He Saved Her

13 0 0
                                    

LEIGH's POV

 Pagkatapos namin kumain ng icecream ni Shenn pumunta kami sa mall. Window shopping lang. After that, we went home.

 Naglalakad na ko pauwi ng bahay nang makita ko sya. Eto na naman yung mga luhang kanina lang ay napawi ng sandaling kasiyahan. Malalaglag na naman ang mga traydor na luha na to. Ayoko ng umiyak, pagod na pagod na ko. Dalawang taon na rin akong ganito. Samantalang yung taong dahilan ng mga luhang pumapatak ngayon sa mga mata ko ay masayang-masaya na sa piling ng iba. Bakit ganun? Bakit parang ang unfair ata? Ako nasasaktan tapos sya tumatawa, ngumingiti.

 Yung taong dating dahilan ng pagtawa, pagngiti at paghalakhak ko ay ang dahilan ngayon ng pag-iyak ko gabi-gabi, maya't-maya at araw-araw ngayon. Ang sakit. Ang sakit-sakit.

 Tumakbo ako para hindi nya ko makita. Tumakbo ng tumakbo ng tumakbo hanggang marating ko yung bahay ko. Dumiretso ako ng cr. Nakababad ako sa shower. Umiiyak, nasasaktan at hindi makatayo mula sa aking pagkakadapa. Lagi nalang ganito. Gusto ko ng mabago to. Pero paano ko nga ba to mababago? Kung yung mismong puso ko ay nasanay na sa ganito?

 Tatawagan ko nalang si Shenn para papuntahin dito sa bahay at masamahan akong mag-bar. Ayun lang ang nakakapagpasaya saken sa mga oras na ganito ako.

*@MAYSHA*

Nandito na kami ngayon sa bar ni Shenn. Nakakailang bote na rin ako ng alak, nahihilo na din ako. Gusto kong sumayaw. Gusto ko dun ibuhos lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.

"Shenn, dito ka lang ha?"

"Bakit? Saan ka ba pupunta Leigh?"

"Sa dancefloor sasayaw lang. Gusto ko dun ibuhos tong nararamdaman ko eh"

"Leigh, you already drunk. Baka kung anung mangyari sayo. Madaming gagong lalaki dito, baka bigla ka nalang hilahin at dalhin kung saan-saan.You better stay here" she said, then she held my hand.

Inalis ko yung pagkakakapit nya sa kamay ko at ako ang kumapit sa kamay nya, "Haha. Dont worry Shenn. Ok pa ko. Di pa ko lasing" Pero deep down inside nahihilo na ko. Umiikot na yung paningin ko. At anytime parang tutumba na ko. Pero kailangan kong ipakitang ok pa ko, para payagan ako ni Shenn na sumayaw at mailabas ko tong sama ng loob na nararamdaman ko ngayon."Nakainom lang ako. Kaya ko pang sumayaw at sapakin ang lalaking mambabastos sakin" I smile at her, saka ako naglakad papuntang dancefloor.

Nakikipagsayaw lang ako dito kung kani-kaninong lalaki. Yeah, I like this kind of feeling. This makes me feel good and it helps me to forget my problem.This is my stress-reliever.

SHENN's POV

Hi guys my name is Shennaia Dinielle Villareal. Leigh's childhood bestfriend. Ever since lumipat sila ng bahay sa subdivision namin naging magkaibigan na kami.

We're here at Maysha. Dito lang kami pumupunta ni Leigh pag may problema sya. Naaawa na talaga ako sa bestfriend ko. Lagi nalang syang ganyan. Dalawang taon na nga ang nakakalipas pero kung maapektuhan sya parang kahapon lang nangyari ang lahat. I thought ganun nya kamahal si Gab. Saksi ako sa lahat ng nangyari sa kanya, sa kanilang dalawa. Ang ginawang pang-aahas ng isa naming kaibigan. And that is Shinella, childhood bestfriend din namin .. before. But she broke our friendship. Because she ruined the happy and strong relationship of Leigh and Gab. In just a single snap.

And there she is. The new bestfriend of mine. The new Analeigh Pyra Rivera who always laugh in just a corny joke. Change into a bitch one but deep inside she is really a fragile. She always cries like a cry-baby in a way that no one else could see her. And in a way of being bitch she always flirts with different guys EVERYDAY, drinks everytime she remember how happy she is when she is with Gab, and she always ruining every happy and strong relationship she sees. Nasanay sya sa away, ilang beses na syang nasampal dahil sa ginawa nya. And after that she will drink a lot of alcohols and cries again.

And back to reality. Pagtingin ko kay Leigh, marami ng nakapalibot na lalaki sa kanya. Pero may humila sa kanya na isang lalaki. Tumayo ako at sinundan ko sila. Tinignan ko kung saan nya dadalhin si Leigh. Nakita ko na isinakay nung lalaki si Leigh sa sasakyan nya. Lasing na si Leigh so that means she doesnt know about what's happening this moment. But this guy looks very familiar. Isn't it .. Gabriel!? OhMyGee! What was he doing here? Sinusundan nya ba kami? Pero baka magalit si Shinella samen, away na naman to. Tss. That stupid bastard! But I think I should say thanks to him because he saved my bestfriend from that jerks out there.

Bumalik na ko sa table namin kanina. Alam ko naman na safe si Leigh kay Gab kahit na nasaktan nya si Leigh dati. But from Shinella? No way, it would be trouble.

LEIGH's POV

Umaga na at .. eh? Pano ako nakauwi sa bahay ko? Wala na kong matandaan eh. Pero siguro hinatid ako ni Shenn sa sobrang kalasingan ko. Konti nalang natatandaan ko eh.

*FLASHBACK*

May humila sakin na lalaki habang nakikipagsayaw ako dun sa maraming lalaki na nakapaligid sakin. Malabo nakasi yung paningin ko that time at feeling ko umiikot na yung mga tao sa paligid ko. Kaya di ko na namukaan kung sino tong lalaking to.

Then afterwards, dinala nya ko sa carpark. Ugh. This bastard .. I know what he wants .. Duuh! My body! -.- Well, in his face! Kahit na lasing na ko di ko pa rin ibibigay yun sa kanya noh!

But I was wrong because he hug me and he whisper in my ear "What are you doing there huh? Dancing with those jerks? Wag ka na ulit makikipagsayaw ha? Ayokong may mangyaring masama sayo next time" That smell. I know that smell but I cant remember kung kanino. Then he kiss me on my forehead then he free me from his hug.

"I miss you so much Leigh" After I hear those words I dont know what happened next. The next thing I knew is Im already here at my house.

*end of flashback*

Urgh. ang sakit ng ulo ko. Ang dami ko kasing nainom kagabi eh. Well kailangan kong pumunta ng gym ngayon to work out. Nakakalaki ng tyan ang pag-inom ng alak eh.

So I drive papunta sa Body Fitness Gym. Two hours lang ako dun. Yeah, I have a car. Pero di ko sya msyadong ginagamit dahil tinatamad akong magpa-Gas. And mas prefer ko pa ang mag-Commute.

After kong mag-work out nagpahinga muna ako at nagpatuyo ng pawis then I take a bath again.

Umuwi na ko ulit ng bahay. Nagluto at kumain muna ako then maya-maya natulog na. Babawi lang ako ng tulog kasi sobrang puyat at pagod ako dahil sa kagabi at kaninang umagang pagwoworkk-out ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Okay hanggang dito nalang yung UD:))))))))))))))) Next UD pag hindi na ulit ako busy^^ I hope nagustuhan nyo. And sorry sa typos and wrong grammars! hehe :D kayo na bahalang umintindi;))

Last Chance (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon