XTLWW 19

5K 139 5
                                    

jamesha_kishi dedicated ko po sayo ang chapter na ito hehe

Sana magustuhan nyo guys ^_^

================================

XASKI's POV:

Ugghh!! Ang sakit ng ulo ko! At saka ng katawan ko!

Teka asan ba ako?

Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko pero napapikit din ulit dahil sa sinag ng araw.

Nung naramdaman kong medyo hindi na maliwanag saka ko ulit minulat yung mata ko.

Hmm pamilyar ang kwartong to sakin at sa amoy palang alam ko na kung kaninong kwarto ito.

Tinignan ko yung paligid hanggang sa napadako yung tingin ko sa gwapong mate ko na natutulog habang hawak ang kamay ko.

Teka!

Kamay ko?

Agad ko namang tinignan yung kamay ko na hawak nya at di ko mapigilang mamula.

Medyo nangangalay na nga eh.

Ilang oras ba ako natulog?

Ayaw ko naman igalaw baka magising sya halata naman kasi na hindi siya masyadong nakatulog.

Pero ang sakit na sa kamay eh!

Haist! Bahala na!

Unti unti kong ginalaw yung kamay ko pero mas lalo lang humihigpit yung kapit nya.

Anu ba yan!

Tinignan ko yung mukha nya.

Naka side view naman kasi sya kaya kita ko ang mukha nya.

Bat ba ang tangos ng ilong nya? Nahiya naman ang ilong ko sa kanya.

Yung mga pilik mata nyang mahaba at sobrang itim.

Yung kilay nyang hindi naman makapal pero sobrang itim din.

At yung labi nyang namumula pa at medyo nakaawang.

Ano kaya ang feeling na mahali---aish! Ano ba yang iniisip mo Xaski?! Nababaliw kana!

"Tulog naman sya eh!"

"Tumigil ka Allez!"

"Isa lang naman!"

"Heh! Wag mo akong idamay sa kalandian mo!"

"Hmp! If I know gusto mo lang din naman"

"Aba't--"

Walanghiya yun! Tama bang iblock ako? Tsk!

Tinignan ko ulit yung mate ko at napadako naman yung tingin ko sa labi nya.

Napalunok naman ako nag iwas ng tingin.

Pero tulog naman sya eh di nya naman siguro malalaman.

Bahala na!

Unti unti kong nilapit yung mukha ko sa mukha nya at nung ilang inch nalang ang layo ko bigla siyang nag mulat kaya napalayo ako ng wala sa oras.

Hooo!! Muntik na yun ahh.

Langya! Ano bang nangyayari sakin?

"How do you feel?"

Tinignan ko naman sya sa mata at hindi ko maipaliwanag kung ano ang emosyon nya kasi blangko nya lang akong tinignan.

"I'm fine"

XASKI: The Last White WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon