After a week eh ayun nga nagtungo na kami sa Canada... Syempre wala akong pinagsabihan kasi naging busy kami ni mama nagpack ng gamit saka ipinagkatiwala namin ni mama yung bahay sa tita mely ko ...
May nakuha si papa na bahay dito na sakto lang sa amin.. Tpos dito business management na daw kukunin ko which is okay naman sa akin. 😊😊
Baka nag aalala na si bes kaya mag iinternational call ako
Ringgg...
"Hi bes! Miz na kita grabe" sabi ko sa kanya
"Hoy babaita ka huhuhuhu .. Pumunta ako sa bahay nyo sabi ni tota mo nasa canada ka na. Bwisit kang babae ka di mo man lang sinabi sa akin na best friend mo" garalgal na sabi no bes
"Sorry na bes .. Naging busy na kasi kami ni mama noon. Saka di ko na sinabi kasi alam kong iiyak ka na naman ng isang linggo before ako umalis jan baka di ako maka alos kapag" sabi ko
"Nakakatampo ka bes .. Basta umuwi ka dito ha i promise mo yan" sabi nya na ikinangiti ko
"Oo naman bes .. Kamusta pala si kristoff bes? " tanong ko alam ko kasi na pasukan na nila dun
"Bes wag kang iiyak ha" sabi ni bes bakit kaya
"Ha? Bat naman ako iiyak bes? "
Sabi ko"Eh kasi bes sila na ni fey engage na sila"
"Ha? Pano nangyari yun? "
"Pinikot daw sabi ni chard "
"Ha? Paano?? "
"Buntis daw at si kristoff ang ama .. Pero sabi ni kristoff di nya daw sya ginalawa pero sabi ni fey nung nalasing daw sila may nangyari aw kaya nga nakahubad daw silang nagising eh" bigla na lang napatulo ang luha sa pisngi koka
"Ah ok bes sige na ha.. Mahal kasi international call babye na bes i love u so much mwuuaah babush bes" paalam ko"Okay bes iiyak mo lang yn jan bes ha wag mong pigilan. Sana anjan ako bes to hug you. Mwuuaah bye bes mahal na mahal din kita"
End call
Kumuha ako ng sticky note
Dear Forever,
Paasa ka. Pafall ka. Sobra ka manakit..Kanina ko pa gustong umiyak
Napahagulgol na lang ako..
"Nak! Okay ka lang ba jan? " sabi ni mama saka sya pumasom sa kwarto ko kasama si papa
"Pa wala na si forever ko balit ganun ang sakit! Sabi niyo di masakit pag crush lang bat sa akin ang sakit sakit " sabay yakap na umiiyak kay papa
"Anak alam mo kasi di na yan crush eh . tatlong taon na .. Ang crush anak 3-4 months lang .. Eh ikaw nahing years na .. Mahal mo na talaga.. " sabi ni mama habang hinahagod ang aking likod
"Anak iiyak mo lang... " sabi ni papa
"Pa bat ganun kailan lang tapos ngayon nalaman ko ng may iba na sya at buntis pa " hagulgol ko
"Pa ang sakit sakit.. Pa paano ako ? Ma paano ako ? " pagkasabi ko nun tumakbo ako agad sa banyo eh kasi naduduwal ako
"Nak okay ka lang ba?? " tanong ni papa
"Buntis ka ba anak? " tanong naman ni mama na syang kinagulat namin ni papa at napatingin kay mama... After 5 seconds na titgan mas lalo akong humagulgol ng iyak...
"Nak umayos ka jan . magbihis ka pumunta tayo ngayon din sa doctor" mahinahon na sabi ni papa pero napakuyom sya
....
3rd person
Sa kwarto ng mag asawa
"Pa inom ka muna ng tubig .. Kalma lang pa" sabi ng ginang na naiiyak na"Ma, kakayanin natin to" sabay yakap sa asawa
"Pano na ang anak natin? Kawawa ang hija ko.. Sugatan na nga ang puso nya tapos nabuntis din nya sya pero yung isa na ang pakakasalan na nya" lumuluhang sabi ng ginang
"Ma.. Makakaya nating buhayin ang magiging apo natin.. Maging matatag tayo ma.. Wag mong ipakita sa anak natin na pinanghihinaan tayo ng loob o magalit sa kanya baka kung anong maisip pa nyang gawin ngayon nya kailangan ng matindi na suporta galing sa atin ma" sabi ng ginoo
"Oo pa.. Kailangan nating maging matapang kaya natin to"
...... At sa araw na nga iyon ay pumunta nga sila sa doktor at naconfirm na nila na 4 weeks na ang bata sa sinapupunan ng anak nila
Audrey's POV
"Anak ... Kumain ka ng kumain " sabi ni mama
"Ayan anak mag gatas ka pa dapat kasing lakas ko ang apo ko paglabas" sabi ni papa na nakangiti.. Alagang alaga ang mga parents ko sa akinAng swerte ko talaga sa magulang.. Sana kayanin ko din ito...
Gusto kong sabihin kay bes pero natatakot ako sa malalaman ko kaya di ko na inungkat pa ang tungkol kay kristoff..
Oo di ako makapag move -on.. Paano naman kasi ako mag momove -on eh wala namang kami di ba..
Dear God,
Thank you for my child , di man kami nagkatuluyan ni crush at least i have his memory on me at yun ay ang anak namin.. I will survive..Kailangan kong ipakita kung gano ako kalakas.. GIRL'S POWER NA ITUUU
👉ikinasal na nga ba si fey at si kristoff ?? Or may chance pa sila??
BINABASA MO ANG
HEY CRUSH!
Teen FictionAng storyang ito ay nagpapatunay na "Daig ng Malalandi ang MAGAGANDA na katulad ko" bwahahahaha