XTLWW 20

4.6K 120 15
                                    

sakurasantos shielamaeeliaca JeonMxknae_ dedicated ko po sa inyo itong chapter nato ^_^

Sana po magustuhan niyo guys ^_^

Enjoy!!!

================================

RHED's POV:

Nandito kami ngayon sa silver room ng pack house.

Silver room or torture room ang tawag namin dito.

Dito namin dinadala yung mga rogue o lobo na mangahas kumalaban samin.

At sa ngayon kasalukuyan naming pinipilit na mag salita ang lobong to kung sino ang namumuno sa kanila.

"Wala akong sasabihin!"

Matigas na sabi nito.

"Aba ang tibay!"

Sabi naman ni Ethan

"Kulang pa ba yung pang latigo ko sayo? Magsalita kana kung sino ang pinuno nyo!"

Galit na sigaw ni Evan.

"Wala kayong makukuha sakin! Dahil hin--"

Nilatigo ulit sya ni Evan.

Naghuhukay ata to ng sariling libingan nya eh.

Patay sya pag si Alpha na ang kumausap sa kanya.

"Magsasalita kaba o hindi?!"

Tanong ni Ethan..si Ivan naman tahimik lang sa isang tabi pero nakatingin sa rogue na parang inoobserbahan.

"Wala akong---arrghh!!"

Daing nito ng biglang may tumamang silver knife sa balikat nya.

Napatingin naman kami kay Alpha na nakayuko habang naka upo sa isang sulok.

"Do you still want to live?"

Malamig na tanong nito sa rogue na kahit ako ay di ko mapigilan na kilabutan sa tono ng boses nya.

Hindi parin nag salita ang rogue tahimik lang itong nakayuko habang hawak ang parte ng katawan nyang natamaan ng silver knife.

"I said do you still want to live?"

Kung kanina malamig lang ngayon sobrang lamig na.

"P-patayin n-niyo nalang ako"

Hinang hinang sabi nito.

Nakita ko naman na nag smirk si Alpha.

"Are you sure?"

Tanong nito ulit sa kanya.

Parang nag aalinlangan pa yung rogue  kung ano ang isasagot niya.

I can see it through his eyes na gusto pa niyang mabuhay.

"Tell me who is your leader and I'll let you live"

Sabi nito pero yung rogue nakayuko parin.

Naku! Kung ako sa kanya magsasalita na ako mahirap pa namang galitin yang si Alpha.

He lift his head up at matamang tinignan si Alpha kahit na hinang hina na sya.

"H-hindi ako---!"

nagulat nalang ako ng sa isang iglap nasa harap na nya si Alpha at hawak siya nito sa leeg nya.

"Aacckk!!!"

Pilit nyang kumawala kay Alpha pero mas lalo lang nito hinihigpitan yung pagkakasakal sa kanya lumalabas na din yung ilang ugat sa mukha ni Alpha patunay na galit na siya.

XASKI: The Last White WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon