My Pain, My Fault 1.1

10 0 1
                                    

Hi :)) sorry sa mabagal na UD. Sobrang busy eh. So eto, sana magustuhan nyo ^^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SHINELLA's POV

Hello there guys. Im Shinella Marie Gamboa. Yeah Im Leigh's ex-Bestfriend. I know sobrang sama na ng tingin nyo sakin. Why? Dahil sa ginawa ko dati? Masama na bang magmahal ng tao? Yep I know masama para sakin. Because ang taong natutunan kong mahalin ay yung boyfriend pa ng bestfriend ko.

Mahal ko si Gab, sobra. At gagawin ko ang lahat para lang mahalin nya din ako. Pero mukhang araw-araw ko yatang pagsisisihan yung ginawa ko nung gabing yun.

*FLASHBACK*

It's May 23, 2011 malapit na pala ang laban namin ng sayaw, at may practice kami mamaya. Bumaba na ko ng hagdan para mag-almusal, kinuha ko din yung cp ko para tignan kung may nag-text. Sakto meron 12 sms. Tinignan ko kung sino puro mga ka-grupo ko at may isa kay Shenn. Binasa ko yung sa kanya. Nag-GM ng quotes.

From: BeShenn:)

Sa relasyon dapat may isang marunong humawak ng salitang PANG-UNAWA. Hindi yung pareho kayong SIGA!

__ Tamaa?:)

GooooooooooooooooooodMorniiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingGUYS^^

Take Care Muaah ;*

Bes'Leigh. Oyy Ha! Lapit na Monthsary nyo ni Bes'Gab. Ano ganap natin?:)) Congrats :D

#HerLoveIsMyRelegion

-----Back-----

Binack ko na, tss. Malapit na nga pala monthsary nila Gab at Leigh 3 years na sila sa 29 at alam kong mag-eeffort na naman ng todo si Gab para mapasaya ng sobra si Leigh. Mahal na mahal nya yun eh.

Di na ko kumain instead naligo na ko at after nun nagpaganda syempre at lumabas ng bahay. Wala naman akong kasama sa bahay, pare-pareho lang kami nila BeShenn at Leigh.

Pumunta ako sa bahay ng isa sa mga ka-grupo ko. Nandun din si Gab. Binati ko sya, ngumiti naman sya. Hayy. Ang gwapo nya talaga, sobrang swerte ni Leigh at meron syang boyfriend na ganito ka-gwapo.

Nagkwentuhan lang kami dito hanggang napagpasyahan nilang pumunta na sa studion at magpractice dahil ilang araw na lang laban na namin.. Kagrupo ko sa sayaw si Gab. Ang galing nya ngang sumayaw eh. Lalo na yung mga hip-hop. Remix kasi sinasayaw namin. sunod sa uso eh.

Then nandito na kami sa studio. Kanina pa ko nakatingin kay Gab at sya naman kanina pa kapit yung cp nya, katext nya na naman syempre yung girlfriend nyang si Leigh. Nilapitan ko sya, at sinabihan na tawag na sya nung choreo namin, sya kasi yung madaming galaw. Kaya sabi ko "Peram muna ng cp mo Gab, di ko naman babasahin yung conversation nyo ni Leigh eh. Haha. Maglalaro lang ako" then nginitian ko sya.

"Alam ko naman yun Shinel eh" tapos binigay nya sakin yung cp nya at bago sya umalis kinurot nya ko sa cheeks pero mahina lang. Kaya napa-smile ako sa kanya. Then umalis na sya.

Sinadya ko talagang hiramin tong cp nya para lowbat-in. Ang sama ko ba? E nagseselos ako eh. Ang happiness nila ni Leigh ang weakness ko. Nasasaktan ako, higit pa sa sobra.

Ang dami ng text ni Leigh pero dedma ko lang. Hanggang sa mag-Lunch na at dito na din kami kumain. Salo-salo. After namin kumain, nagtulong-tulong kami magligpit ng mga pinagkainan namin. Then after mga 30 minutes na pagpapahinga. nagsimula na ulit kami magpractice. mga dalawang oras na kaming nagpa-practice nung patigilin kami nung choreo namin at pinaiwan si Gab para practice-in daw yung bago nyang steps. Kaya sabi ko kay Gab peram ulit ng cp nya, pinahiram nya naman ako. Then, pinaglaruan ko lang yun ng pinaglaruan hanggang sa malowbat.

Then it's already 4:30 kaso nagkaayaan na uminum ang grupo kaya hindi na nakapagpaalam si Gab kay Leigh at alam kong nag-aalala na ng sobra si Leigh, wala naman akong load pati na din ang iba pa naming ka-grupo dahil kaka-cut lang daw ng mga unli nila. So Great! Haha >:)

7 na at masyado ng napapadami ng inom ang mga to kaya inaya ko ng umuwi si Gab, para naman masolo ko sya kahit ngayong lasing lang sya. Kaso habang nagd-drive ako puro Leigh lang ang sinasabi nya. Na kesyo ang saya daw nya pag kasama nya si Leigh, na mahal na mahal nya daw si Leigh na kapag nawala sa buhay nya ay di nya kakayanin at ikababaliw nya. Tss. Nakakaurat >.< Ako ang nandito pero puro si Leigh pa din ang bukambibig nya. Good thing at nandito na kami ngayon sa bahay nila.

Nagulat ako nung bigla nya kong niyakap. Pero after kong mabigla, niyakap ko din sya. Nagsalita sya "asdfghjjkl" Huh? Ano daw di ko naintindihan.

"Ano yun Gab? Lasing ka na talaga noh" tapos bigla nya kong hinalikan. At tumingin sakin "Mahal na mahal kita Leigh" at hinalikan nya ulit ako. Pero nung nabalik sya sa katinuan nya, bigla syang bumitaw sa mga labi ko at napasabunot sa ulo nya "Sorry"

Nilapitan ko sya at sinabing "Okay lang Gab, okay lang. Gab mahal kita, dati pa. Mahal na mahal kita at lahat gagawin ko para lang mahalin mo rin ako at iwan si Leigh"

Tinulak nya ko dahilan para ikatumba ko "Tigilan mo ko Shinell! Alam mo kung sino ang mahal ko, at bestfriend mo yun! Nababaliw ka na ba?!"

Umiiyak na ko dito pero tumayo ako at niyakap sya "Oo baliw na ko Gab! Baliw na baliw na ko sa kakaisip kung pano mo ko matutunang mahalin katulad ng pagmamahal na ibinibigay mo kay Leigh"

Pero nilayo nya ko sa kanya at kinapitan yung kamay ko, ng mahigpit yung tipong namamanhid na sa sobrang sakit pero wala lang yun sa nararamdamang sakit ng puso ko "Pwede ba Shinell! Tigilan mo na ko. Tigilan mo yang kahibangan mo! Dahil kahit kailan hindi kita matututunang mahalin dahil ang mahal ko ay ang kaibigan mo! Naiintindihan mo ba?"

"Hindi Gab, hindi ko naiintindihan!" Hinalikan ko sya at alam kong nabigla sya. Hanggang sa makita kami ni Leigh at nangyari na nga yung break-up nila. Dahil SAKIN.

*END OF FLASHBACK* 

At hanggang ngayon pinagsisisihan ko yung ginawa kong yun dahil nasa akin nga si Gab, alam ko namang ang puso nya na kay Leigh pa rin. Tuwing dadaan kami sa bahay nila Leigh lagi syang mukang tangang sumisilip sa gate. At kahit nakikita ko yun hindi nalang ako nagsasalita. Martyr ba ko? Wala eh, mahal ko. Sobra.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ooooooooooooops! Hanggang dito muna ^^ Inaantok na ko eh. May part 2 pa po itong POv ni Shinell. kaya abangan nyo po :)))) help nyo din ako i-Spread tong Last Chance? Pleaaaaaaase?:)

And paki-add na din po ako ^^ heres my fb account.

marrhizze_azarcon16@yahoo.com

Last Chance (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon