Wala. "
Tumalikod na siya at nauna pang pumunta sa arena. Sira ulo talaga. Tss.
---
Malakas ang sigawan ng tao dahil sa sobrang intense ng labanan na nagaganap sa loob ng arena.
Duguan na ang mukha ni Larry dahil sa malalakas at sunod sunod na suntok na natanggap niya mula kay Ali.
Samantalang si Ali naman ay di na magamit ang kaliwang kamao niya dahil sa sobrang lakas ng pagsuntok niya gamit ito. Lamang na siya sa laban ngunit nararamdaman niya na ang unti-unting pagkaubos ng lakas niya.
Hindi maikakaila na malakas ang parehong naglalaban sa arena. Ngunit isa lang ang mananalo at hindi makapapayag si Ali na matalo.
Sinugod niya ng suntok sa sikmura ang lalaki at napaatras naman ito. Umamba ito ng isang suntok sa mukha ni Ali ngunit mabilis niya itong naiwasan at
pinilipit ang kanang braso ni Larry.Sa lakas ng pagkakpilipit, paniguradong hindi na niya ito magagamit pa. Kinuha ni Ali ang pagkakataon at sinuntok pa muli ang lalaki sa mukha na dahilan ng pagkatumba nito.
Nagbunyi na ang Venus at Falcon dahil sa pagkapanalo ni Ali. Maging si Ali ay natuwa ngunit sa pagod ay hindi na niya nagawang makakilos kaya nginitian niya na lang ang mga kaibigan niya.
Sa pagsasaya ng lahat, di na nila napansin ang kalaban ni Ali na unti-unting binubunot ang baril mula sa isang tauhan na malapit sa kanya.
" ALI! " sigaw ng mga kaibigan niya ng biglang natumba si Ali sa arena.
----
" Doc, ayos na po ba siya? "
" Stable na ang vital signs niya. Mabuti na lamang at walang natamaang internal organ sa katawan niya. She should be awake after a few hours. "
" Thanks, doc. "
Nakarinig ako ng pagsara ng pintuan at nasundan ito ng ilang mga boses na parang nag-uusap. Maya maya pa ay nakarinig ulit ako ng pagbukas at pagsara ng pintuan.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko only to see the white ceiling of my hospital room. Pinakiramdaman ko ang katawan ko. I feel sore but I can manage naman na.
Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko sila Selena at Violet sa sofa sa kanan. Nakatulog na ata sila. Sa kaliwa ko naman ay ang natutulog na Ace. Nakadukdok siya sa kama ko at nakaharap sa akin.
I was about to wake him up ng biglang kumunot ang noo niya na para bang binabangungot siya.
" Hayley... Hayley, I'm sorry." tinapik ko siya para gisingin pero hindi siya gumigising.
" Ace, wake up. " tinapik tapik ko pa rin siya. Nako naman tong lalaking to, ayaw gumising.
" Ace naman. Gising na. You're having a nightmare. " nagulat ako ng bigla siyang dumilat at yumakap sakin.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagyakap niya sakin. Sobrang higpit ng yakap niya na tipong hindi na ako makahinga pero imbis na kumawala at sapakin siya tulad ng dapat kong gawin, I just found myself hugging him back and patting his back.
Hiniwalay ko siya ng konti sa akin at doon ko nakita ang kabilang side ni Ace. Ang mahinang side niya. Seeing him cry like this pulls something inside me.
" Shh, Ace. " hinawakan ko ang mukha niya at pinahid ang mga luha niya. Kitang-kita ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya. Those eyes na kayang kaya makapagbigay ng takot sa iba ay puno ngayon ng lungkot.
" Ace, tahan na. Andito ako. Tahan na. " niyakap ko na lang siya ulit and this time I can feel na he's starting to calm down. I hugged him tighter before releasing him. Pinahid niya ang luha sa mata niya at ngumiti sakin.
" Haay. Nakakawala naman ng pride to bilang gangster. Haha." nginitian ko na lang din siya at kalaunan ay natawa na din.
" Iyaking Ace." pang-asar ko sakanya para naman gumaan ang mood niya. At mukhang successful naman ako dahil sinabayan niya na din ako sa pagtawa.
" Thank you, Ali. I never thought na ikaw pa ang makakakita ng side kong yun. " sabi niya sabay gulo sa buhok ko. Hinampas ko naman ang kamay niya pero nakalimutan ko na may pilay nga pala ang kanang kamay ko kaya naman namilipit agad ako sa sakit.
" Ali, are you alright? Sorry, I didn't mean to. " he held my hand at hinimas ito. Napatinyin naman ako sakanya habang hawak niya ang kamay ko at ganoon din siya sakin.
For the second time, his brown eyes pierced through my blue eyes. The depths of his eyes seem to pull me closer. Para akong malulunod sa tingin niya at before we knew it our faces are only a few inches away.
At sa tagpong yun bumukas ang pintuan.
" We're ba- "
Shit.
