Chapter 1.1

34 0 0
                                    

Kinausap ako ng kaklase ko na si Issa. “Uy Ria, nakita ko yung pangalan mo dun sa section na IV-Can. Sa IV-Can ka, hindi ka dito sa IV-Tupperware.”

“Ah. So ganun? Pinapaalis mo na ko dito.” Sabi ko sa kanya sa nakakaawang boses effect ko.

“Hindi naman sa ganun.”

“Ah ganun ba. Ano ka ba. Joke lang yun.” Sabi ko. Hmph. Ibang section ako? Ayoko lumipat! Simula 1st year kaklase ko na sila tapos malilipat ako sa ibang section? Di ako sanay!

Pagkarecess, bumaba ako sa mga bulletin board upang tingnan kung anong section ako.

“Oh my gosh! Hindi ito maari! Sa Can nga ako at hindi sa Tupperware! No way! Ayoko dun!” Sinabi ko kay Aeysha na bestfriend ko.

“Ano ka ba. Magkikita pa din naman tayo eh. Sige na, pumunta ka na dun. Malapit ng matapos yung recess natin.” – Aeysha

“Sige na nga. Baboosh. Sabay tayong maglunch ha?” Sabi ko.

“Sige, sige.” Sabay alis niya.

Haiz >.< Ano ba to! Mag-aadjust na naman ako! I hate it. Bakit ba ganito ang life? Err.  Pagpasok ko sa room nakita ko yung mga dating classmates ko. Di ko naman sila ganun ka-close kaya small talk lng ang ginawa naming at di ko na sila pinansin -_-

Umupo ako dun sa pinakadulong row. Wala akong mga katabi. Forever alone ako. Kinausap ko yung nasa harap ko pero di man lang ako pinansin. Aba! Ganyanan pala ha! Hmph! Bahala nga kayo diyan.

Maya-maya may umupo sa tabi ko. Jian ang pangalan niya. Ah! Siya yung tagakabilang section dati. Oh no. Kaklase ko pala siya.

Ano ba to! Nakakabadtrip ha! Kanina niya pa ako tinititigan. Siyete! Sisipain ko na to sa fezlak niya pag di pa tumigil tong ungas na to!

“Ano ba?!?” Sabay suntok sa kanya kunwari sa mukha. Pero di ko naman dinampi yung kamao ko sa mukha niya. Muntik lang :

“Ano palang pangalan mo?” – Jian

“Rizia.” – ako

“Hindi. Yung full name mo. Ano?”

“Rizia Corinth Garcia.”

“Ilang taon ka na?”

“15”

‘San ka nakatira?”

Anak ng! Talaga koya? Parang interview to ah! Urgh!

“Diyan sa tabi-tabi.” Hmph. Kairita siya!

“Hahaha. Nakakatuwa ka talaga.” Sabay nagpacute.

“Whatever.” Tapos tumingin ako sa malayo. Natawa pa siya dun sa korni kong sinabi ko sa kanya? Imba. Oo nga cute ka nga. Pero ang hangin-hangin mo naman.

“Ok class. Sino sa inyo ang may alam ng Mission at Vision ng school na to?” Tanong ni maam Yongco na adviser ng IV-Can.

Hay, ang gulo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon