XTLWW 2

7.7K 236 4
                                    

Hello dear readers!! here's the chapter 2 hope you like it!

Pic po ng wolf form ni Xaski..

Iba po ang kulay ng mata nya sa wolf form at sa human form incase na malito kayo.

=================================

XASKI's POV:

I stretch my arms and legs habang matamang tinitignan ang isang kuneho na kumakain.

Im in my wolf form at nanghuhunting ako ngayon ng makakain ko.

Dahan dahan akong humakbang at sinisigurado kong wala akong ingay na magawa bago ako tumalon at kinagat yung kuneho.

Sa wakas makakakain na din ako..pinahirapan pa ako ng kuneho nato kanina sa pag huli sa kanya.

Ako nga pala si Xhaireyl Allezhaira Saxony kollens Icevark, Xaski for short (read as Saski)

Bumalik na ako sa lugar na tinutuloyan ko.

Lugar yun na matagal ko ng alam simula palang nung bata ako.

Ginawa ko na yun ng tambayan ko o di kaya ay paglalabasan ko ng masamang loob.

Nasa gitna iyon ng gubat..bago ka makapasok dun may tatawirin kapang talon at dadaan sa isang kweba at sa huli nun ay yun na ang tinitirhan ko.

Isa iyung parang paraiso na may maliit na talon..mga puno at bulaklak may ilog din doon at may maliit na bahay bahay dun na nadiskobre ko noong bata pa ako.

Pagdating ko sa bahay agad kong niluto yung kuneho at saka nagsimula ng kumain.

Habang kumakain ako di ko maiwasan na maalala ang mga nangyari noong nag daang tatlong taon na ang nakalipas.

Yes! Its been three years yet the wounds in my heart are still fresh.

Sa loob ng tatlong taon wala akong ibang ginawa kundi ang mag ensayo para mas lumakas ako.

Pinangako ko kina mom and dad na ipaghihiganti ko sila.

Sa loob ng tatlong taon araw araw akong nag eensayo..kaya naman ngayon kaya kong takbuhin ang ilang miles na lugar..maniwala man kayo o hindi pero totoo yun.

Para saan pa at naging anak ako ng malakas na Alpha kung hindi ko naman gagamitin ang kakayahan ko diba?

Araw araw akong tumatakbo para masanay ako at hindi mabilis na maubos ang enerhiya ko.

Nag train din ako kung paano makipag away..lahat ng nakita at natutunan ko noon sa pack namin pag nagtratraining yung mga warriors ay sinanay ko ulit.

Gumagawa din ako ng sarili kong gamot gamit ang ilang dahon ng puno ,halaman at bulaklak.

Sinubukan ko ding manmanan ang pack namin..ang White Moonlight pero kinuha na yun ng mga rogues na pumatay sa pack namin at ginawang teritoryo nila.

Pero pinapangako ko na kukunin ko ang pack naman..babawiin ko yun sa kung sino man ang walang puso na pinuno ng mga rogues na yun!

Pagkatapos kong kumain nagpasya akong maglakad lakad ulit..tanghaling tapat palang naman eh..at maingat naman ako para walang may makakita o makaamoy ng presensya ko.

Nagpalit muna ako ng mas komportableng damit.

May mga damit naman ako dyan..kung pano ako nagkaroon? Simple lang..nagtitinda ako ng halaman at prutas o di kaya ay bulaklak na galing sa hardin ko sa bayan sa..malayo yun dito sa gubat pero kinaya ko naman para magkapera..kailangan ko din naman kasi yun.

Di lang naman mga werewolfs ang nabubuhay sa mundo eh.

Meron ding Full blood humans, vampires, hybrids, werewolves, and withches.

Agad akong nagpalit ng black leggings at plain black long sleeves at saka black ankle boots.

Nabili ko lang toh doon sa bayan..sa may ukay ukay nila.

Okay lang naman na magsuot ako ng ganito..hindi naman ako mag foform into my wolfs form eh.

