XTLWW 23

4.3K 123 20
                                    

SOMEONE's POV:

Mahirap ang tingnan kalang sa malayo habang may kasama kang iba pero hahayaan muna kita sa ngayon na magpakasaya  dahil dadating ang tamang panahon magiging akin ka!






XASKI's POV:

Nagising ako ng makaramdam ako ng uhaw.

Tinignan ko yung oras sa side table namin.

2:43 A.M

Ang aga pa

Dahan dahan kong hinawi yung kamay ni Zhayren na nakapulupot sakin sama mo na pati binti niya.

Akala mo naman parang mawawala ako kung makapulupot haha

Dahan dahan akong tumayo sa kama at lumabas ng pinto.

Tahimik yung buong pack house kaya dahan dahan akong lumakad para di ako makagawa ng ingay sensitive pa naman yung mga tenga ng lobo konting ingay lang naririnig na nila.

Pagdating ko sa kusina agad akong kumuha ng baso at tubig at saka ko ito ininom.

Hinugasan ko muna yung baso at binalik ito sa lalagyan niya.

Tumalikod na ako at nag simulang mag lakad ng may biglang pumasok sa kusina.

"Ohmy! Wag ka ngang mang gulat!"

Muntik na akong mag ka heart attack dun ah.

"Pasensya na"

Sabi ni Skith..yung mate ni Athena.

Naipakilala na siya samin simula nung nalaman nila Zhayren na siya ang mate ng kapatid ni Ethan.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kanya

"Wala naman di ako makatulog eh"

Sabi nito at saka tumingin sakin ng deritso sa mata.

Medyo nailang naman ako sa way ng pagtitig niya sakin kaya ako na yung unang umiwas.

"Kamukha mo talaga siya"

Bulong nito na narinig ko naman.

"Sino?"

Nagulat naman siya pero bigla din bumalik sa dati yung ekpresyon ng mata niya.

"Wala sige mauna na ako"

Nagtataka ko naman siyang tinignan habang naglalakad paalis.

Kamukha ko daw?

Sino naman kaya yun?

Aish! Bakit ko ba iniisip yun?

Para akong baliw na kinakausap ang sarili.

Umiling nalang ako at nag simula ng mag lakad.

Paakyat na ako sa hagdan ng may marinig akong boses.

"Kathlea"

Ayan na naman yung pangalan na yan ilang beses ko ng narinig yan ahh

"Sino ka?"

"Kathlea malapit na ang tamang oras"

Anong tamang oras ang pinagsasabi nito?

"Oras sa ano?"

"Mag handa ka Kathlea malapit na ang pagbabalik niya"

Sino ang babalik?

Bat di nalang ako deritsohin?

XASKI: The Last White WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon