Nasa open field kami ngayon kasama lahat ng pasyente.
"Time for your morning exercise! Ready nyo na mga sarili nyo okay?" Sabi ni Dr. Regine sa mga pasyente. Napapaisip ako kung lahat ba ng psychiatrists mababait? Lahat ba sila hindi naii'stress? Lagi kasing at peace at welcoming ang aura ni Dr. Regine. Parang wala syang prinoproblema. Parang hindi sya naiistress sa lugar na'to.
Napatingin ako sa paligid. Mukhang hindi ako kaagad makakaalis dito. Pinakiramdaman ko nalang ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Ang sarap ng ganitong atmosphere gawa ng umaga palang at hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. "Sam at Chinee, kayo na mag lead ng aerobic exercise." Dagdag ni Dr. Regine.
"No problem doc. Let's do this!" nag stretching pa si Sam ng braso niya na parang may bu'buhating mabigat.
"Sali ako!" napalingon ako kay Lads na tumatakbo papalapit sa amin. Mukha ngang nag eenjoy ang mga tao dito.
Pinatugtog na nila Lads ang Girl In The Mirror na kinanta ni Sophia Grace. At nag exercise na sila. Nakakatawa yung mga steps nila. Literal na tumatawa na ako ngayon. LOL. Pero kanina ko pang hindi nakikita yung tatlong patients na nasa ward 3. Bakit wala sila dito?
Nilapitan ko si Dra. Regine na masayang nanunuod sa mga pasyente na nag e'exercise.
"Doc, asan po yung tatlong patients sa ward 3? Hindi po ba sila kasama dito?" tanong ko ng may pagtataka. Kawawa naman sila kung hindi sila nakakalabas sa kulungan na yun.
"Hmm. Hindi ee. Hindi sila pwedeng lumabas." Sagot nya.
"Bakit naman po? Di ba mas kailangan nila ng exercise para ma'release yung endorphins para ma'trigger yung positive feeling nila?" shocks. Naalala ko pa yung endorphins na tinuro samin nung college.
"Yes they need to release those chemicals through exercise. But the thing is, they are dangerous and cannot be with other patients like them." Sabay turo nya sa mga pasyenteng nagsasayaw na parang mga bata.
"Bakit naman po? Ako po yung naka assign kay Jeff. Harmless naman po sya at sa tingin ko ganun din ang dalawa." Totoo naman kasi. Hindi naman ako sinasaktan ni Jeff. At tahimik lang sila. Mas malala pa ngang tingnan yung mga andito sa harap namin.
"They are still under our observation. Na try na namin silang ilabas doon sa ward 3 noon at isinama sa ibang patients but it didn't go as we expected. They murdered one of our patients." Nagulat ako at natakot pero on the other side, naaawa pa rin ako. Matagal naman na sigurong nangyari yun. Baka naman hindi na nila magagawa yun ngayon.
"Pero.. ginagamot naman sila, di ba? Baka kahit papano gumaling na sila."
"Like what I have said earlier, they're still under observation." Tumigil sya at ngumiti. "Don't worry. Gagaling din sila. Makakalabas din sila doon."
Nag nod lang ako sa sinabi ni doc. Mas may alam sya sa ganung bagay kumpara sakin.
Natapos ang aerobic exercise.
"So, may 30 minutes pa sila na maglaro ng basketball, volleyball o kahit anong gusto nila laruin. Nurses, paki guide sila hah." Paalala ni Dr. Regine.
"Yes doc!" - Nurses
Naghiwa-hiwalay kaming mga nurses. Nilapitan ko yung buntis na babae na hinahampas ang bola ng basketball doon sa ulo ng isa pang pasyente.
BINABASA MO ANG
Insane Asylum
HorrorA nurse from a surgical hospital was been transferred in an isolated Asylum were she meets insane patients. Asylum is a psychiatric hospital that offers shelter and support to people who are mentally ill. Read this story and prepare yourself to be...