At saka matagal ko na din pinag aralan ang kilos ng mga normal na tao kung sakaling makihalubilo ako sa kanila.

lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad.

Hindi ko nga maisip na mananatili ako sa lugar na to eh..ang lugar na tahimik at walang gulo.

Napangiti nalang ako ng mapait..nakakalungkot nga lang dahil..ikaw lang ang mag isang naninirahan dun.

Nagsimula na kong maglakad ng malampasan ko na yung talon..kung titignan mo makakatakot tumalon dahil sa sobrang taas nito pero pag dating mo naman sa baba sobrang ganda nya tingnan at di naman gaano ka lalim yung tubig..mga 6 feet lang ata??

Nagsimula na akong maglakad lakad..hmm siguro manguha na din ako ng mga prutas..wala pa kasing bunga yung ibang puno dun sa paradise eh. (Yun ang tawag ko sa lugar na tinitirhan ko)

Habang naglalakad ako bigla naman ako nakaamoy ng kakaiba.

Teka! Ang amoy na ito! Hindi ko makakalimutan ang amoy na ito!

'Rogues'

Sigaw ng isip ko.

Tama! Sila nga! Pero bakit? Impossible naman na ako ang hahabulin nila dahil hindi naman nila alam kung nasan ako o kung buhay pa ba ako.

Bigla naman ako nakarinig ng iyak ng batang babae.

At dahil sa na curious ako kahit alam kong delikado ay sinundan ko ang amoy at ingay na yun.

Tumakbo ako habang sinusundan yung amoy.

Kahit hindi ako naka wolf form kalahati ng bilis ng wolf ko ang pagtakbo ko sa human form..matalas din ang pandinig ko at pang amoy kahit na ka human form ako.

Ng medyo malapit na yung amoy at boses ay nagdahan dahan na ako sa pag takbo..hindi naman nila maamoy ang presensya ko dahil may kakayahan akong itago ang amoy ko para di mapansin ng kahit sino.

Agad akong nagtago sa itaas ng puno para makita ko sila..di naman nila ako makikita dito..incase nalang kung gumawa ako ng ingay.

Mula sa taas ng puno nakikita ko ang tatlong rogues na pinalilibutan ang isang batang babae na umiiyak.

Yung dalawa ay kulay light brown na may dark brown at yung isa naman ay kulay brown lang.

Mga wala talagang konsesnya ang mga toh! Pati bata hindi nila pinalalampas!

Umiiyak pa din yung bata at humihingi ng tulong pero yung tatlo ay pinalilibutan pa din sya habang ang mukha ay parang handa ng kainin yung bata..lumalabas na din yung mahaba nilang pangil.

Hindi ko kaya tong nakikita ko..wala silang karapatan na saktan yung bata! For pete's sake! Bata pa lang yun!

Kinuha ko yung itim na panyo ko at itinakip sa mukha ko..baka kasi may makakilala sakin o may makarecognize at malaman pa nila na ako yung nakatakas na anak ng Luna at Alpha ng White Moonlight.

Hindi naman sa natatakot ako..pero kaya lang hindi pa ito ang tamang oras para magpakita.

Pagkatapos kong gawing mask ang panyo ko agad akong tumalon pababa ng puno nung makita ko na malapit ng sunggaban ng mga rogues yung bata.

Paglanding ko sa lupa agad naman napatingin sakin yung tatlong rogues kasama na yung bata.

tinignan ko ng masama yung tatlong lobo..mga walang puso!

The three rogues growled at me but i only smirk at them kahit may takip ang mukha ko alam kong nakita nila iyon that makes them growled even more.

"Tsk2x! 3 big wolves vs. 1 kid? Do you think its a bit unfair?"

=================================

Wooooohhhh!!! Hello there werewolves!! So what can you say about the bravery of Xaski? Hahaha

Just leave a comments guys.

And oh! Please dont forget to

Vote**Follow**and share

Thanks guys!! ^__^

♡♡♡♡

XASKI: The Last White WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon