Chapter One: Welcome to Asylum

303 14 17
                                    

(Trishia's POV)





Hanggang ngayon, sa kabila ng karanasan ko dito sa loob ng operating room, natataranta pa rin ako. Nasa gitna kami ng operation. May heart transplant kaming ginagawa. Ngayon palang, sinasabi ko na sa inyo na nandidiri ako sa dugo. At kung nagtataka kayo kung bakit ako napadpad dito sa hospital. yun ay dahil sa magulang ko. Hindi ko naman ginusto maging nurse. Napilitan lang ako.




"Take off the green sheet covering the operating area." agad ko naming sinunod ang sinabi ni doc.




"Trishia, hand me the buzzsaw to cut the rib cage."




"Here." binigay ko sa kay doc ang pinapakuha nya.




Napapikit nalang ako ng pinutol ni doc yung part ng rib cage ng pasyente. Hindi ko magawang ituon ang atensyon ko sa ginagawa ngayon ni doc. Blood. So much blood. Nanlalambot ang mga tuhod ko at nasusuka ako.




"The lungs and diaphragm are removed. Give me the scalpel."




Agad kong inabot ang syringe.




"Not this Trishia. The scalpel!" parang tunog ng isang thunder ang boses ni doc.




"I-I'm sorry doc. Ito po."




"Niloloko mo ba ako Trishia? This is not scalpel. Bone cutter to!"




Agad na hinanap ng mata ko ang scalpel sa lagayan pero parang nag freeze ang utak ko.




"Doc, ito na po." salita ni Balby, ang nag-iisang kaibigan ko dito. Napatingin ako sa kanya. Binigay nya kay doc ang scalpel at tsaka nya ako tiningnan at nag nod sakin.



"Madaling mamatay ang pasyente sayo. Put yourself together, Trishia. Get ready in removing the heart..."




Ramdam ko ang nag aapoy na mga tingin sa akin ng mga kasama namin dito sa loob ng OR. Hindi ko sila masisisi.




After an hour.




"Napagalitan nanaman ako." binuksan ko ang bottled water na hawak ko at walang tigil kong ininom ang tubig.




"Bakit naman kase syringe yung inabot mo e hindi naman yun ang hinihingi."




"Nasusuka na ako kanina Balby. Andaming dugo yung nasa harap ko."




"Hoy Trishia, ayaw mo pa bang mag resign. Alam naman nating lahat na hindi ka talaga para dito. Mabuti nalang at hindi namatay ang pasyente na inooperahan kanina." alam ko naman. Kahit kelan, hindi ako naging masaya sa trabaho ko bilang nurse. Tsaka maswerte lang ako kanina dahil hindi namatay yung pasyente.




"Gustuhin ko man mag resign pero hindi pwede. Hindi madaling maghanap ng trabaho. Malaki pa babayaran ko sa nilipatan kong apartment." okay naman sana ako dito, wag lang talaga sa operating room.




"Humingi ka na kasi sa daddy mo. Barya lang yun sa kanya."




"Ayokong umasa sa kanya. Tss. Ipipilit lang ako nya na ipakasal dun sa mukhang mongoloid na anak ng business partner nya." cliche man pakinggan pero ganun talaga. Karamihan sa mga businessmen na may malaking kompanya ipapalit sa pera ang kaligayahan nila o kahit pa ng anak nila at isa na dun ang daddy ko.




Tumawa naman si Balby at ilang sandali rin bago siya tumigil. Nakita nya na kasi yung lalaking pinipilit ng daddy ko na ipakasal sakin. Gusto nyo malaman kung anong mukha nya? Wag na. Masisira lang araw nyo. "Yun lang. Kahit ako rin, hindi ko matatagalan yung feeling pogi na lalaking yun." salita ni Balby. "Tiisin mo na lang mga nakikita mong duguan dito."




Insane AsylumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon