Nasa Director's Office ako ngayon at katatapos ko lang ireport ang unang araw ko. Syempre puro kasinungalingan lang ang sinabi ko na kesyo Masaya magtrabaho dito at nag e'enjoy ako.
"It's good to hear na nag e'enjoy ka dito." Nakangiting sabi ni sir Paul.
"Opo sir."
"Ilalagay nga pala kita sa night shift. Every MWF, 7am-12nn duty mo and 8-11 pm. And every TTH 1-5 pm. Balik ka naman ng 8-11 pm."
Nalito ako pero isa lang masasabi ko ang pangit naman ng schedule ko.
"Okay na okay po. Walang problema." Another lie.
"Good. Nga pala Trishia, nag a'assist ka sa mga surgical operations sa dati mong pinagtatrabahuhan, right?"
"Yes sir." Naalala ko naman mga kapalpakan ko dun.
"Dadating mamaya ang surgeon ng hospital na to. Hindi lang sya surgeon. Neurologist din sya."
"Ahh." Sabi ko ng may pagka bored ang tone.
"Sa twing magkakaroon ng operation sa operating room, see to it na andun ka lagi. Konti lang kasi mga nurses dito kaya malaking tulong na nandito ka."
Ano raw? Operating room? Teka! Hindi pa nga totally nag sisink in sa utak ko na may aalagaan akong killer/baliw na pasyente tapos pati sa operating room kung saan dumadanak ang maraming dugo, dun din ako? Namutla ako.
"And one more thing, sa ward 2 ka mag stay during your night shift."
Kasama ko buong gabi mga baliw na pasyente. Hell nga ang lugar na to. Sobra naman na ata pagdurusa ko dito. Ito ba kapalit ng paglalayas ko at paglabag ko sa magulang ko?
"Okay ka lang ba Trishia?" nabalik ako sa wisyo ng magsalita ulit si sir.
"O-okay lang po sir."
"By the way, yung sa operating room.. Don't worry alam ko yung background mo. It's just.. gusto ko lang na makapag practice ka pa for you to be able get back sa dati mong pinagtatrabahuhan."
BINABASA MO ANG
Insane Asylum
HorrorA nurse from a surgical hospital was been transferred in an isolated Asylum were she meets insane patients. Asylum is a psychiatric hospital that offers shelter and support to people who are mentally ill. Read this story and prepare yourself to be...