" ma!!! " tawag ko na natataranta kay mama.. Di ko na alam ang gagawin ko
" anak bakit ?? Ma si addrianne taas ng lagnat nya nagchichill na sya" taranta habang umiiyak
"Naku anak bat mo lang sinabi hala tara na sa hospital bilisan mo" binuhat ko ang anak ko at sumakay kami sa cab ....
Si mama tinawagan agad si papa
"Pa yung apo mo sundan mo kami sa **** hospital bilia pa" saka inend call ni mama
" sir can you drive faster " sabi ko sa driver ng cab kasi naman nararamdaman ko ang panginginig ng dalawang taon kong anak..
"Yes ma'am" sabi ng driver. At mabilis nga itong pinatakbo ang cab at nakarating na kami sa hospital
Chineck agad ng doctor doon ang anak ko at si mama na nag fill up sa papers namin
At dumating din naman si papa
"Ma san ang apo natin kamusta sya? " sabi ni papa
"Chinecheck pa lang sya ng doctor pa" sabi ni papa
"Ma'am are you a Filipino? "
tanong ng doktor
"Yes doc. Kamusta po ang anak ko? "
"Didiretsahin na kita misis may dengue fever ang anak mo at kailangan na syang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon""Eh do wala po ba sa blood bank dito yung blood type nya .. Puro Type AB kasi kami eh type A ang anak ko"
"Naku misis wag kang umasa sa blood bank kasi madaming dugo ang kailangan ng anak mo hanggang gumaling sya at alam mo ding rare ang dugong iyan.. Ang tatay nya po misis ang tanging pag asa mo at ang mga kapamilya nya" para akong pinagbagsakan ng langit napahagulgol ako at napaupo na lang....
"Ma anong gagawin ko? " tanong ko kay mama habang humahagulgol
"Anak kausapin mo na sya para sa anak mo"Tumayo ako agad "tama ma.. Pupuntahan ko sya.. Ma kayo muna bahala sa anak ko bilhin nyo lahat ng type A na dugong meron sa blood bank nila ma habang papakiusapan ko ang tatay nya ma"
"Sige anak kami na bahala ng papa mo" ... Inihatid ako ni papa sa bahay at kumuha lang ako ng dalawang pares ng damit at undies saka yung passport ko at sapat na pera...
at hinatid ako ulit ni papa sa airport..
"Anak mag iingat ka dun ha" sabi ni papa
"Opo pa"
"Magpakatatag ka anak.. Para sa anak mo din lang ito"
"Opo pa" at nagingilid na naman ang luha ko
"Anak kunin mo to.. Gamitin mo kung sakaling gipitin ka" sabay abot ni papa sa gold card nya
"Pa pano naman kayo.. Madami pa tayong gagastusin sa hospital" sabi ko
"Anak wag kang mag alala pwede kaming manghiram dito may mga kakilala na tayo dito saka may bonus pa ako sa company i aavail ko na ng maaga .. Wag mo ng alalahanin anak..." Sabi ni papa
Nagyakapan. Na kami ni papa
"Pa i update mo ko ha"
"Oo nak sya sge na humayo ka na baka di ka na makaalis nyan"
"Sge pa bye love you pa " sabay halik ko sa pisngi nya
......
Habang nasa eroplano ako ay nanalangin ako habang umiiyak ng tahimik
Diyos ko sana naman malagpasan ng anak ko ang pagsubok na binigay mo sa kanya napakabata pa nya sana ako na lang ang nagkasakit po panginoon.. Wag nyo po syang kunin sa akin ama di ko po kakayanin..
3rd person
Habang umiiyak si audrey sa isang sulok sa eroplano... May isang pasahero naman ang nakamasid sa kanya
"Audrey nagkita ulit tayo pero bakit umiiyak ka nasasaktan ako sa bawat pag iyak mo" sambit ng lalake sa sarili..
Sa buong byahe ay nagmamasid lang sya tapos nung nakita nyang nakatulog si audrey ay pinuntahan nya na ito at kinumutan saka hinalikan sa noo saka bumalik ulit sa upuan nya...
👉oh em gee.. Sino sya??? Any idea???
Please Leave your comment below and your vote if you like it thank you!! 😜
BINABASA MO ANG
HEY CRUSH!
Teen FictionAng storyang ito ay nagpapatunay na "Daig ng Malalandi ang MAGAGANDA na katulad ko" bwahahahaha